He calls my name

2293 Words
NAGSIMULA ang sikretong kontrata namin ni Jasmin. Sa unang Linggo ay tatlong beses kaming may blog kasama si Halsey at Sharon. Mahirap sa una dahil hindi namin kasundo ang dalawa. Nalaman ko pang galing sila sa Owl City University at angat sa buhay. The intimidation they possess rubbed my nerves. They even demanded the expensive location and best one since it's an outfit promotion, plus the fact that my followers don't grow. "Juliene, gusto kong umupo ka sa mesa at malungkot ang expression," hiling ni Gatus. Inipit ko ang tikwas na buhok sa aking tainga ng mahuling sumusulyap sa gawi naming ang dumadaang estudyante ng OCU. Sinunod ko ang sinabi ni Gatus. Totoong malungkot dahil sa resulta ng isa sa subject ko sa exam. Pasado naman ngunit mababa. Iyon ang unang pagkakataon na makatanggap ako ng gano'ng marka. Wala sa sarili kong ipinatong ang kaliwang paa sa upuan at piniga ang hawak na mandarin sequence pouch. "Gosh! I love that. Take that!" Gatus murmured on the photographer. I sighed. Nag-review naman ako, bakit gano'n ang naging resulta? Napasulyap ako kay Jasmin dahil sa hand gesture niya sa akin na thumbs up. Akala niya siguro kina-career ko ito. Malungkot talaga ako. "Juliene?" Agad akong napatayo nang makita ang paparating na si Charl, lalo sa kasama niya sa likuran na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Ang totoo nakatingin siya kila Halsey. "I didn't see you for the whole two weeks. Anong ginagawa mo rito sa Owl City University?" tanong ni Charl. Ang mga titig niya sa akin ay naninibago ngunit nanatili sa kasuotan ko. "You are better with that... but I don't think that's your thing?" I was too shocked that I wasn't able to speak. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Sumulpot si Jasmin sa harapan ko, malamang ay naramdaman kung gaano ako kakaba. Kasama si Gatus na titig na titig sa dalawang lalaki sa harapan. "Chuck? Kilala mo sila Juliene?" sabad ni Halsey. Lumapit sa dalawa upang humalik sa pisngi. Ganoon din si Sharon na casual na umakbay kay Frank. Saglit akong natulala ng mahuli kong ngumiti si Frank matapos bulungan ni Sharon. Ang ngiti niyang iyon ang nagpalikot sa matagal ng tulog kong alagang paru-paro. It's dangerous yet warm and genuine. Nahuli ko pa si Gatus na nanatili ang titig dito. May kakaibang pagnanasa sa mga mata ng umalingawngaw ang masarap na tawa ni crush. "Are we done?" tanong ni Halsey kay Gatus. Tumango si Gatus, sumulyap sa akin. "See you next week. Same day and time." He slightly pulled me for a peck before he tapped Jasmin from the shoulder and walked away with the photographer. Bakas kay Charl na gusto akong kausapin, pero hindi ako ang pakay nila rito at halatang kaibigan nila sila Halsey kaya hinila ko na si Jasmin paalis. "Crush mo, o!" "Huwag ka maingay. Baka madinig ka," bulong ko kay Jasmin. Muling naramdaman ang pamilyar na kaba sa tuwing nariyan si Frank. "Wait, Juls." Napahinto kami ng humarang si Charl sa daan namin. Hinihingal siya ngunit nakangiti. "Next month may hiking activities ang school. Sasama kayo?" Did he run just to ask that? Scholar ako at sa tuwing may activity ang school ay obligado akong kasama. Hindi lang ako sure kay Jasmin. "Hindi ako adventurous, baka si bakla sasama." Turo sa akin ni Jasmin. Charl gave me a hopeful gaze. I nodded and then his sad eyes twinkle but it didn't radiate on his lips. Is he controlling his happiness or I am just assuming that he likes me? "Come on, Chuck! We gotta hurry for the groceries!" My back stiffened