HINDI NAMAN laging nag-iiwan ng message si Frank sa akin. Pero dahil sa misteryosong comment ni Sander, hindi ko maiwasang umasa mula sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Hindi ako manhid, kaya heto ako ngayon. Asang-asa pero pilit sinisiksik sa utak na mali ito. Hindi dapat ako umaasa.
Sinulyapan ko ang tulog ng si Susan.
I groaned and slammed my head on the fluffy pillow. Sleep, Julienne. Sleep! One more checked with my cell phone before I totally shut my eyes close. The pain grew in my chest. I'm just nothing but a business partner with him, that's it. Don't expect, Julienne.
Malakas na ungol ang pinawalan ko dahil sa boses ni Gary Tuazon Sopre! Anong oras na ba at bumibida ang baklang 'to sa kuwarto namin. Nagpapadyak ako at naupo, naabutan silang dalawa ni Susan na nakatingin sa akin. Tirik na ang araw sa labas!
"Saan galing 'yang suot mo Gary Tuazon Sopre?" Halos magising ang kabahayan sa sigaw ko. Suot niya ang pinabili ko sa kanyang Boho printed dress.
"Girl, pang-aura kasi. Ong gondo!"
Si Susan ay tawa nang tawa, ngayon ko lang napansin na nakadapa siya sa sahig. Siya ang taga-picture ni Bakla at talagang inunahan pa ako sa damit na 'yon. Sinasamantalang tulog ako, mga walanghiya!
"Saglit lang girl. Ito naman!"
Nagngingitngit ang aking mga ngipin na binato siya ng unan. "Hubarin mo 'yan. Isa!"
"Eto na! Ouch!"
Sa umagang iyon ay nag-heavy breakfast kami. Sabi kasi ni Gatus dahil ang lakad namin ngayon ay bundok. Puwede kaming mag-hot spring. Bumili ng organic essentials. Makapag-fishing. Tatlong oras na paglalakad iyon at choice na namin kung gusto naming sumali sa program na pagtatanim ng corals.
"I'll do the planting," deklara ni Susan nang maka-isang oras kami sa paglalakad.
It's a morning hiking, but still Jasmin and Glen didn't come. Iniba ni Gatus ang itinerary nila sa amin na extreme. May baby sila kaya naiintindihan namin.
Tahimik lang ako sa paglalakad. Malayo sa apat na sobrang ligalig at panay ang kuha ng picture. Ang nauuna sa akin na si Arthur ay tinatapatan ako ng camera.
"How are you, Julienne?"
Tumakbo ako sa batong malaki at tumungtong doon. Alam kong kinukahaan niya ako kaya mula roon ay tumingin ulit ako sa kanya. "I'm the Queen of the jungle!" sigaw ko habang nakadipa ang aking mga braso.
Ngumisi siya. "Yes, you are Juls. And who's the king?"
Lalapit sana si Red kaso kinausap ito ni Gatus para sa selfie nila. Pasimple akong bumaba sa bato at nauna na. Muli akong naging seryoso at pinakiramdaman ang aking sarili.
I've been in many jungles before but this time, I could reminisce something. This kind of weather. The absolute happiness and excitement with my friends. The heavy feeling in my chest as I proceeded on walking and saw the valley on the side. Giving us some other view on the extension of the ocean.
Landslide is impossible here, right?
"Juls?"
Nilingon ko si Red na lumapit. Binigyan niya ako ng chocolate. "You need that," he explained even if I am not asking something.
"Thanks." Gamit ng ngipin ay binuksan ko iyon. Naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko at hinila ako paakyat.
"You guys look at me," tawag pansin ni Susan. Kinuhaan kami ng picture. Tumakbo palapit sa amin si Arthur at sumali.
"What about me?" Si Gatus na pilit humahabol. Hinihingal noong kumapit sa braso ko bago ngumiti.
"One more," sabi ni Susan. Nilagay nito sa front ang camera para makasama siya sa picture.
"Ibigay nalang natin kay Manong Guide ang camera para kuhaan tayo ng picture," deklara ni Gatus nang mapansin ang paghihirap ni Susan.
Ganoon nga ang nangyari. Nakaakbay sa akin si Gatus at Red sa group picture namin. Kuwentuhan at katahan ang ginawa namin sa nalalabing oras na paglalakad para malibang. Naglaro rin kami para malibang, si Manong pa ang naging judge namin sa pagandahan ng sagot sa katanungang: Kung bibigyan ka ng kapangyarihan, ano at bakit?
"So, Manong. Tingin niyo sino ang maganda ang sagot?"
"Manong is having a hard time. I don't think he can understand English," sabad ko. "Let's declare we all win."
"You're right, Juls. All our answers were correct and precise," Susan second the motion.
The two boys were serious about filming something on the backside. While us ladies with Gatus were on the terrace.
"Hindi lang pala tayo, girl ang pumunta rito," puna ni Gatus sa nakitang mga paparating na grupo ng lalaki.
Masyadong malayo kaya hindi ko maaninag ng maayos. Hindi naman interesado si Susan. Bukod kasi sa Tagalog ay abala ito sa pag-review ng picture.
Inakbayan ko siya para sa selfie naming dalawa. "Sayang wala si Jasmin. Pero okay lang, mahalaga narito siya kasama ang pamilya niya."
"Oo nga. Kanina kaya pinuntahan ko sila. May hot spring din kasi roon, kaso man made? Hindi gaya rito na natural."
Sinundan ko nang tingin ang tinitingnan niya. Nakarating na rin ang mga kalalakihan kaso likod nalang ang nakita ko sa isa sa kanila dahil pababa sila kung saan naroroon sila Red.
"I'm hungry guys," tawag pansin ni Susan. Hinihimas ang tiyan.
"We will order some food inside. You can call the two," utos ko sa kanya.
"Alright!"
Pumasok kami ni Gatus sa loob. Isa itong malaking bahay na napapagitnaan ng tatlong malaking puno. Kanina bago nakarating dito ay may lumang tunnel. Ang sabi ng tour guide namin ay ginawang taguan ng mga barley ang lumang tunnel. At ang bahay kung saan kami naroroon na tinatawag na Dampa ay ang pagawaan ng alak.
Kapansin-pansin ang mga muwebles at ginamit sa loob ng bahay. Makaluma pero hindi marumi tingnan. Halatang alaga. Kung ipapasok ito sa Guinness World of Record, puwede itong Manalo sa classic or history nito. Ang bintana ay gawa sa kahoy. Ang sahig ay ganoon din na kinulayan ng barnes. Makintab pa sa kuko ni Susan.
"Magandang umaga. Kasama po sa package ang lunch nila. Mamimili lang po sila kung ano sa menu," wika noong babae.
Kausap ito ni Manong tour guide sa kanilang native language.
"Lima po pala kayo?"
"Opo," sagot ni Gatus.
"Sige po. Dito nalang, Sir and Ma'am."
Binulungan ko si Bakla na ako na ang susundo sa tatlo. Lumabas ako sa kaninang dinaanan namin. Kinuhaan ko ng picture ang buong bahay bago bumaba sa patio. Sementado ang daan kaya hindi mahirap. Malalim ang hagdan at sa gilid ay tanaw ang mga baging na hindi ko alam kung bakit sila naroon.
Sementado rin ang gilid at sa baba ay ang mismong karugtong na ng dagat.
Nahiya ako dahil sa narinig kong tawanan. Naisip nab aka 'yung mga nakasabay namin. Dahan-dahan ako at natigilan nang biglang sumulpot sila Susan, Red at Arthur.
"What's in there?" I asked them.
They seemed satisfied and excited at the same time. Umabante si Red palapit sa akin.
"We asked the people there about their program. They told us that due to the damage of dynamite fishing the corals died. The fish died as well, so we decided to help too."
Mangha ko siyang nginitian. Muling nilingon ang pinanggalingan nang nagtatawanan.
"We'll do that later. Let's eat first."
Sa pangunguna ni Gatus, naging masaya muli ang lunch time namin. Tinatawag ng G nila Red, Susan at Arthur si Gatus. At si Bakla naman ay kinikilig sa tuwing tatawagin siya ni Red.
"Feeling ko ang sexy at hot niya, girl."
Siniko ko siya nang lumingon si Susan. Tila ba naiintindihan ang bawat sinasabi nito. Naghanda na ang boys. Nagtanggal na sila ng suot na pang-itaas, kabilang si Gatus. Kami naman ni Susan ay hindi pa. Iniisip kasi namin kanina na mag-boat riding muna. Kaso ang mga boys ay mas gusto ng unahin ang coral planting.
"They don't like boat riding. But we can do that tomorrow, right?"
"Yes, Susan," sagot ko.
"Alright. Let's do the coral planting first for how many hours as you like. Then we can extend that into diving going on the secret falls. We will go back here in the afternoon before the water gets high. Lastly, we'll do the hot spring. How is that?" Susan clarified.
Tumingin ako kay Red. He shrugged his shoulder while Arthur is nodding his head. Gatus was the same so we all agreed to that.
Kinausap saglit ni Gatus ang mas batang tour guide. Kami naman ni Susan ay nagtanggal na rin ng damit. Habang pababa at naglalagay ng sun block, nilingon ko ang kabilang panig kung saan galing 'yung mga lalaki.
They were four of them, but someone stood out of them. The one who was wearing grey short. Just like the others, he was topless. Malayo ang tanaw, habang seryoso sa pagkakaupo. Hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng gray baseball cup ang mukha, pero may kakaiba siyang epekto sa akin na hindi ko alam kung bakit nga ba?
"Come on, Juls!"
Nilingon ko ang tumawag na si Red. Nilapitan ako nito, pinatong sa likod ko ang suot niya kaninag puting t-shirt.
"You should wear rush guard, Juls. The heat from the sun here was intense."
"Don't worry. It's just five days. I don't do this every day."
Isa pa. Kahit ano yatang gawin kong pagbibilad ay hindi ako umiitim. Iyon ang kaibahan namin ni Jasmin na kayumanggi. Saglit kaming nag-orientation mula sa bangka. Kasama namin si Mr. Garisson na isang American citizen. Isa sa mga member na siyang naglunsad ng planting artificial coral reefs program.
Lahat kami ay marunong lumangoy kaya nasulit namin iyon. Tumagal ng dalawang oras sa ilalim ng tubig. Umaahon kapag kailangan ng hangin, iilalim ulit upang ipagpatuloy ang pagtatanim.
Tumulak kami sa secret falls matapos. Ang bilis nang paandar ng bangka kaya napapasigaw kami kapag nababasa. Katabi ko si Red. Ang kamay niya ay hawak ang aking balakang. Sa harap namin si Susan na nakahawak sa braso ni Gatus. Sa likuran naman, kausap ang tour guide namin ay si Arthur.
"Race! Race! Race!"
Dahil sa sigaw na iyon ay napalingon kami sa paparating na bangka. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magtama ang paningin namin ni Frank. Napansin nito ang kamay ni Red na nasa baywang ko. Nag-igting ang mga bagang, supladong umiwas nang tingin.
Nauna pa ang bangka nila kaysa sa amin. Hindi nakatakas sa paningin ko si Sander na kinindatan pa ako.
Gatus immediately glanced at me. He didn't say anything but I clearly knew what he means by that.
What are they doing here? And where are they going?
Hindi na ako komportable noong huminto ang aming bangka sa tabi ng bangka nila Frank. Lalo nang tulungan ako ni Red sa pagbaba ng bangka. Pinapanood niya ang bawat galaw ko. At kapag mahuhuli ko siyang nakatingin, nakakamatay na irap ang ginagawa sa akin.
Anong problema niya?
Hangga't maaari ay kay Susan ako dumidikit. Hinayaan ko naman si Gatus na gumawa ng lagim sa tabi ni Red.
Nang marating namin ang tinutukoy na tagong falls ay hindi ko napigilang gumaya sa mga lalaking nagtatalunan. Nakapila ako sa likod ni Susan.
"Did you see the other group? I noticed the other one kept on looking at me. He is hot, though."
Hinihigpitan ko ang tali ng bikini ko bago sinulyapan ang direksyon ng mata niya. Nanuyo ang lalamunan ko nang makitang paakyat sila Frank kung saan kami naroroon. Mukhang pipila sila sa likod ko.
I pretended oblivious with his dangerous eyes. Suddenly I felt hot and wanted to change clothes. The way his eyes drifted on my body is electrifying. My heart is racing fast when I felt his presence behind me. But then Red appeared beside me, he just jumped from the falls. The water from his body is dripping down.
He stood behind me. I felt his warm hands on my waist.
"I'll jump with you, Juls," he declared.
Nag-aalangan man ay tumango ako. Naulinigan ang mahaderang boses ni Sander.
"Ang sakit sa mata!"
Nakakabingi ang tili ni Susan sa pagtalon. Kinabahan ako noong umabante na kami. Pagtungtong ko palang sa malaking bato, hindi ko na ma-explain ang kabang bumabayo sa dibdib ko. A scary scene filled my head and I think I cannot jump.
"I will hold you. Don't worry," bulong ni Red sa akin. Paulit-ulit.
Umatras ako at natigilan sa kaharap ko.
Kung nakakamatay lang ang titig ay baka patay na ako. There were many words there that were hungry to burst out but it didn't voice out.
"Juls?"
"I'm sorry, Red. I cannot jump," deklara ko. Nauuna na sa pagbaba.
"Okay ka lang?" salubong sa akin ni Gatus.
Tumango ako pero walang sinabi.
Hindi si Frank ang dahilan kung bakit hindi ako tumalon. Mas lalong hindi si Red. Kaya hindi ako tumalon ay dahil bumabalik sa alaala ko ang Landslide. Ang pamilyar na takot na naramdaman ko noon ay bumalik sa akin. Ang kaparehas na takot ko noong madulas ako. Walang kalaban-laban na hindi manlang nasagip ang buhay ko.
Akala ko wala na ito. Matagal na iyon pero natatakot pa rin pala ako.