THE MOMENT I regained my consciousness the only person I had in my mind is Charl.
"Charl?" sigaw kong nilamon lang ng dilim at lakas ng ulan. I tried to get up, but I can't. Nakalubog ang kalahati ng katawan ko sa putik, damay ang parehas kong braso. Luminga ako, ngunit walang bakas ng kahit ano.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa Camp Site. Naapektuhan din ba sila? Hinahanap na ba nila kami? Si Charl? Nakaligtas ba siya? Paano kung hindi?
Umahon ang takot sa aking dibdib.
"Charl? Nasaan ka? Pakiusap sumagot ka!" sigaw ko sa nanginginig na boses. Naluluha sa kaisipang baka natabunan siya ng landslide. Sinubukan kong ikilos ang aking dalawang braso, ngunit malamig ang tanging naramdaman ko roon. Sa manhid ng parehas kong binti ay hindi ko na ito maramdaman.
"Charl? Sumagot ka naman, o! Huwag kang ganyan. Hindi nakakatawa." Parang tanga akong lumuluha habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Unti-unting tumila ang ulan kaya kadiliman at katahimikan ang nanaig.
Sinubukan ko ulit ikilos ang dalawang braso ko. Pilit kumakawala sa nakadagang makapal na lupa. Nasa ganoon ako nang may tumama sa aking mukha ang ilaw mula sa flashlight.
"Tulong! Pakiusap! Tulungan niyo ako!"
"May survivor dito!"
Dalawang kalalakihan ang matiyagang hinukay ang katawan ko. Iyak ako nang iyak dahil sa pakiramdam na ligtas na ako. Nang makita ko na ang tuhod kong punong-puno ng putik, walang pasabi kong ikinilos iyon. Hirap man at namamanhid ay tumakbo ako patungo sa puwestong alam kong naroroon si Charl.
Gamit ng aking mga kamay ay pilit kong hinuhukay iyon.
"Miss, anong ginagawa mo? Kailangan niyo muna pong bumaba. Kami ng bahala sa iba pa."
Naluluha kong nilingon 'yung lalaki. "Pakiusap. Tulungan niyo po akong hanapin si Charl. Narito siya. Pakiusap. Kailangan niya ng tulong." Kahit masakit ay hindi ko tinigilang hukayin iyon.
Ang isang lalaki naman ay hinawakan ako sa braso. "Miss, ihahatid ka na namin sa baba. Kami ng bahalang maghahanap sa boyfriend niyo."
Matigas kong hinablot pabalik ang aking braso. Inagaw ang palang hawak nito, pursegidong hinukay ang gawing alam kong naroroon si Charl. "Hindi niyo ako naiintindihan manong. Narito siya sa ilalim, buhay at naghihintay. Ililigtas ko siya. Hinihintay niya ako! Charl, ito na ako. Ililigtas kita. Pakiusap, hintayin mo ako."
"Leave it with them, Julienne!"
Nabitin sa ere ang pagbayo ko sa lupa dahil sa boses na iyon. Nanginginig at naluluha kong nilingon ang paparating na si Frank. Sa likod nito ang ilan pang hindi ko kilala na mga kalalakihan. May sinabi siya sa mga ito bago lumapit sa akin.
Sa pag-aakalang ligtas si Charl ay nabitawan ko ang pala at tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at inalog-alog iyon. "Nasaan si Charl? Kasama mo ba siya?"
Nag-igting ang mga panga niya. Mariing tumitig sa akin. Hindi sumagot.
Tumingin ako sa likuran niya. Umaasang baka may kasama pa siya, ngunit walang Charl. Hindi niya kasama si Charl. Muling bumuhos ang ulan, kasabay nang pagragasa ng luha sa aking pisngi. Umiling ako. Marahas na pinunasan ang aking mga pisngi at bumalik sa puwestong alam kong naroroon si Charl.
Lumuhod ako. Gamit ng aking mga kamay ay pilit kong hinukay ang lupa.
"Charl, si Juls ito. Lumaban ka. Ililigtas kita!" Hindi ko iyon tinantanan. Diretso lang sa paghuhukay hanggang sa may malaking batong nakaharang. Hindi ko mahukay. Gusto kong alisin, pero hindi ko alam kung paano. Ang hikbi ko'y napalitan nang kawalang pag-asa hanggang sa tumigil ako. Sinuntok iyon. Yumuko at umiyak.
