“Mama, kamusta na po pala kayo?” tanong ko sa aking ina. Nandito kami ngayon sa bahay namin sa bukid at dumalaw lang, bukas ay babalik na rin kami sa inupahan namin na rest house ng pamilya ni June. “Ayos lang anak,” sagot ng aking ina na umiwas ng tingin. Kaya't nagkatinginan kami nina Oceano at Wisley. “Mama, akala ko ba ipinikilala mo kami sa boyfriend mo. Nasaan na pala? Hindi mo na ipinakilala ng nakaraan,” tanong ko sa aking ina. “Paano pa, wala na dahil binalikan ng tanga na ina mo ang ama mo!” nagulat ako at napatayo sa sinabi ni Lola. “M—Ma?” tanging nasabi ko, habang ang aking ina, hindi sa akin makatingin ng diretso. “Gusto ko lang naman pagbigyan ang sarili ko, hayaan na lang sana ninyo ako na maging masaya. Wala naman ng chismis ngayon, hindi tulad noon. Kaya't wag

