Playful Friend

2226 Words
NOT MOVING at all, just staring back at him with a key flying on my side. Frank caught it sexily before he shifted on the driver seat and turned on the engine. Another sexy smile before he glanced on our way— obviously, inviting us. Pero ramdam na ramdam ko ang munting paru-paro sa aking dibdib na malayang lumilipad. Nagitla ako sa paghawak ni Charl sa kamay ko. "Tara na, Juls." Nagpahila ako sa kanya. Doon kami sa back seat sumakay at si Frank ang driver. Inaasahan kong awkward ang mangyayari, pero pinawi ng dalawa ang kalungkutan ko. Dumagdag din sa grupo namin si Sander Cristobal. Mahabang biyahe at tawanan ang nangyari. Natuklasan kong mahilig mag-exhibition si Frank, Sander at Charl. Iyon ang hindi isinasama ni Frank sa kanyang blog na madalas naman i-post ni Sander. "Kumakain ka ba ng sawa, Juls?" tanong sa akin ni Sander ng mapansing tulala ako. Kakatapos lang nila mag-photoshoot para sa makailang ulit na back flip sa dalampasigan. Ilang beses na sumablay si Frank, samantalang si Charl at Sander ay expert. Hindi ako humihinga sa kaba. Takot na takot akong baka mapaano siya. "H-ha?" Pinigil ni Sander ang huwag matawa dahil sa reaction ko. Matapos nila akong pakabahin kanina, ngayon naman ay dinala nila ako sa isang Exotic Restaurant. Kakaiba rin ang trip ng tatlong ito. Ganito pala sila mag-celebrate! Mula sa likod ay sumulpot si Frank. Saglit kaming nagkatinginan bago nito dinibdiban si Sander. "You should give her the chicken. I want the scorpion and horse penis." Did I hear him right? "Scorpion? Akala ko ba 'yung sawa ang kakainin natin dito— f**k man!" reklamo ni Sander ng si Charl naman ang sumuntok sa balikat nito. "Sawa nalang kasi!" "Bahala kayo. Basta ako 'yung uod na puti," komento ni Charl. Kinindatan ako bago umakbay kay Frank. "Nahirapan akong mag-park. Dapat kasi, hindi tayo sumabay sa opening." Nagkakamot ng batok si Sander bago umalis. "There is no perfect time to eat p***s, Chuck!" komento ni Frank. Ang kanyang mata'y naglilibot sa paligid. Inosente sa nagdaang grupo ng kababaihan na pare-parehas na nakatingin sa kanila ni Charl. I bit my lower lip to control my lips to smile. The way Frank drop humor seemed plain, but it was really kicking. Ang malakas na tawa ni Charl ang magpapatunay noon. "Makasalanan ang restaurant na 'to." Sang-ayon ako sa sinabi ni Charl. Sa dinami-rami ng ihahain, bakit pati 'yung kuwan ng kabayo ay idadamay? Bahagyang umabante si Charl ng mapansin ang pananahimik ko. "Hindi ka namin ibibili ng exotic, Juls. Gusto mo ba ng steak? Roasted Chicken?" Nanuyo ang lalamunan ko ng dumapo sa akin ang atensyon ni Frank. Saglit lang iyon dahil bumalik na si Sander na may ngiting alam mong gagawa ng kalokohan. "Dinagdagan ko. Bibigyan ko si ate ng sawa. Sasabihin ko chicken." "The last time you did that, Paulite burned your credit cards," Frank commented. Humagalpak si Charl. "Expect the worst this time. Bawal mangutang, Sander. Hayop ka, para kang traffic kung magbayad. Ang bagal!" Ang sarap ng tawanan nila na hindi ko napigilang gumaya. Bully ng dalawa si Sander, kung minsan naman ang magkakampi si Sander at Frank. Pero kailanman hindi nagawang asarin ng dalawa si Frank. Among the three, he was a serious and scary one. That never teased him or you would taste hell. His body built, little gesture, and manly scent are total façades of danger. Including the intensity of his gaze. They were like hazards and deepening dark. Iisipin mong nagsusuplado. Few more minutes the foods arrived. Hindi maipaliwanag ang amoy. Hindi na rin maipinta ang mukha ni Sander at Charl. Samantalang si Frank ay tinutusok na ng fork ang scorpion. Casual na sinubo at nginuya. Buti nalang hindi ako naging lalaki! I tried to get the knife and slice some meat of the roasted chicken. But I paused when I noticed Sander took a lick on the meat of snake. The way his face distorted made me burst out from laughing. Frank and Charl were the same. They were both taking videos of Sander. "Mukha kang bakla! Ayusin mo!" "f**k you ka, Chuck! This is harder than I thought!" Sander complained. Bumubungisngis si Frank habang casual na ngumunguya ng scorpion. Hanggang sa si Charl naman ang dumampot ng uod na buhay pa. Dito itinutok ni Frank ang video. Nahawa ako sa hagalpak ni Sander dahil mukhang lumunok ng suka si Charl. "They are my friends," Frank said on the video before he turned it off. Ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Kahit ng ihatid nila ako ay hindi ko mapigilang kumaway sa kanila. Literal kong nakalimutan ang hindi kaaya-ayang pangyayari sa Swizz, pero gusto ko ang naging improvement namin ni Frank. He smiled at me now. Not only smiling, but he also acknowledged my name. He knew me. We talked. We laughed. That's better. "Bakla, na-wrong send ako sa'yo. Para 'yon kay Graciella. Pasensiya ka na!" It's a beautiful Tuesday morning for me. Gatus is here in our department building asking my forgiveness because of what happened yesterday. Hindi ko sinasagot ang kahit na akong tawag niya kahapon. Sinabi ko rin kay Jasmin ang naging issue. Galit na galit siya at sinabing, "Kung nandoon ako, patay sa akin 'yang si Carla!" "Tanggal na ba ako?" "Naku, bakla. Hindi. Wala silang karapatan sa'yo. Talent kita. Akong bahala sa'yo. Sa susunod susunduin kita at isasama personal para 'di na maulit. Hindi kita papakawalan, girl. May potential ka kaya." Pinagaan ng balita na iyan ang araw ko. Naibsan ang isa sa mga problema ko, iyon kasi ang isa sa pinakamalakas kong source of income. Hindi na ako muling bumalik sa Calixto o Kansas. Tanging Candella at iyon ang mayroon akong trabaho, kaya hindi ako pagod at mas nailalaan ko ang oras sa pagbabasa at pag-aaral. Nagkakaroon pa ako ng oras para sa gym. Kailangan kong magpalakas dahil nalalapit na ang hiking. Huwebes ng ayain ako nila Charl sa pool party ni Sander. This time they even invited Jasmin so that I would enjoy it. At first, I was very afraid because we are forced to wear a bikini. I never wear two-piece my entire life. Jasmin was confident to flaunt her body. Come on! She had a voluptuous body compare to me. I am... hmmm, I am not sure what should I call with it. I've been to any pool party on my Kansas days, but this time I won't be working and wearing a waitress uniform. Instead, I am one of the guests. "Wala si crush mo, Puks?" Luminga ako bago inayos ang aking suot na yellow cover up. "Okay ng wala. Hindi ko kakayaning makita niya akong ganito, Jas. Nakakahiya!" Lumapit siya ng kaunti sa akin. "'Yung girlfriend ni Frank? Wala 'yon sa katawan mo. Swear! Kaya kung ako sa'yo, tanggalin mo na 'yang cover up mo." Pinigil ko siya ng lumapit si Charl. "Tara sa mesa nila Sander?" "Sure!" sagot ni Jasmin, hinila ako sa braso para sumunod kay Charl. "Sinong may birthday, Chuck?" "Sister