upon hearing Frank's voice. Hindi ito ang unang pagkakataon na marinig ko ang boses niya, pero natutunaw ako sa tuwing maririnig ko iyon. Don't look back. Don't look back or you will melt? Nanatili ang titig sa akin ni Charl. Hindi manlang binigyan ng pansin ang sinabi ng kaibigan nito. "Saan ka bukas, Juls? Bakante ako para turuan ka sa Autocad." "Same spot and time." He chuckled. "Got that. Bye ladies." He winked before he left. Hindi ako tinantanan ni Jasmin matapos noon. Palagi niyang pinapamukha sa akin ang katagang, "Hindi ka pinapansin ng crush mo, pero ang taong may crush sa'yo ay super papansin." Sumunod na araw ay casual. Nagsisimula akong tubuan ng hiya kay Charl, pero dahil magaling siya makisama. The old feeling I had for him swept away. He is good in this terms. He will assure you the comfortable talk and presence. "Nag-follow ako sa i********: mo." Katatapos lang namin mag-aral at ngayon ay magtatanghalian. Nabitin ang pagsubo ko dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang buhat ng last upload kagabi ay nadagdagan ang followers ko. Mula sa forty five ay naging six hundred. Nagulat pa ako kagabi dahil hindi ko iyon inaasahan. Kasama pala siya sa six hundred followers ko. I smiled. "Thanks. Feelingerang blogger ako 'no?" "Sino may sabi? Hindi kaya. Ang ganda mo sa mga picture." Bumaba sa plato ang atensyon ko. Biglang naisip ang katagang maganda. Para sa isang lalaki ba, kapag sinabi nilang maganda ka. Ano ang ibig sabihin? Would it be a compliment or mixed with feelings or infatuation? Or simply normal appreciation? "Magaling ang photographer at nadaan na 'yan sa edit," palusot ko. Tumawa siya bago sumubo ng pagkain. Lalo pang humalakhak at hindi mabanggit ang gusto niyang sabihin. Napanguso tuloy ako. "Hindi nga, Juls. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Come on. You are one of a kind. Your beauty is captivating." "You are saying that because we are friends." I dropped with a laughed, until I realized what I just said when his face suddenly became serious. Bumalik sa plato ang atensyon ko ng tuluyan siyang hindi umimik. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nananaig ang katahimikan sa pagitan namin. Sa unang pagkakataon ay hindi ako makahinga habang kasama siya. Gusto kong umalis pero bakit ko iyon gagawin? Wala akong ginagawang masama. Tinawag niya ang waiter at nagbayad. Pagkalabas namin ay parehas kaming nananatiling tahimik at nagpapakiramdaman. Sumilip ako sa i********: ko, panibagong volume ng followers ang pumuno sa notification ko. Pumalo na ito sa eight hundred. A new notification registered from Gatus. @Gatus : Nag-post kami sa Fan page kaya expect followers. Ang ganda mo sa mga picture. Ikaw na ang bahalang pumili, basta ang caption ay nasa ibaba. Salamat. Payments will be given on the first day of the week. Take care. "Ihahatid na kita," basag ni Charl sa katahimikan namin. Tango ang isinagot ko. Sumunod sa kanya patungong parking space. Sumakay sa shotgun seat ng pagbuksan niya ako ng pinto. Tahamik kami buong byahe hanggang makarating sa munti kong apartment. "Salamat," sabi ko pagkakalas ng seatbelt. "Ikaw pa ba. Juls, saan ka bukas?" Nabitin ang pagbukas ko sa pinto dahil sa sinabi niya. "Saturday bukas. Baka whole day ako sa Candella. Bakit?" "Susunduin kita. Okay lang ba?" "Charl, baka maabala pa kita—" "May bibilhin din naman ako sa Mall. Sakto lang 'yon." He seemed not lying. "Bahala ka. Basta huwag tayo pagabi ng sobra." Kumislap muli ang kanyang mga mata. "Oo naman. May curfew ako." Tumawa ako sa biro niya. "Baliw ka talaga! Sige na. Ingat sa biyahe. Salamat ulit." Tinalikuran ko siya agad at binuksan ang pinto. Pagkasara ko ay naulinigan ko ang pag-alis ng sasakyan niya. "You are nice, Charl. But I don't understand why my heart chose someone else, not you." Mula noon ay nakasanayan ko ng nakakasama si Charl. Walang araw na hindi kami magkasama. As if it is my thing. He is my new found best friend aside from Jasmin. Sometimes the three of us would bond. Not only in school but also in Calixto, Gym, Kansas, or in Salon, it depends on our schedule. Hindi niya alam ang part time namin kay Gatus. Hindi pala nasabi nila Halsey. Kaya noong naisama siya sa amin ay nagtaka siya. "Bakit lagi kang sinusundo noong Gats?" "Gatus 'yon, Charl. Part time blogger kami ng Swizz. Other way of advertisement for Majesty. Kahit wala pang brand name ay pinapakilala na ang mga proyekto nila," paliwanag ko. Tumango siya. Pinapanood ako habang nilalagyan ng make-up ni Jasmin. Light lang naman dahil ang mahalaga ay ang mga bags. "Pinopormahan ka ba no'n, Juls? Nahuhuli kong hinahawakan ka sa kamay o kung minsan sa balakang." Napahinto si Jasmin sa paglagay ng blush on upang tumingin kay Charl. "Kaloka ka, Chuck. Bakla 'yon si Gatus. Kadiri 'yang sinasabi mo." Pinigil ko ang huwag tumawa. Si Charl naman ay natawa sa sarili. "Ikaw ang mag-ingat. Sinasabi ko sa'yo. Madalas ko siyang mahuling malagkit ang titig sa'yo." "Hindi halata. Mukha kasi siyang straight, Jas." Sumang-ayon ako kay Charl. Minsan nga ay mukhang lalaki si Gatus, lalo sa pananamit. Pero kapag nagsalita na ay mahahalata mo, minsan pa naman kapag kasama namin si Charl ay tahimik lang si bakla. "Speaking. Shut up guys. Nariyan na siya," abiso ko nang makita si Gatus na bumaba sa Pajero niya. Kung noon ay poise na poise ito kapag dumarating, ngayon ay mukha itong stress. "Mababaliw na yata ako. Nag-quit 'yung dalawa. Aalis si Sharon patungong Canada at si Halsey ay nagkasakit." "Hala. Paano 'yan? Lalaki ba hindi puwede?" sabad ni Jasmin. Nagkatinginan kami ni Charl dahil na-confirm nito na totoong bakla si Gatus. "Woman bags ang pino-promote natin, hindi panglalaki. Siya sige. Kayo nalang dalawa, tutal nakukulot ang buhok ko sa dalawang 'yon. Sakit ng ulo!" Kulang-kulang tatlong oras ang nagugol namin para sa sampung outfit at bags collection. Ganoon na ang palaging set-up namin hanggang sa matapos ang buwan. Pumalo sa sampung libo ang followers ko. Marami ang nagtatanong kung saan makakakuha ng ganoong bag o ng damit. We are advised to don't respond on each private messages or inquiries. Just let it go. On the first day of September, I received a message from Gatus to visit the Swizz Building. It is unusual but I trusted Gatus so I hurriedly prepared and got in there earlier before lunch. Staff assisted me in the fourth-floor waiting area and advise me to wait for Gatus. Nakita ko si Graciella na isa sa top five parade ni Vika kaya binati ko bilang paggalang. Lumapit ito sa akin. "Hi! Are you?" "Julienne po." "Right, Julienne. Can you get me water in the fridge?" "S-sure." Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig sa nadaanan kong fridge kanina. Sa totoo lang nanliit ako sa ginawa niya sa akin. I checked on my outfit and let my shoulder down. Mukha nga akong personal assistant sa suot ko kaya nautusan ako. Kumuha ako ng evian tutal iyon lang ang mineral water na mayroon doon. "Sinong maysabi sa'yong kumuha ka ng tubig d'yan?" Sa gulat ay naibagsak ko ang pagsara ng refrigerator dahilan kung bakit nagbagsakan ang mga coke in can sa loob. Sa taranta ko kung sino nag haharapin ko ay pinili ko ang yumuko ng lumapit ang masungit na babae. "The next time you should ask us before you make an—" "Clara, I'm sorry. Nakalimutan kong sabihan siya na pumunta sa'yo. I was very thirsty and found her in the waiting area so I asked her," Graciella said, saving my ass before she pulled me inside the waiting room. Bumabaon sa balat ko ang gigil ni Clara. Gusto akong lamunin ng buo dahil sa kapalpakan ko. Ngunit napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak ni Graciella sa aking braso. Mahaba ang kuko niya kaya bumabaon sa balat ko. Hinatak niya ako at pabalibag na sinara ang pinto. Dumulas sa kamay ko ang mineral water at dumikit sa suot niyang puting dress. There's a puppy on her arm and that puppy wiggled from her hold and touch the wet part of her dress. Stained was evident in her white dress. Pinulahan siya ng pisngi. Mukhang dragon na bubuga ng apoy. "Tanga ka ba o sadyang tatanga-tanga ka talaga? Hindi mo manlang naisip na dumaan kay Clara bago kumuha ng tubig. Ipapahiya mo pa ako sa mga staff dito. You are fired!" I was very shocked that I don't know what to say. Sa sobrang lakas ng boses niya at paraan ng pagdilat niya ng mata sa akin ay pakiwari ko napakalaki ko nga talagang tanga. Sunud-sunod akong tumango at humingi ng paumanhin. Gusto ko sanang pahiran ng panyo ang dumi. Baka sakaling maalis, pero nahuli ng kamay niya ang buhok ko at hinila pagkatapos ay tinulak sa sahig. "Get out, idiot woman!" Nanginginig akong muling tumango habang nakasalampak sa sahig. Hirap tumayo sa pagkalampa. Takot na takot sa pag-alis. Binilisan ang lakad at nang mapansin na pababa na ang elevator ay lumiko ako sa fire exit. Basang-basa ng luha ang pisngi ko habang inaalala ang nangyari kanina kanina. Kasalanan ko na hindi manlang ako nagtanong kung okay lang bang kumuha ng tubig sa fridge. Tapos ang clumsy ko na nadumihan ang damit ni Graciella. Tanggal na rin ako sa trabaho. Tulala ako pagkalabas ng revolving door. Tirik ang araw pero heto ako, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. "Juls!" My eyes found Charl riding a convertible car with Frank. They parked their car at the entrance. They are too beautiful on my site that I swallowed my whole emotion on my throat and instantly felt blessed. Charl is obviously happy when he saw me, waving his left hand while the other one is holding the steering wheel. But when he noticed my state he suddenly became vicious and weary. Mabilis kong pinahid ang aking luha at nagulong buhok. Tumawa para kunwari ay okay lang. "Anong ginagawa niyo rito?" I made my voice sounded really happy. Too late. He is already out of the car and walking towards me. "Anong nangyari?" tanong niya. Ang titig ay nasa likuran ko at wala sa akin. "Wala." Nilagpasan ko siya, nanatili ang titig kay Frank na malayo ang tanaw at ngayon ay may kausap na sa cellphone niya. Umikot si Charl at nahuli ang aking atensyon. May sasabihin sana siya pero nanatiling tikom ang bibig at sinusubukang tantsahin ang aking mood. Saglit pang tahimik na titigan bago niya kinurot ang aking pisngi. "Aray!" Pinalo ko siya sa balikat. "Mukha kang kagagaling sa audition ng drama. Ano pasok na bang artista?" Muli ko siyang pinalo sa balikat. "Sira ulo." "Come on, Julienne. Hop in and let's celebrate your good news," Frank voiced out from the back that made my whole body shivered. Did he call my name?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD