Accident

2162 Words
WE WERE assembled on the parking lot. Ang daming bus at ganado ang mga professor, lalo si Professor Gomez na siyang namamahala sa ganitong activity. Lumakad na kanina pa ang mga helicopter na naglalaman ng mga relief good. Marami ring medic na isinama at professional hikers. Buhay na buhay ang hiking na ito ngayong taon. "She's an Imperial. Do you think she had a connection with them?" "I don't know, Camilla. For me, she's a b***h. Inagaw niya sa akin si Charl!" Huminga ako nang malalim. Si Charl ang pumili ng upuan namin at bus na masasakyan. Pumayag ako dahil nasa pang-scholar kami. Pero bakit narito itong ex niya? Kinabit ko ang aking earphone at nakinig ng music nang 'di ko na sila marinig pa. Charl is outside. He is on the phone for about thirty minutes. And I don't understand why we are still here instead of moving early. Mahirap pa namang maabutan ng dilim sa pag-akyat. Sa sobrang inip ko sa paghihintay at pakikinig ng musika, hindi ko namalayang tumabi na si Charl sa akin. Kumilos na rin ang bus. Malakas na preno ang nagpagising sa akin, na siyang dahilan naman nang pagtili ng kababaihan. Braso ni Charl ang maagap na sumalo sa akin mula sa puwersa. Kung hindi niya ginawa iyon, baka humahalik na ako sa back rest sa harapan. "Anong nangyari?" "May sumingit na motor. Muntik na siyang mahagip," sagot ni Charl. Kinabahan ako bigla. Kabaligtaran sa mga kasama naming mabilis na kumalma at muling nagbawi ng tulog. Hindi na ako nakatulog buhat noon. Palagi ko kasing iniisip ang abilidad na mayroon ako. Lately, I didn't seen some incidents. All my events were smooth and that is very suspicious. "Okay ka lang? Matulog ka pa." "Hindi na ako makatulog." "Gusto mo ng story?" Kumunot ang noo ko. Story? Anong story? "Tungkol saan? Kanino?" "Sa akin. May napanaginipan ako. Weird nga lang." Base on his facial feature when he was joking, right now he was different and serious. As if he would tell me something scary or creepy story. Is this some kind of drama? Just like how he prank his best friend Frank! "Anong weird?" "Ikaw ang napapanaginipan ko. Magkakaiba ang scene. May kasama kang lalaki." Mukhang hindi nga siya nagbibiro. "Syempre ikaw 'yon," biro ko. Pero napahiyo iyon. Mariin siyang tumitig sa akin. Nasanay akong lagi siyang masaya kaya hindi ko mabasa kung lungkot ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngumisi ako. "Isa ba ito sa mga biro mo? Fine. Bumenta sa akin." "Sana nga ako nalang. Kaso ibang lalaki, Juls. Sana kapag kasama mo siya, hindi ka iiyak. Ayaw kong umiiyak ka." Naging bahaw ang ngiti sa aking labi. Mariin ko siyang tinitigan, upang titigang maigi kung totoo bang lungkot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Pero maagap niya iyong tinago sa normal na ngiti na madalas kong makita sa kanya. Posible ba iyon? May mga taong totoong malungkot, ngunit tinatago ang lahat ng kalungkutan nila sa kanilang mga ngiti. Dahil ayaw nilang malaman ng ibang tao na nahihirapan o nasasaktan na sila. Nahihirapan na siya? Bakit? Tungkol kanino? Charl, may problema ka ba? He managed to be talkative the whole drive 'til we reach the foot of the mountain. We're on one team. Hindi kasama ang ex niyang kanina pa ako pinapatay ng titig. Light lang ang dala ko dahil isang gabi lang kami roon. Pero itong si Charl, parang buong bahay nila dala niya. "Gusto mong tulungan kita sa ibang dala mo?" "Juls, minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Tandaan mo, mataas pa sa bundok na 'to ang inaakyat namin nila Frank." Ngumuso ako habang naghahanap ng kapitan sa makitid na daanan namin. Nakalimutan ko ang parte na iyon sa buhay niya. Nakakatuwang isipin na, madalas ko siyang kasama pero ibang lalaki ang iniisip ko at mas alam ko pa ang aktibidad sa buhay. Alam ko ang favorite color ni Frank. Sports. Ilang girlfriend. Birthday. Edad. Pero si Charl, hindi ko alam ang birthday o kahit favorite color niya. "Charl?" He was behind me. I don't know what he was doing. So when I glanced back at him I caught him taking pictures or video of me. "Ganda ng view," palusot niya. Hindi iyon bumenta sa akin. Lumapit ako sa kanya at sinubukang silipin ang nasa cellphone niya. Na maagap niyang tinago. "Patingin!" "Ang alin? 