Lumapit si Frank at hinawakan ako sa baywang upang buhatin.
"No! No! Bitawan mo ako. Bitawan mo ako!" Magaan ang hawak niya sa akin kaya nakawala ako. Ngunit nahuli niyang muli at niyakap mula sa likuran. Hinang-hina na ako, pero para kay Charl ay handang ubusin ang aking natitirang lakas upang iligtas siya.
Kaso ang katotohanang wala nang pag-asa ay pilit na lumulukob sa aking dibdib. Ang bigat-bigat. Ang hirap isiping wala na si Charl. Wala na ang lalaking nagparamdam sa akin na mahalaga ako.
I exist.
"Pakiusap. Si Charl. Iligtas mo siya."
"We will do anything to find him. Let's evacuate first," said Frank. His gripped on my stomach is firm and tight.
I nodded obediently, expecting his hold will release me. But even while we're walking down he didn't leave me. Pumitik ang ugat sa binti ko. Sa sobrang sakit ay nawalan ako ng balanse. Automatic na pumalupot ang aking braso sa kanyang leeg, siya naman ay inalalayan ako sa ulo at balakang.
Nangingiwi ako sa sakit, kaya nang idilit ko ang aking mata ay natulala ako sa paraan nang paninitig niya. From his blue eyes, I saw an episode of my childhood being held by a little boy. We are in the same position background by an intricate mansion on the left side. The boy had a pair of deep sets of blue eyes too, but he is smiling at me dearly. I seemed to wore an expensive dress with a glass pair of pink shoes. There was a maid from afar watching us play on the beautiful backyard, fences with colorful flowers and trimmed bushes.
Wait, was this really me? Or someone else? And who was the boy? Was it Frank? Were we related? I don't understand.
My head!
"Julienne? Julienne?"
I rose up from the bed as if I was drowned by the water. My chest is bobbing fast. And the way Jasmin gave me a concerning gaze. Pinagkiskis niya ang mga palad niya bago pinatong ang isa sa aking noo at ang natitira ay sa kanyang leeg.
She cursed. "Mataas pa rin ang lagnat mo!"
Paano ako napunta sa Hospital? Panaginip?
"Jas, si Frank? Si Frank ba ang nagdala sa akin dito?"
May tinatawagan siya sa telepono. "Siguro. Siya ang tumawag sa akin at nagsabi kung saang Hospital ka. Hello? Yes, room 506. Gising na ang kaibigan ko. Mataas ang lagnat, baka puwede pong paki-check siya?"
Lumingon ako sa bukas na bintana. Ang sariwang hangin mula roon ay nakakaginhawa, pero mabigat at mainit ang pakiramdam ko. Ilang araw na ba akong tulog? Si Charl, anong balita sa kanya?
"Salamat. Sige po. Okay. Thank you. Bye."
Pagkalapag ng telepono ay bumaling agad siya sa akin. Hinawakan ako sa kamay at tinitigan ako sa mga mata. Mukha siyang maraming sasabihin, pero lahat ng iyon ay idinaan niya sa paghinga nang malalim. "Bakla... nagpapasalamat ako sa Diyos na buhay ka."
Pumikit ako at inisip ang mga nangyari. Dala nalang ng sama nang pakiramdam ay naging manhid ako sa totoong sakit na dulot ng mawalan ng kaibigan. "Nasaan si Frank?"
"Bakla, hindi ko alam. Wala siyang binanggit na kahit ano. Alam mo naman 'yang crush mo."
Dumilat ako at tumitig sa kanya. "Si Charl, may balita ka ba? Sa School? Nasaang Hospital ako? Ilang araw na akong tulog."
"Uy. Uy, Puks. Relax. Si Charl, wala akong balita. Kasi si crush mo ay pinasundo ako patungo rito. Ang layo ng Hospital na 'to. Tapos ang pangalan mo kakaiba. Cielo ka na pala ngayon. Kung sabagay tama lang ang ginawa niya. Alam mo bang kalahati ng mga kasama mong umakyat sa bundok ay nawawala. Ang iba na gaya mong survivor sa landslide, nagkaroon ng trauma at hindi pumapasok. O baka umiiwas sa gulo dahil nagkaroon ng patong-patong na kaso ang school at facilitator ng activity. At tatlong araw ka ng tulog."
Isa-isa kong inunawa ang mga sinabi niya. Tahimik na inalisa bago tumango. Piniling muling matulog. Mukhang kalmado, pero sa totoo lang ay hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung anong balita kay Charl. Sana ay okay lang siya.
Lumipas ang panibagong nakakabagot na dalawang araw. Bumaba na ang lagnat ko. Humilom ang mga galos ko, pero ang sugat na dulot ng trahedya ay nananatiling sariwa sa akin.
Nang maghapon ay na-discharge na ako. Sa unang gabi ay sinamahan ako ni Jasmin sa aking apartment. Sa umaga ay umalis siya, iniwanan muna ako ng pagkain at gamot. Pinalipas ko ng isang oras bago ako gumayak, planong bumalik sa bundok. Kaso pagbukas ko sa pinto ay si Gatus ang bumungad sa akin.
"I heard the news."
I am contemplating my whole emotion. I don't want to cry but I can't help it. Every day, every hour or second I would always think about, Charl. Pakiramdam ko hinahanap niya ako. Hinihintay niya ako at kailangan ko siyang puntahan.
"Diyos ko!" Lumapit si Gatus nang muling dumaloy ang luha sa aking pisngi. Niyakap niya ako at kinalma.
"Si Charl, Gatus. Alam kong hinihintay niya ako."
"Girl, hindi puwede 'yon. Libing niya na mamayang hapon."
Tinulak ko siya sa gulat. "Sinong ililibing? Bakit iliibing?" Magkakasunod na iling ang ginawa ko.
"Sumama ka sa akin."
Tahimik at kabado ako buong biyahe namin. Lulan ng Pajero ni Gatus tahimik kong pinanood mula sa loob ng sasakyan ang nagdadalamhating kaanak at iba pang dumalo sa libing ni Charl. I silently cried while watching the familiar woman hugged the coffin. Behind her was an old woman and man, surely Charl's mother and father. They were all wearing black, while I wore a plain peach t-shirt.
Lalo akong naiyak nang ibaba ang kabaong lulan ni Charl. Naghuhumiyaw sa pag-iyak ang ex-girlfriend ni Charl. Nahimatay naman ang ina niya.
Hindi ko na napigilang buksan ang pinto at lumapit. Habang umiiyak ay pinanood ko ang unti-unting pagbaba ng kabaong.
I can't believe it. Am I still dreaming? Can somebody else tell me that this all not true?
May bumulong sa nagwawalang ex ni Charl, kaya napalingon ito sa gawi ko. Poot ang nakita ko sa mga mata niya. Mabilis itong lumapit at pinagsasampal ako.
"Ang kapal ng mukhang mong magpakita rito. Kasalanan mo kung bakit siya namatay. Kasalanan mo!"
I crossed my arms to protect myself, but she's very strong and desperate to kill me to get revenge for the love of her life.
"Bakit kasi dumidikit ka pa sa kanya. Hindi mo naman siya gusto. User. Killer. You're a murderer!" hasik nito.
"Carri, tama na!"
Nakayuko na ako at nananakit ang anit. Magulo ang aking buhok nang tingalain si Frank. Mahigpit ang hawak niya sa parehas na braso ng babae. Inilalayo sa akin. Hindi makatingin.
Aside from the emotion, I had within me. Being accused of killing someone in the middle of many people is another humiliating heartache I would ever encounter. No words, just those threatening and madness gaze from them were enough for me to cry even more. Feeling down and guilty.
"Tara na. Sana pala ay hindi kita dinala rito."
Sa tulong ni Gatus ay nakaalis ako roon.
Hindi ako tumigil sa kakaiyak. Bagaman nahihiya para kay Gatus, hindi siya nagreklamo. Sinamahan niya ako. Inunawa at inintindi.
"Girl, gusto mong sa akin nalang tumira? You know, I don't think you'll be safe there. That wicked witch looks mad desperate." Pinisil niya ang kalmot na natamo ko sa mahabang kuko ni Carri.
Ngumiwi ako. Lalong naiyak dahil miss ko na si Charl. Miss na miss ko na siya.
"Sinugatan niya ang mukha mo. Malditang 'yon!"
"Tama lang sa akin 'to. Sana talaga. Hindi ako pumayag na sumama si Charl."
"Gaga! May dahilan siguro si Papa Charl, kung bakit siya sumama. Nangyari na ang lahat. Tiyak na masaya na siya sa piling ni Papa Lord."
Mula sa loob ng sasakyan ay minasdan ko ang aking apartment. Natatandaan ko noong unang araw na pumasok si Charl doon. Matangkad siya. Kailangan niyang yumuko para makapasok. Sa gilid ng bahay madalas siya maghintay sa akin, sa loob ng kanyang sasakyan. Ang ilaw ay naka-hazards at sa windshield ay makikita mo agad siyang nakangiti. Mahaba ang pasensiya sa paghihintay sa akin.
"I needed to let go a treasure. Sobrang mamimiss ko siya."
Sa huli ay pinili ko ang sumama kay Gatus. Huminto ako sa pag-aaral dahil malala ang sitwasyon sa Beaufort University dahil sa trahedya. Dalawang taon akong namasukan sa kilalang designer ni Gatus sa Australia bilang secretary. Wala akong choice. Pakiwari ko ay pinaparusahan ako ng Diyos sa pagiging selfish ko kay Charl noon. Sobrang hirap ng unang taon ko sa ibang bansa. I made some major adjustments on their culture and language. My boss is bipolar. He is sometimes nice but sometimes he is in his menopausal period. Especially when his boyfriend would approach me or talk with me.
I am stress and toxic. Mas lalo akong napanghihinaan ng loob. Malayo pa naman si Jasmin o kahit si Gatus. Wala akong makausap. Kung hindi lang kay Gatus ay baka umalis na ako roon. Pero kinalaunan ay nakuha ko rin ang loob ng boss ko. Nalaman niya kung sino ang gusto ko. Mula noon ay malaki na ang tiwala niya sa akin.
Sa sumunod na taon ay bumibisita sa kanya si Gatus. Iyon ang unang araw na nagkausap kaming muli.
"Pasensiya ka na girl kung ngayon lang kita nabisita. Nag-launch na ang Majesty. Gusto mo bang bumalik na pagka-graduate mo?"
PInag-iisipan ko iyon. Malaki ang naitulong nang pag-alis ko sa bansa. I grew in any aspect. I became even more matured and saved a lot of money. I don't want to come back there with my old life. I made my dreams high and I won't let it unreachable.
"Pag-iisipan ko, Gatus. Pero maraming salamat."
In my third year here he will come back and promised to bring Jasmin with him. I am very excited to see them again. At the same time, I am thankful that I graduated last month with a Latin honor. I shifted my course to business management. My first choice course doesn't suit me and management is my line.
"Nakakaloka, bakla. Ang galing-galing mo. Lalo ka ring gumanda. Hiyang ka sa Australia. Nakita ko ang mga blog mo... pak na pak at ang katawan—" Pinalo niya ang puwetan ko bago bumaling sa aking mahabang buhok. "Voluptuous. Nag-gym ba kayo ni Madam Caesar? Teka ang buhok. Hindi uso ang gupit, Puks? Gupitan kita, gusto mo?"
Ngumisi lang ako ng simulant niyang tirintasin ang aking buhok. Nakapagtapos na siya last year, kaya pinadalhan ko siya ng regalo. Gusto kong dito na rin siya magtrabaho, kaso hindi na puwede dahil may baby na siya.
Sa likod ko ay dumaan si Gatus. Inirapan ako pero ngumisi.
"Girl, I'm so proud of you. Umuwi kayo sa Pilipinas at mamamasyal tayo!"
Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako sa boss kong si Caesar Pie. Maarte itong sumimsim sa wine glass niya bago tumingin sa akin. Ngayong araw ay may pink eyelashes siyang kasing haba ng kuko niyang orange.
"Why not!" anito.
Tumalon sa kilig si Jasmin. Hinila ako upang mayakap. Masaya rin ako na makalipas ng dalawang taon ay makakauwi ako ng Pilipinas. Pero kabado ako dahil hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko roon.