Nagpasya kami na bumalik na lang sa siyudad. Dahil si Mama at Lola, nagpumilit na sumama sa amin. Hindi ko naisip na dapat pala, sinama ko din sila noon pa. Dahil ni minsan, hindi pa sila nakaluwas. Tanging sa barrio namin lang sila paikot-ikot. Nakonsensya ako sa kaisipan na ‘yon. “Good morning,” pagbati ko kay Oceano na nagluluto. “Umalis sina Mama mo at Lola. Kasama ni Mommy. Mukhang sa kabilang bahay sila mag ba-bonding,” sabi nito sa akin. “Mas mabuti na ‘yon, mas gusto ko kasi na tayo lang. Ang aga ni Mama magising lagi, ang kulit pa,” sabi ko naman. Natatawa na lang si Oceano. Dahil ang hilig ni Mama mag shopping. Hindi konrin masisi, dahil ngayon lang kami nakaluwag. Hakos buong buhay niya, puro lang hanap ng pagkakakitaan. Habang ako ngayon, mas gusto ko na lang manahimik

