SINUBUKAN kong basahin at intindihan ang pahinang natapatan ko. Ganoon ako ng ilang minuto— kinakagat ang kuko sa aking right thumb nail bago nagnakaw ng sulyap sa kanya. My world stopped as those deep sets of blue eyes bore unto me. The wall behind me can prove that and the vacant table in front of us.
"Hi, Jacky!"
Inosente kong nilingon ang lumapit na lalaki. Agad ko siyang nakilala dahil sa tinawag niya sa akin at sa pamilyar na istorbong boses.
"Bakit ayaw mong mag-reply? Tinatawagan kita, pero mura ang napala ko."
Where were his manners? Did this person forgot that he was in a Library? I told to myself to behave because Frank is just around. Hindi ako basagulera, lalong gagawa ng dahilan para masira ang malinis kong record sa buong walong taon ko rito. Isang taong pagtitimpi nalang ay makakawala na ako sa sumpa ng edukasyon, kaya ngumiti ako. "Hi?" bati ko.
"Tara sa labas, Jacky."
Iminuwestra ko sa kanya ang hawak ko. "Kailangan kong mag-review, mamaya nalang."
He impatiently held my wrist and pulled me a bit.
Is this person mad? Seriously, he will bully me inside the vicinity of the Library? I was about to explode a fire to his face but someone passed through, untangling the mad man's hand from my wrist. The force is strong that it forced me to stand up. I held my breath from the familiar feeling as I recognize who he could be.
Shocked by Frank's appearance, I remained speechless as I glared from his broad back shoulder. I am tall but his height is way taller. Hanggang balikat niya lang ako. Ang malaking bulto niya ay tinatakpan ako patungo sa lalaki. Hindi ko makita kung ano ang ginawa niya. May munti ba silang pag-uusap?
Mula sa gilid ay sumilip ako, ngunit wala na ang lalaki.
"Thank—" I didn't finish my sentence when Frank left without a word as well.
Ni hindi nga niya ako nilingon hanggang sa tuluyan siyang makalabas. Huminga ako nang malalim bago naupo. Nahuli ko rin ang ilan sa mga taong nakasaksi na biglang naging ilag sa akin. It made me uncomfortable. I put my book back inside my bag before I glanced at the thick book he is reading a while ago.
Lumapit ako roon upang silipin. Mula sa cover ay hindi ko napigilang ngumisi. Kinuha ko iyon at ibinalik sa shelves. Nang makalabas ay bumunghalit ako nang tawa.
"Florante at Laura? Seriously?"
Kahit hindi naging maganda ang naging eksena ay sinikap kong mag-review sa Fine Art's Garden. Nag-extend ako at hindi nalang kumain para masaulo ang isa pang libro. The three hours exam for my major subject is difficult as I expected. It never became easy, but I had a major hunched that I will pass it.
Planado ko ang gagawin sa natitirang tatlong oras ko rito sa school. I will advance my Autocad subject in manual. I chose to stay in the lounge since it's comfy than Library. Baon ang materyales ay gumuhit ako roon. Seryoso at tutok ako sa pagguhit ng may sumilip sa kabilang dulo ng ruler.
"Charl, ginulat mo ako!" reklamo ko.
Ngisi lang ang isinagot niya sa akin bago umupo sa tapat ko.
"Bakit dito ka gumagawa niyan?"
"Wala akong choice, Charl. Wala akong laptop kaya ginagawa kong mano-mano ang draft. Mamaya ko pa siya susubukan sa computer shop."
Kumunot ang noo niya. "Huwag ka na mag-computer shop. Pahihiramin kita ng laptop ko. I have Autocad software."
Nabitin ang pagguhit ko sa sinabi niya. It's tempting me, but I don't want to be indebted with him.
He put his backpack on my chair and motioned me that wait him there. Sinundan ko lang siya nang tingin bago umiling. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano siya itataboy sa buhay ko. Alam kong ang ginagawa niyang pagtulong ay dahil pinopormahan niya ako. Paano kapag sinabi ko ang totoo? Would he lie-low or disregard me?
Walang gana kong tinabi ang mga gamit ko at nagbasa nalang. Nasa ganoon ako ng maabutan niya. Doon siya umupo sa tabi ko at ipinakita ang Autocad. Ang bilis niya, pero napansin ko ang desktop niyang malinis. Hindi gaya ng kay Jasmin na masukal.
"Saan na ba kayo sa Autocad?"
Sinabi ko sa kanya kaya pinakitaan niya ako ng sample na hindi ko maunawaan sa una. He explained to me the function of every tool, how it will work, and the shortcut keys. I listened with him seriously as if he was my major professor. Pinasubok niya rin ako hanggang sa makagawa kami ng basic building.
Hindi ko napigilang mapangiti sa naging resulta. "Cool!" I commented.
In fairness, I didn't see this coming with him. Kahit na palaging puyat dahil sa party ay nag-aaral ng mabuti. Matapos niyang ituro ay tumayo siya.
"I still needed to chase my next class. Use this laptop for the meantime. See you later, Juls."
"Ha? Teka—"
Wala akong nagawa ng kumaway nalang siya sa akin. Tulala ako ng ilang minuto habang pinapanood ang 4D basic building na ginawa namin. Hindi naman ako magtatagal dito, ilang oras ba ang klase niya at tiwala siyang iwan sa akin itong laptop?
I texted him that I will stay here until the next two hours. May Gig pa kami sa Kansas. Dahil hindi ako nakapasok sa Candella, kailangan kong mag-extra income. Wala pang minuto ay nag-reply agad siya.
Charl: Take it with you. My class will end later six in the evening.
Kung ganoon ay hindi ko nga maisasauli sa kanya ito. Saglit pa akong nagbabad doon para ma-explore ang Autocad at sinusog ang kilay doon. Nag-research din ako sa YouTube para subukan ang mga sample tutorial. Ganoon ako ng matapos ang isat kalahating oras. I felt proud to myself as I turned around the two historic buildings that I created. May kumpletong label iyon. Magmula sa mga Washroom, Kitchen, Master's Bedroom, Living Room at extra bedroom.
Text mula kay Jasmin ang nagpaalisto sa akin na ilagay ang laptop sa loob ng aking locker. Kuwarente minutong paglalakad ay narating ko ang Kansas. Hinihingal man ay dumiretso na ako sa Western Restaurant.
"Aga mo, Juls," puna ng full time waitress doon ng magdaan ako.
"Nag-text si Jasmin. Nandito na ba siya?" Sinalo ko ang hinagis nitong empty glass. Hinagis ko naman 'yon sa cashier bago nakipagbeso bilang ritwal namin.
Mula sa Staff Room ay lumabas si Jasmin. Tinatali na nito ang apron sa baywang niya. "Puks, bilis! May special guest daw kaya kailangan ng manpower."
Nag-salute ako bago ngumisi. Nagpalit lang ako ng pang-itaas na uniporme sa nasabing restaurant at tinago ang slocks ng apron. Tinali ng maayos ang buhok at handa na ako.
Paglapit ko sa unang table para kuhanin ang order, sa gilid ng aking mata'y nasulyapan ko ang sinasabing guest ni Jasmin. Dalawang lalaki. Isa ay barako ang galawan habang isa na nahuhuli ay malambot.
Alisto at mabilis kong inulit ang order na narinig bago umalis at sinulat sa papel. Tinusok ko 'yon sa gilid ng order list bago lumapit sa isa pang table. Sa araw na iyon ay tatlong mesa ang binigay sa akin. At lumipas ang dalawang oras na umani ako ng isang libong tip at papuri sa isang metikolosang foreigner na babae.
"What's your name again, Sweetheart?"
Sa gulat ko ng kalabitin ako nito ay muntik kong mabitawan ang hawak na baso. Tumawa kami parehas dahilan kung bakit lumingon ang ilang kumakain sa gawi namin.
"My name is Juls, ma'am."
Tinapik niya ako sa balikat at tumango. "You really look at someone, but I know it's impossible. They are already dead, though. Have a good one, Sweetheart!"
Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala habang hinahatid ko ng tingin ang babaeng foreigner. Sa tana ng labing pitong taong gulang ko sa mundong ibabaw, ngayon palang may pumuna ng ganoon sa akin. Madalas tinutukso ako noon ni Jasmin na baka kamag-anak ko ang may-ari ng prestihiyosong Imperial Hospital.
Impossible. If they lost a family, it won't take long. They are rich to let their precious one got stuck in a dungeon forever.
Naalala ko ngang may naging classmate akong Imperial din, pero hindi naman sila kamag-anak noong Hospital. Sinubukan niyang tuntunin ang malayong kamag-anak, pero hindi talaga. Hindi ko rin siya kamag-anak dahil nanggaling pa sila sa visayas region at ang father niya ay solong anak.
Naglilinis ako ng bakanteng mesa ng marinig ko ang boses ni Gatus. Isang beses ko palang siya nakausap pero naging pamilyar dahil sa arte ng pananalita. Paglingon ko sa lumabas na guest ay siya nga. Hindi ko siya nakilala kanina, kakaiba kasi ang pananamit. Nakilala niya rin ako at dali-dali lumapit upang makipagbeso sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
Isang sulyap sa kasama niya bago ko siya sinagot, "Part time."
"Sabi ko naman kasi sa'yo, puntahan mo ako sa Swizz Building. Mas maganda ang future mo roon. Tawagan mo ako o kung bukas free ka, pumunta ka."
Nahiya ako sa lakas ng boses niya. Napalingon na rin si Jasmin na naroon pa sa labas at sinisilip kaming nasa loob. Pinagpag ko ang basang kamay sa apron at dumikit sa kanya. Tinuro ko ang aking sarili.
"Mukha ba akong model? Baka hindi ako pumasa."
Umani ako ng hampas sa balakang dahil sa sinabi ko. Maarte niyang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Matangkad. Maganda. Lean ang katawan. Pak ang dibdib at balakang, subukan mo. Hihintayin kita bukas, kahit anong oras. O siya at ang hirap ng may pinapadede sa s**o na walang gatas."
Pinigil kong huwag ngumisi ng umiling ang kasama niya.
Ano palang ginawa nila sa VIP room kung guest sila? Nag-espadahan? Kinikilabutan kong nilapitan 'yung tray na handa ng i-serve sa mesa para sa labas.
"Kinukulit ka pa rin no'ng bakla?" bati sa akin ni Jasmin.
"Oo. Gusto mo sumama? Sa last day ng exam?"
"Sige ba!"
Dalawang oras pa ang humigit ay umuwi na rin kami. Hindi kami gaanong nakapag-usap pa ni Jasmin dahil kailangang kong mag-review. Istrikta pa naman ako pagdating sa aking grades na dapat i-maintain. Saglit na basa sa aking mga notes ay natulog na ako, pero gumising din ng madaling araw para sa final review. May natanggap akong text pero sa kaabalahan ko ay hindi ko na nasilip.
Sa school ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay mag-review. Sa bawat pagtambay ko sa Lounge ay siyang saktong sulpot ni Charl. Ibabalik ko na sana ang laptop niya, pero siya na ang nagsabing hangga't hindi ko natututunan ang Autocad ay huwag ibalik sa kanya.
Sa ikalawa at ikatlong araw ng exam ay hindi na nag-krus ang landas namin, lalo ang crush kong si Frank.
"Ano bang sabi noong bakla sa'yo?" tanong sa akin ni Jasmin habang tinatanaw ang engrandeng Lobby ng Swizz Building.
Bago kami dumiretso rito ay nag-stalk kami sa profile ni Gatus. He had actually a bad record in the other fashion line company, but Swizz trusted him as an intern designer. Jasmin is still doubted but as I studied Gatus, in my opinion, he is something. Not in a bad way but an opportunity for my dreams. The way he talked and expressed is professional. Trusting him would be a gamble but I am more than willing to trust him my life. This kind of opportunity is rare. Swizz Company is a major and huge. If Gatus was chosen by this company he had something that his old company didn't found with him, right?
"Puntahan ko siya. Tara na!"
I volunteered to enter first the main door and two bulky gentlemen approached us.
"Good afternoon, Sir. We are here for Mr. Gatus. We are invited by him." Kabado kong nilunok ang accent ko ng hindi kumibo ang dalawa, bagkus ay may sinabi sa walky talky niya.
Hindi ko naintindihan ang sagot pero ang salitang alam ni Sir Gatus iyan ay lumuwag ang kaba sa aking dibdib.
"Hintayin niyo nalang si Sir. Gatus sa waiting area. Pababa na siya," said the guy with a walky-talky, before they left us.
Hinawakan ko sa kamay si Jasmin at hinila sa tinutukoy ng dalawa. Nahuli ko siyang tulala sa grand chandelier na nagkikinangan sa itaas namin. Napakaganda nga naman at elegante. Bawat babae na pumapasok sa revolving door ay magaganda at mukhang mayayaman, kaming dalawa lang ni Jasmin ang sumisira sa imahe.
"Feeling ko ikaw lang ang inaasahan niya, bakla."
"Kalma, Jas. Mabait 'yang si Gatus. Tutulungan niya tayong dalawa."
Tumayo ako nang makita ko si Gatus na papalabas ng elevator. Ang ganda ng suot nitong faded jeans na tinernuhan ng beige polo shirt. Bumilog ang mata niya ng mahanap ako. His stepped were quick and excited that it lifted my excitement too.
"Finally!" eksaheradang wika niya bago ako sinalubong ng beso.
"Pasensiya ka na kung ngayon lang kami. Exam kasi namin. Oo nga pala—" Sinulyapan ko si Jasmin. "Sinama ko ang bestfriend ko. Baka kailangan mo lang naman ng dalawa?"
"I will discuss with you my idea and why."
Dinala niya kami sa Café. Doon ay sinabi niya sa amin ang plano niya at kung bakit.
"Active ako sa i********: ko, 'di ko lang sure itong si Juls."
Tulala ako habang nakatitig kay Gatus kanina pa. Lahat ng sinabi niya ay totoong opportunity at legal dahil sa kasulatan na may lagda. Walang dahilan para hindian ko ito.
"Ano na? Deal or no deal?" tanong niya pa.
Sumulyap ako kay Jasmin bago kay Gatus. "Kakagawa ko lang ng i********: ko. Ngayon lang kasi ako nagka-phone at matagal ko ng gusto maging blogger. Nahihirapan lang ako mag-post kasi wala namang special sa akin pero... lahat ng ito at ang maging secret sponsor ng Swizz ay wow! Hindi siya ma-process ng utak ko. Ang akala ko kasi human mannequin talaga."
"It's all true girls. May makakasama kayong dalawang babae. At promise, magugustuhan niyo ito. Sponsored pa ang skin care, dental care, at gym niyo annually."
"Join kami," deklara ni Jasmin. Pinandidilatan na ako ng mata.
Makahulugang ngisi ni Gatus habang umiinom sa kanyang kape ang nagpatango sa akin bago pumirma sa kasunduan. Gaya nga ng sabi ko, walang dahilan para hindian ko ang offer niya. Blogging in social media was not bad to start your career or if you wanted to be discovered one day. But the title of i********: Famer was challenging to achieve especially when you were not rich or beautiful.
Would I pass this challenge?