'Yung view?" Nagpamaywang ako at tinitigan siya nang masama. Huminga naman siya nang malalim. "Lakas mo talaga sa akin." He pressed something on the screen before he showed me the video. I was shocked that it was a video of me, walking ahead background by the beautiful scenery of huge and tall trees. "Guys, dalian. Thirty kilometers pa bago natin marating ang Miracle Lake!" our Team Leader yelled in front. "Mamaya patingin ako niyan, Charl." "Sure. After you," he lively said. Twisting the cup of mineral water before he drank. Dinampot ko ang sanga na nadaanan ko upang ihampas sa mga damo. Natatandaan ko noong mga bata pa ako. Sa bahay ampunan ay may malawak na bukirin. Doon kami madalas magtakbuhan. Upang itaboy ang ahas ay gumagawa kami ng ingay sa pamamagitan ng sanga. Dalawang oras ang nakalipas bago kami nagpahinga. Nasa magandang scenery kami kung saan tanaw ang mayabong na mga puno ng buko. Ang gaganda nila, pero may parte roong walang puno. Habang umiinom sa tubig ay naulinigan kong tinanong ng kasama namin ang Team Leader kung bakit kalbo ang parteng iyon ng bundok. "Nagkaroon ng Landslide riyan noon. Base sa balita noon, mayroong simbahan sa sentrong iyon. Kasalukuyang may misa nang umulan nang malakas at matabunan ng buo ang nasabing simbahan." "Gosh! Are they all dead?" one of my scholar friends commented. "Walang nakaligtas. Kaya nga marami ang nagdalamhati dahil sa insidente na 'yon," si Team Leader na taimtim na nag-iwan ng tahimik na panalangin. Gumaya kaming lahat. Saglit na tumahimik bago kami nagpatuloy. Naiwan sa kuwento ang emosyon ko. Paano kung ganoon ang totoong istorya ng buhay ko? Kaya ako naging palaboy ay dahil namatay ang mga magulang ko? "Okay ka lang?" Napalingon ako kay Charl sa biglang pagsulpot nito sa gilid ko. "Nalungkot lang ako sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente. Alam mo ba, noong nakaraang taon. May nakilala akong bata na namatayan ng magulang. Marami silang magkakapatid at anim na taong gulang palang siya. I met her at aged sixteen. She married at age thirteen because no one can provide their needs. Her husband is forty-one years old. He is working on their barangay. I just felt blessed given the fact that I am also less fortunate." "Hey, you have me. You have, Jasmin. You'll never be alone." I smiled. "Alam ko. Nakakainggit lang kasi... natatandaan niya ang itsura ng pamilya niya. Ako, ni isa sa magulang ko. Wala akong matandaan. Ang buong alam ko lang ay pangalan ko." "Kahit lugar ng bahay niyo?" Umiling ako. Binilisan ang lakad upang makaabot sa nauunang mga kasama. Nilingon ko si Charl na hindi inaalis ang titig sa akin. "You will find them, Juls... soon." Nanatili ang kataga na iyon sa akin hanggang marating namin ang Miracle Lake. Doon ay muli kaming nagpahinga, nag-tanghalian at nagkatuwaan para sa isang nakaka-engganyong palaro. Dahil doon ay aktibo kaming lahat sa panibagong paglalakad. Sa daraanan ay may mangilan-ngilan kaming nakitang mga palatandaan. Ibig sabihin ay hindi kami naliligaw. May kasama pa naman kaming may third eye, sabi niya pa kanina ay may katabi si Charl na lalaki. Nakakapangilabot pero dinadaan lahat ni Charl sa biro. Panibagong dalawang oras ang lumipas. Hinihingal at ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko. Samantalang itong kasama ko ay nagagawa pa akong hilain, hindi yata nawawalan ng lakas sa katawan. "Charl, hindi kamay ni Juls ang hawak mo. Kamay noong lalaki," biro ng isa sa mga lalaking kasama namin. "Haha nakakatwa. Matakot kayo sa buhay, 'wag sa patay!" huling wika niya nang marating namin ang mismong camp site namin. Kami ang pangalawang team na naka-akyat. Kaya nagsalu-salo kami sa papremyong buko juice na ubod ng sarap. Pasado alas singko na at nagbabadya na ang paglubog ng araw. Bitbit ko ang bagong bukas na buko ay lumapit ako kay Charl. May kausap siyang lalaki na natatandaan ko kaninang umaga na kausap niya rin. "Masyadong discreet ang pamilyang Imperial, dude. Hindi ako sure, kung papayag silang mag-open sa Daddy ko." "I hope you'll do something about that. I'll drop the payment anytime soon, John," Charl said. Tatawagin ko sana siya, kaso mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. May sasabihin sana 'yung lalaki, kaso napansin niyang palapit ako. May sinabi siyang hindi ko marinig, kaya medyo binagalan ko ang lakad. Patay malisyang sumimsim sa dala kong buko juice. Nang makaalis ang lalaki ay lumapit na ako. "May problema ba?" "Nagtanong lang ako kung anong oras ipapamigay ang relief goods." Narinig ko ang apelyido ko. Pero baka mali lang din ako ng dinig. "After yatang makumpleto. Inaayos na ng mga leader ang relief goods. Gusto mo pa ba ng buko juice?" Pinanood niya akong sumisim sa straw bago tumitig sa mukha ko. "Ibang buko ang gusto ko." "Ha?" Tumatawa siyang lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. "Wala. Tara nga at makapag-selfie." Madilim na nang makarating ang ibang grupo. Ang mga nauna naman ay nagsimula na sa pagpapamigay ng relief goods. Maraming bahay sa gawing kaliwan, ngunit hindi kita dahil sa dilim. Walang kuryente rito. Mahirap maglagay dahil malayo sa sitio. Sa mismong camp site namin ay flashlight na dala ng bawat isa ang munting ilaw. "Salamat," sabi ng batang lalaki binigyan ko ng supot ng grocery. Hindi niya inaalis ang titig sa akin noong lumipat sa kabila upang tumanggap ng school supplies. "Mukhang crush ka ng bata," bulong ni Charl. Inaagaw ang hawak kong sako. Hindi ko siya pinansin. Kinawayan ko lang 'yung bata bago bumaling sa kasunod. Una kong napansin ang tiyan nilang lahat. Lahat sila ay malalaki. Ang ilan pa sa kanila ay walang saplot o kung minsan ay short lang, mapababae o lalaki. "These kids melt my heart," Charl murmured when he gave the toys with the boy. "That's why I always join the school for this kind of activity. I wanted to be reminded that life is full of luck and chances. If you are poor, dream high and work for it. If you were born rich, learn to help and appreciate what you have." Seryoso ko siyang nilingon. Saglit na tumitig sa mata niya bago ngumiti. "Wala ng laman 'tong sako ko. Refill tayo?" "Sure!" Bumalik kami sa camp site at kumuha ng panibagong sako. Butas ang gilid noon kaya tumapon ang ilan sa delata. Pagyuko naming dalawa ni Charl, saktong buhos ng ulan. Sabay kaming nag-panic, hindi malaman kung sisilong ba o uunahin ang pagbalik ng delata sa sako. "Ako na rito, Juls. Sumilong ka sa tent." Hindi ko siya pinakinggan. Pilit kong dinampot ang gumulong na can goods sa puno bago lumingon sa kanya. May batang mabilis na inagaw ang hawak kong delata at dumiretso sa likurang bahagi. I followed him run and yelled, "Bata! Delikado riyan!" Masyadong malakas ang ulan at madilim. Hindi ko maaninang ang daan at kung saan siya nagpunta. I moved my feet forward and to unfortunate luck, I slept and slid on the muddy landscape. I freak out and panic, trying hard to reach something to save myself but I ended up in wet bushes. Halos maiyak ako sa sakit ng aking balakang. Sa lakas ng ulan ay at bilis ng pangyayari, basang-basa na ako at puno ng galos sa braso at binti. "Tulong! Charl!" Takot akong tumili at niyakap ang aking sarili nang kumulog. Ang munting luha sa aking mata ay sumidhi dahil sa pinaghalong takot na baka may ahas dito at galit sa aking sarili. Kung nakinig ako kay Charl, hindi ako mapupunta rito. Nanginginig kong tiningala ang pinanggalingan ko. I can't see anything. I lose hope as I felt the rain is getting heavy. It's too dark, creepy, and cold here. I don't think someone can find me. Charl! Please save me! "Juls?" Muli akong tumingala nang marinig ang boses ni Charl. He is here! "Charl, I am here!" "Juls? Nasaan ka?" "Sa baba. Nadulas ako. Mag-iingat ka!" A beamed from the light found me. Charl is on the other route, the same ground where I am. When he found me he didn't waste time running and checked on me. Gamit ng flashlight ay nakita niya ang dugo at galos sa braso ko. "Kailangan nating gamutin 'yan," aniya, puno ng awa ang titig sa akin. Lalo akong naiyak bago siya niyakap. "Takot na takot ako. Akala ko, hindi na ako mabubuhay." "Hush. You are safe now, Juls." Tumango ako ngunit nananatiling takot at nanginginig. Humiwalay siya upang mahubad ang kanyang basang jacket. Pinasuot niya sa akin iyon. "This will warm you a bit." He even gave me the flashlight. "Hold this for me." Pinasan niya ako mula sa likod. Marahan ang bawat hakbang niya habang naglalakad. "Paano ka nalaglag dito?" "May naapakan akong madulas." He fixed my weight from his behind before he stopped. "Narinig mo 'yon?" Feeling relief and safe I confidently answered, "Oo. Ano kaya 'yon?" "Baka lalong lalakas ang ulan." Bahagya niyang binilisan ang lakad. Ako naman ay pinakinggan ng maigi ang ugong. They were like rolling stones or thunder. When I looked up from where our campsite, my eyes widen as I saw the wet soil falling on us. Before I could warn, Charl, the landslide touched his feet and I felt his force throw me afar from him. Saving me. I screamed no, but everything became blurred as I felt something hard hit my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD