IKATLONG araw kong pagbisita kay Coach sa Imperial Hospital. Nagpapagaling siya ng sugat at nagagawa pang tumawa habang nakikipaghuntahan kay Gatus at Jasmin. Taliwas sa inaasahan kong malungkot na atmosphere. Ang positibo talaga niyang tao.
"Anong oras ang lakad niyo bukas?" usisa nito nang sabihin kong bibisita ang mga kaibigan ko galing ng Paris.
Dumampot ako sa hinihiwang apple ni Jasmin bago sumagot. "Ten ang dating nila rito. Baka Nine kami lalakad."
"Girl, 'yung Red ba kasama?"
Mula kay Coach ay napatingin ako kay Gatus. Hindi ko kasi masabi sa kanila ang tungkol sa nararamdaman ni Red sa akin. Ang sinabi ko lang ay mga kaibigan ko. Kaya heto siya, pinapantasya ni Gary Tuazon Sopre!
"Oo. Kaso si Lapeetah may guesting sa isang movie kaya hindi makakasama," sagot ko.
"Okay lang girl na puro boys lang. Kayang-kaya ko sila lahat i-assist."
"Gatus, kasama ka ba? Sa pagkakaalam ko kami lang ni Juls."
"Hoy, Jasmin! May baby ka, 'wag ka na. Pang-single party lang 'yon."
Tumayo si Jasmin. "Excuse me. Kasama ko ang buong pamilya ko."
Hagalpak ni Coach ang umalingawngaw. Ako naman ay napabuntong hininga nalang. Tumayo na at nagpresintang bibili ng ice cream na kanina pa pinapabili ni Coach.
"Away lang kayo riyan. Bili lang ako!"
Sa hallway ay napansin ko ang paparating na si Doctor Alberto. May kasama itong mga Doctor at mukhang may malalim silang pag-uusap. Pero nang makalapit na ako ay tumigil siya upang batiin ako.
"Magandang hapon din po, Doctor Imperial."
"Kamusta si Giselle?"
Tumingin ako sa pinanggalingan ko bago ngumiti. "Ayon po. Tawa nang tawa."
"Mabuti kung ganoon. Saan ka niyan?"
"Sa labas lang po bibili ng ice cream. Sige po, Doc."
"Sige Georgina. Ingat!"
"Ho?"
"Julienne. Ingat ka, Julienne." Malumanay itong ngumiti bago tumalikod.
Nanatili ako roong pinapanood ang paglayo niya. Paulit-ulit na inusal ang pangalang Georgina. I don't have any idea who's Georgina, but my heart suddenly familiarized that name. As if the owner of that name was close to me. Someone precious and warm.
Pagkabili ko ng ice cream ay panibagong kuwentuhan at asaran. Tinapos lang namin ang dinner bago kami sabay-sabay na umuwi. Naiwan si Ninong na kasama ni Coach. Si Gatus naman ay hinahatid kami ni Jasmin.
"Girl, na-book na ang ticket one hour after they arrived. Full details nila ang gamit ko kaya. Okay na ang hotel at itinerary."
I am checking Susan in Facetime but she's offline. Red and Arthur were the same. Only their confirmation and see you later message was left on our conversation.
"Good! Bali walo tayong pupunta sa Palawan kasama si baby."
Ako ang pinakamalapit na unit kaya ako ang unang nakauwi. Lulan ng elevator ay natigilan ako sa chat ni Frank sa i********:. It's just simple, good evening but I can't help my heart skip its beat.
Cielo.JRI: Hello, Franky
Wala pang minuto ay nag-reply ito.
FrankAldrich: Franky sounds little kid, Juliene. I'm a big man. ☹️
Halos panawan ako ng ulirat sa emoticon niyang sad face. Hindi ko inaasahan ang ganito sa kanya. Nakangiti akong lumabas sa elevator. Mabagal ang lakad patungo sa aking unit.
Cielo.JRI: Let me repeat it again. Hello, Big Frank.
Nagmadali ako sa pagpasok at pagsara ng pinto habang wala pa siyang reply. Tinanggal ko ang aking sandals at natagalan dahil may tali pa. Hindi ako nakuntento. Sumalampak ako sa sahig at inayos ang mahigpit na pagkakatali.
FrankAldrich: How are you, Julienne? I was told that you were in the Hospital. What happen?
FrankAldrich: Can I call you?
Pagbalik ko sa aking cellphone. Nagulat ako magkakasunod niyang message at miss call.
Cielo.JRI: Tawag ka na
Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Kumabog ang dibdib ko dahil video call ang ginawa niya. Mabilis akong nagtatakbo sa kuwarto at nagsuklay ng buhok. Inayos koi yon saglit. Binasa ang mga labi bago sinagot.
"Julienne," he called out.
I don't know where he is, but the background seemed sleek, dark, and tidy just like him. He was under his corporate attire. Too serious and that familiar scowl on his face, it never changed. Far from the softness of his voice when he called my name. He is watching me that he knew what I am looking for.
"I'm here in New York. I had a business meeting at Nine in the morning, so I'm on my way."
"Sino ang nagsabi sa'yong nagpunta ako sa Hospital?"
"Sander," he answered politely.
Oh! Anong ginawa ni Sander sa IH? "Si Coach kasi naaksidente noong isang araw. Binisita ko."
"'Bout you? Are you okay?"
Umiling ako. Hindi makatingin nang diretso sa mga mata niya. Nakaramdam ng hiya sa paraan nang paninitig niya. "Wala ako sa pangyayari."
His sharp eyes went through my back. He seemed to check out my room. "Is that your room?"
"Mm— yup!"
I looked around as if doing this would help him to see my whole room. Good thing I arranged it pink and neat, so I think it's not messy but cute.
"And you always—" He cut his words when his gaze drifted on my chest.
Just by that, I realized what I am wearing. It was a deep v neck stripe shirt, showing the skin of my breast. I'm used to this kind of clothes when I live in Australia, plus the fact that Gatus and Jasmin like my transformation.
Wala siyang dinugtong. Wala naman na rin akong masabi kaya saglit na titigan ang nangyari sa amin. Nakakabinging katahimikan.
"Baka busy ka na?"
Huminga siya nang malalim. Walang sinabi pero marahang tumango.
I smiled. "Goodbye, Frank. Ingat ka palagi." I pressed the end call and stared on my cell phone for more minutes.
Kung ikukumpara noong biglaang bisita niya sa ngayon ay masasabi kong may pagbabago sa kanya. He got matured, intense, and that authoritative on his gaze, I know he was an effective leader. He can handle everything. He may be lazy before, but I know he was quick-witted.
Natulog at gumising akong buo ang araw ko. Pagkaligo ay tinawagan ko agad si Jasmin para tanungin kung nasaan na sila. Parehas pa sila ni Gatus na on the way kaya nagluto ako ng almusal namin.
Habang sinasabayan ang music ay pinagbuksan ko ng pinto ang nag-doorbell na si Gatus. Sa likod nito si Jasmin na halatang nawiwirduhan sa akin. Sumunod si Glen na buhat ang baby nila.
"Maganda yata gising mo, Baks?"
"Uh-huh!"
Hindi iyon pinansin ni Gatus dahil dumiretso na ito sa kusina. Kumuha na ng plato at nagsimula na kumain. Mabilis na kain, double check sa mga dadalhin kong bagahe at paggayak ay lumakad na kami.
"Susan is online. Narito na raw sila!"
Alertong winagayway ni Gatus ang hawak niyang cartolina.
"Ano raw bang kulay ng damit nila Baks?" tanong ni Jasmin. Kung kanina ay nakaupo ito habang buhat si Baby niya, ngayon ay nakatayo na.
I didn't answer her question. I'm too busy typing a message.
Julienne: I'll call you, Susan.
Susan: Red and Arthur bought something in the Duty-Free. Wait for a second, Sweet Chic! Go, give me a call.
"May binili lang saglit sa Duty Free," sigaw ko kay Gatus.
Tinaas ko ang cellphone ko nang sagutin ni Susan ang tawag. Tila nito ang bumungad sa akin kaya dumikit agad ako kay Gatus para ipakilala kay Susan.
"Sis, meet Gary Tuazon—"
"Call me, Gatus," putol niya sa akin. May patagong hampas sa braso ko.
Ginalaw ni Susan ang screen. Pinakita si Red at Arthur na kapwa may hawak na alak. Si Red ay nakapulang jacket. Nanibago ako sa buhok niya dahil parang kinulot.
"Guys, Julienne is up," Susan called the two.
Red's head turned with her before he waved his hand.
"s**t, girl! Iyan na ba si Red? Ang guwapo!" bulong ni Gatus.
Napangiti ako noong lumapit si Susan para mas mabigyan kami ng mas malinaw na view sa dalawang kasama. Kaway at pagtawag sa pangalan ko ang ginawa ng dalawa. Itong katabi ko naman ay hihimatayin na yata sa kilig.
"Guwapo nga 'yung naka-red jacket. Kahit 'yung isa," komento ni Jasmin.
Siniko ko siya at tinuro si Glen na naririnig ang sinasabi niya.
"Baks, mas guwapo pa rin ang asawa ko sa dalawang 'yan."
Sa saglit na paghihintay ay sa wakas nagkita-kita kaming muli. Pinakilala ko ang tatlo sa mag-asawa at Gatus. Vice versa. At itong si Bakla, napansin kong hindi humihinga nang mahawakan ang kamay ni Red.
Ngumingiti lang ako the whole time.
"I miss you, Juls," bulong sa akin ni Red.
Nasa likod ko siya at katabi niya si Arthur.
"I miss you too. You all," biro ko. Sinulyapan ang katabi ko sa upuan na si Susan.
Si Gatus at Glen ay nakasa kabila, dahil si Jasmin ay katabi ang baby niya.
Walang kamatayang kamustahan ang nangyari sa amin. Ang mag-asawa ay tahimik dahil English ang medium. Si Gatus naman kung minsan ay sumisingit, kaya kahit papaano ay nagkagaanan ng loob.
"Lapeetah cried when she saw our story on i********:. She's jealous," Susan told me when we arrived in Palawan Airport.
"Of course, she is. She missed this beautiful view," Arthur murmured, he is taking pictures of the Palawan Map.
Red appeared on my side. Umakbay sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"You earn height, Juls. The last time you were just on my shoulder," tukso ni Red.
"Excuse me? I'm not... small," bulong ko. Parehas naming sinulyapan si Susa na abala sa paggawa ng kanyang update or i********: story.
It was our first time here except with Gatus. That was why when we got out of the airport and saw the scenery, we didn't hesitate to take a group photo. Though Red never left my side and he kept his heavy arms swinging on my shoulder.
Pang-story ang picture namin, kaya iyon ang ginamit kong pang-story sa Instagram
Matapos noon ay bumiyahe kami ng halos isang oras patungong hotel. Magkasama kami ni Susan sa kuwarto. Bukod ang mag-asawa at si Gatus ay hyper dahil kasama niya ang dalawa sa kuwarto.
"Twenty minutes preparation then we'll see each other on that spot. Okay?" Gatus reminded us before we separate to fix our things.
May wifi kaya doon ako kumabit. Ang bilis! Parang bombang sumabog ang notification ko. Isa-isa kong sinilip iyon habang hila ang aking maleta.
@SanderCristobal: Nasa Palawan ka? Hindi nag-aya! @Cielo.JRI @FrankAldrich @ZedrickHetch @AlexAmorsolo
@Lookmeintheeyes: Maganda ang Big Lagoon, Idol. Puntahan niyo. Snorkeling. Paragliding.
@AlexAmorsolo: Tara! @SanderCristobal @FrankAldrich
Tumatambol ang dibdib ko sa palitang pag-uusap nitong si Sander at Alex. Hindi ko kilala si Alex, pero sa paraan nang pag-tag nila kay Frank ay hindi ko maiwasang kabahan.
"Are you done, Juls? I think it's time now," Susan alarmed me.
Binaba ko ang cellphone ko sa kama upang mahanap sa maliit na bag ang aking pink sunglasses. Tinali ko sa aking short ang jacket kong gray. Inayos ang suot kong putting t-shirt para magmukhang crop top. Inayos din ang aking buhok.
Ginaya ako ni Susan, kaya tinulungan ko siya. Ilang saglit na selfie ay tumulak na kami pababa.
"Hindi makakasama si Jasmin at Glen. May sumpong daw si baby niya," sabi ni Gatus.
Sa huli ay kaming lima ang tumulak sa unang listahan ng aming iterinary sa araw na iyon. Nag-text ako kay Jasmin na puwede silang mamamasyal. Naka-check-in naman kami sa Beach Hotel dito sa El Nido.
Sumakay kami sa Van na magdadala sa amin sa Big Lagoon. Buong biyahe ay manghang-mangha kami sa ganda ng mga batong akala mo ay dinisenyuhan. Maging mga mga punong, alam kong masukal pero mukha silang arts. Pagkarating namin sa paanan ay nanabik kaming lahat sa asul na dagat.
"You'll be going to try the Kayak?" Gatus asked the three.
Tumingin sa akin si Susan, tumango ako. "It's not included in our package. We'll be going to pay separately for the activities."
"That's fine," agap ni Arthur. Nauuna ng sumakay sa bangka habang sinusuot ang lifevest. Sa likod nitong sumusunod na si Gatus, tinutulungan si Susan sa pag-akyat. Kasunod si Red bago ako.
"Manong, magkakayak kami. Ilang oras po ba?" tanong ni Gatus sa bangkero namin.
"Isang oras po, Sir."
Si Red at Arthur ang photographer namin. Kapag natapos na sa pictorial ay saka kami maglalaro. Mukha kaming mga bata habang naghahabulan sa pagkayak. Si Arthur ay competitive dahil sabi ni Gatus, "The winner will be free for this first activity."
Unang nalaglag si Susan, sunod si Red at Gatus. Kabado ako dahil pasugod si Arthur. Kaso tumigil siya nang magtawag si Manong na lagpas na raw sa isang oras.
"Yes! So, it is me and Juls won!" kanta ni Arthur
Tinawanan namin siya dahil tinulak siya ni Red kaya nalaglag sa tubig at nabasa.
"That's what you get for being an aggressive man," tukso pa nito. Lumangoy palapit sa akin. Hinila ang kayak ko palapit sa bangka. "So, what's our next destination? Shall we try the snorkeling?"
Nagkatinginan kami ni Susan. Sabay na kinilig. "We are up!"
Nagtanggal kami ni Susan ng t-shirt at maong short nang marating namin ang lugar kung saan kami mag-snorkeling. Sa ilalim kasi noon ay two-piece. Nagtanggal na rin ng t-shirt ang boys, kabilang si Gatus. Ang ipinagkaiba lang ay halos himatayin na naman siya nang makita ang upper body ni Red.
"Girl, sarap hawakan!"
Ngumisi ako dahil napatingin sa akin si Red. Akala mo naiintindihan niya ang sinabi ni Bakla.
Hindi nakuntento ang mga kasama namin, sinagad na nila ang adventure upang subukan ang parasailing na supermahal. Pero nagtanghalian muna kami sa nadaanang kubo restaurant na lumulutang sa dagat.
"Ako nalang ang photographer. Takot ako sa heights, girl," sabi ni Gatus.
"Alright, Gatus won't try the parasailing. Choose your partner guys."
"I want you, Juls," Red butted in.
"That's fine with me. About you, Arthur?" baling ko rito.
"Susan is a professional diver. She can save me once I drown."
Nagtawanan kami dahil doon. Pero sa totoo lang ay kabado ako. Napansin iyon ni Red.
"Don't worry. You have me, Juls," bulong niya sa akin.
Pagkasakay at marahang pag-angat ay lumulutang ang puso ko sa kaba. Hindi ko na matandaan ang itsura ko buong bente minuto sa itaas. Habang pinapanood naman sila Susan, pakiwari ko ay ang dali lang.
"Girl, kanina ko pa napapansin. Panay ang dikit sa'yo niyan. Type ka yata," bulong sa akin ni Gatus nang makauwi na kami.
Ngiti ang isinagot ko roon. Hinanap si Red na kasalukuyang kausap ni Jasmin at Glen. Arthur is now caring for the baby. He seemed to have fun with kids. Susan is out of our sight because she volunteered to order our dinner.
Katatapos ko lang sagutin ang tawag mula kay Coach Giselle, nang lumapit si Gatus para lang sabihin iyon. Hindi niya ako mapapaamin dahil kahit saang tingnan banda. Kaibigan lang ang turing ko kay Red.
Habang palapit sa kanila ay kumabit ulit ako sa wifi para mabilis. Nanginginig iyon dahil naka-vibration mode. Kaninang pauwi kami ay nag-upload ako ng video namin sa parasailing. Mukhang marami ng comment.
"Do you guys eat seafood?" tanong ni Susan.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa nabasang unang comment.
SanderCristobal: Woah! Kanina pa 'to. Payag ka bang may ibang umaakbay? @FrankAldrich
Anong pinagsasasabi nitong si Sander?