ni Sander." Tinuro nito ang magandang babae na nasa gilid na pinaliligiran ng mga kapwa nakabikini at naggagandahang mga dilag. "The blonde one." Nagkakasiyahan sila. Nagtutulakan at nag-aasaran ng biglang mapatingin sa amin. "Who among them was my brother's chick?" Napangiti ako. Parehas sila ng ugali ni Charl— walang filter. Hindi siya pag-aakalaang kapatid ni Sander. "No one. Come on. Your brother is gay." "f**k you, Chuck!" "Thank you, Ate Phillie. Happy birthday!" "Hell yeah!" Itinaas nito ang alak na hawak. "Ladies, welcome to my kiddie party. Have fun! Anyway, Chuck, booze in the dirty kitchen." "No problem." Umabante ako para mabati siya, "Happy birthday po!" "Thank you, sis." Lumapit ito upang makipagbeso sa amin ni Jasmin bago umalis. Amoy alak at halatang lasing na siya. Hinanap ko si Sander sa dagat ng tao. Nakakaloka! Hindi ba siya nag-aalala sa kapatid niyang babae? "Tingnan niyo ang lakad niyan. Ekis na, pero talent niya 'yan. Hindi 'yan malalaglag sa pool," bulong ni Charl habang hindi tinatantanan ng tingin si Phillie. "Naloka ako. Parang ako pala 'yan," komento ni Jasmin. Dinala kami ni Charl sa terrace ng mansion. Naabutan namin doon ang grupo ni Sander. Maingay at nagkakatuwaan na sila. Halatang naglalaro ng truth or dare. Umupo ako sa gilid bago dumampot ng bote. Sa kaliwa ko si Jasmin. Sa kanan naman si Charl. "Tara rito, Chuck! Sali ka!" Anyaya ng isa sa mga kababaihan sa grupo ni Sander. "Next time. Hindi ako puwedeng malasing, may hiking tomorrow." Nagkatinginan kami ni Charl. Sa hinaba-haba ng panahon na nakasama ko siya. I learned he changed his habits. He balanced himself from drinking and going bar for his studies. I don't want to assume it was because of me, but I am glad that he was willing to give up those for his own good. "Huwag ka na magdala ng tent mo, Juls. I provided that for us," baling niya sa akin ng tantanan siya noong babae. Hindi ko maalis ang titig sa babae. Mukha siyang pamilyar pero imposible. Saan ko naman siya makikita? Panay pa ang lingon nito sa gawi namin. Kung hindi lang nagkakasiyahan, iisipin kong gusto niya akong patayin sa paraan nang pagtalim ng titig nito. "Juls?" "H-ha?" "Huwag ka na kako magdala ng tent. Ayos na ba ang gamit mo?" "Oo, Charl. Nagdala rin ako ng off lotion. Malamok kasi noong last na akyat namin." Kumunot ang noo niya. "Talaga? Kasama ka noon?" "Oo. Kakaiba lang ang bundok ngayon. Big mining zone raw?" Nilagok niya ng diretso ang hawak niyang alak bago nagbukas ng isa. Tumayo naman si Jasmin para tumabi kay Sander. Nakisali na siya sa laro. "Oo. Mas malaki rin ang populasyon ng naninirahan at... malaki rin ang number ng namamatay sa kanila dahil hindi nadadala sa Hospital." Napatingin ako sa kanya. Programa ng Beaufort ang tumulong sa ganoong proyekto. Kaya madalas ay mga scholar ang obligadong sumama. Bihira ang mga gaya ni Charl ang sasama. Gaya ng tingin ko sa ibang mayayaman noon. They had the power to resist. They can pay to anyone to do what they don't want to do. It's easy for them to seek help and pay for it. They had the money, of course. Money made them lazy. But Charl is inspiring me. I don't know if this is part of his affection over me, but if he does. This is too much. He is beyond sincerity and being true. I'm afraid he will take the risk just for me. I hope not. I hope he was doing this because he was changing and true friend. Hindi nagpakita si Frank ng gabing iyon. Nahihiya akong magpakita sa kanya sa ganoong kasuotan, pero aminado akong umaasa akong pupunta siya. Bago umuwi ay nalaman ko pa kay Jasmin na ex-girlfriend pala ni Charl 'yung babae kagabi. Abala ako sa pagsalansan ng mga pagkaing dadalhin. Maaga kaming mga scholar na pinapunta sa School. Maraming dapat na ayusin gaya ng pagkain, gamot, at medicinal plant. Kanina ay tiningnan ko ang listahan ng sasama. Times three ang dami kaysa noon. Naisip ko tuloy na maraming pamilya ang masasalba at matutulungan. Binuhat ko ang kahon ng mga gamot upang ilipat sa helicopter nang biglang may kamay na umagaw sa akin noon. "Bakit ikaw ang nagbubuhat nito?" I smiled. "Charl, magaan naman 'yan." Nagkibit siya ng balikat. Iniwan na ako para dalhin ang box. Kinuha ko ang isa pang kahon at sumunod sa kanya. "Mamaya pa kayo dapat, 'di ba?" Inagaw niyang muli ang hawak ko. "Dinaanan kita sa inyo. Naka-lock na kaya dumiretso na ako rito. Kumain ka na ba?" Huminto ako at pinanood siya. Bigla ay nakaramdam ako ng pagbigat sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit? Pinatong niya ang kahon. Kinausap ang isa pang lalaking nakasabay. They talked for a while before they glanced on my side. The guy nodded his head and say something. "Thanks, man," Charl said before he left the guy. As he nearby he smiled at me, "Kain muna tayo ng breakfast, Juls." "Kumain ako." Tinaasan niya ako ng kilay. "Baka nakakalimutan mong aakyat tayo ng bundok. Walang restaurant doon. Magugutom ka. Ikaw rin." May punto siya. Hindi rin ako kumain ng agahan. "Sige na nga!" Doon niya ako dinala sa kainang tapat ng aming school. May kamahalan ang mga menu kaya nagdalawang isip akong pumili. "Hurry up, Juls. We don't have much time. Pumili ka na at akong bahala sa'yo." "Talaga lang ha." Tinitigan ko siya ng masama at pinili ang ulam na pinakamahal. Humagalpak siya. "Sige lang. Basta uubusin mo 'yan lahat." "Baliw ka. Tutulungan mo ako 'no." "Ayaw ko nga. Ubusin mo 'yan mag-isa." Tinitigan ko siya ng masama. Mukha ba akong butot balat? "Pinapataba mo ako." "No, Juls. I just wanted you to be healthy and happy." I was about to complain but his phone rang. I saw Frank's name on the screen. Nahuli niya rin akong nakatingin doon, kaya sinagot niya iyon ng naka-loud speaker. "Chuck, where's my f*****g key? I wanted to go as well." Halos panindigan ako ng balahibo sa boses niyang kakagising lang. At ang mura, hindi ko iyon gusto noon pa man. Ayaw ko sa lalaki ang nagmumura, pero kapag sa kanya. Bakit nang-aakit? Nakakakilig? Nakakagising ng laman-laman sa katawan? Tumawa si Charl, bahagyang lumapit sa akin upang bumulong, "Dahil kay Frank kung bakit maraming sumama sa hiking. Pansin mo puro babae." Isang ngisi bago muling umalingawngaw ang boses ni Frank. "The hell, Chuck. Why my keys in the toilet bowl with lots of your s**t. f**k you, dude! Damn it. It stinks!" Mas lalong natawa si Charl sa kagaguhan niya. Ako naman ay naguguluhan kung saan itatapon ang atensyon. Sa problema ba ni Frank sa kanyang susi, sa gusto nitong pagsama, o sa dami ng kababaihang sumama sa pag-aakalang sasama siya. Huminga ako nang malalim. "Ang baboy mo, Charl!" "Damn it! Chuck? Are you with, Juliene?" Sumidhi ang hagalpak ni Charl. Sapo na nito ang tiyan kakatawa. Hirap na hirap sa pagsasalita. "No, dude! She is just your hallucination."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD