Doctor Imperial

2113 Words
TULALA ako sa dokumentong nilagdaan ko. Patunay itong isa na ako sa private investor ng Lazarde. Masuwerte ako dahil malaking at internation company ito. Lumalago pa kaya naman lubos akong nagpapasalamat. Kung tutuusin ay ako na yata ang pinakamahirap nilang investor, pero malugod akong tinanggap ng presidente. Nag-offer pa ng pagkakakitaan. Sa paraang alam kong hindi ako mahihirapan, tapos tinanggihan ko lang. Sumulyap ako sa balkunahe nang marinig mula roon ang malakas na kulog at ulan. Humiga ako sa aking kama at ipinikit ang mga mata. Tatanggapin ko ba ang alok niya? Am I suit on the job he is offering? Maraming mas sikat at mas magagandang modelo. Ang kapatid niya mismo, pero bakit ako? Pero kung iisipin lang din, walang problema sa akin iyon. Kaya ko naman dahil parang blogging lang 'yan. Nagagawa ko na ang gusto ko. Kumikita pa ako. Hawak ang oras ko at malaki ang offer niya. I took my phone and texted him. Julienne: Good evening, Frank. May sasabihin sana ako. Are you out of the town or you are here? If you're here, can I call you instead? Pumikit ako ng mariin nang mag-send. Wala pang minuto ay nag-reply siya. F. Aldrich: I'm out of the country. Answer my call then. Napaahon ako sa higaan sa gulat. Muntik pang mabitawan ang aking cellphone nang makitang tumatawag na siya. s**t! Nanginginig kong ini-swipe ang screen para sagutin. "Good evening, Julienne?" He sounded just woke up. It's deep, big, and crunchy. Napakagat labi ako sa kilig. "Hi! Uh... naistorbo ko yata ang pagtulog mo. Pasensiya na." "It is fine, Julienne. You're just three minutes earlier with my alarm clock." "Oh! I miss counting." Tumawa ako. Muling napakagat labi dahil tumawa rin siya. "Tungkol nga pala sa offer mo." "Uh-huh! Had you decided?" Why is it felt like his voice was like a lullaby? It's melting my heart. "Oo. Tinatanggap ko na." "Very good. I will arrange the contract— hold on. I don't want to discuss it over the phone. Shall I met you personally some other time?" Gustong-gusto ko. "Sure! Next time sasabihan mo ako, 'wag surprise." Tumawa siya sa biro kong iyon. Ang munting paru-paro sa puso ko malayang lumilipad. "I'm sorry. I'll give you a notification. Don't worry." Nakangiti akong tumango. Nangapa sa susunod kong sasabihin. Na-realize kung anong oras na ba sa kanila. "I think you're busy. Ibaba ko na ba?" Napapikit ako. Nahiya kung bakit ang dating ay parang gusto ko pa siyang kausap? "I'm still in my bed. Getting lazy, though." I laid in my bed and lift my both legs. Swayed it in the opposite direction. "Get up, lazy head. You should cook your food. O baka may katulong naman?" "I don't have one. I'm independent here." "Ang lungkot ng mag-isa." "I'm getting used to it, Julienne. 'Bout you? Are you alone there too? Your boyfriend?" Napaupo ako. Saan niya nakuha ang ideyang 'yan? "Are you still there?" "Mag-isa lang ako rito, Frank. Wala rin akong boyfriend. Hmm... ano ang boyfriend?" Napangiti ako sa masarap na tawa niya. Kahit laging ganito, okay lang. Marinig ko lang ang tawa niya, kompleto na ang araw ko. "You—" Napasilip ako sa aking screen nang maputol ang linya. Hindi niya natapos ang dapat na sasabihin niya. Ilang minuto akong naghintay ng kasunod niyang tawag, kaso hindi na nasundan. Umaasa man, pero naisip kong baka kailangan niya ng pumasok. This is more than enough, Frank! Ang mga sumunod na araw ko ay abala. Sa kagustuhan kong mabili ang bakanteng limang hektarya sa Casa De Bay, kinailangan kong magdagdag ng source of income. Pumayag ako sa kontrata ni Gatus, kahit pa kilala na si Majesty ngayon. Isa ako sa indirect model ni Majesty na hindi nagdaan sa Swizz Agency. Same mechanics from the old. I'll be a blogger of her trending clothes and bags. But this time was upgraded and dynamic. Thanks to Kevin Lastimosa, who's the current local photographer friend of Majesty. "Boots at summer dress ang dala ko," sabi ni Gatus nang dumating sila ni Kevin. Ayos na ang buhok ko at naglagay na rin ako ng make-up. Hindi naman ako na-hagard sa paghihintay dahil malamig dito. Mabilis na pagbibihis ay handa na ako. "Girl, ipatong mo ang paa sa mesa," utos ni Gatus. Ginawa ko iyon at nag-pose. Iba-ibang anggulo— nakatayo, nakaupo, o kung minsan ay nakatalikod hanggang sa makuntento si Kevin. "Ang galing. Buti at alam mo ang anggulo mo. Alam mo rin maglaro ng facial expression." I smiled. Ang mga naunang session kasi namin ay hindi niya ako kinakausap. "Salamat, Kevin. Habang naghihintay sa inyo. Inisip ko na 'yung mga possible pose. Paano pala? Kanino ko makukuha ang ready picture?" "Sa akin pa rin girl. Edit muna ni Kevin tapos ipapasa niya sa akin. Gagawan ko ng caption isa-isa para ready post nalang." "Alright. See you on Monday?" "Yes, girl." Bumaba ako sa sasakyan para dumiretso na sa gym kung saan kami magkikita nila Coach Giselle at Jasmin. Hindi natuloy ang dating usapan na rematch volleyball dahil nagkasakit 'yung naghamon. Ngayon ay tuloy na tuloy na. Nag-aayos ako ng sintas nang dumaan ang makakalaban namin. Ang titig nito sa akin ay puno nang panghahamak at pangmamaliit. Hinagis ni Jasmin ang bola sa akin, pero hindi ko iyon natamaan. "Akala ko ba MVP 'yan? Mukhang drawing," parining ng isa sa kanila. Tuluyang dumiretso sa upuan nila. Umiling ako at nag-warm up nalang. Hindi iyon pinatulan nila Jasmin at Coach Giselle dahil gaya ko, abala sila sa pagbabanat ng katawan. Pumito ang referee kaya pumasok na kami. Tatlo laban sa tatlo ang usapan. Ang matatalo ay babayaran ang annual gym ng mananalo. Malinaw ang usapan na 'yon. Mag-toss pa sana ng coin pero sumingit na ako. "Kanila na ang bola." Tinawanan nila ako. "Huwag na. Sa inyo nalang ang bola. Partida," turan noong naghamon. Nagkatinginan kami ni Jasmin bago ngumiti nang lihim. Si Coach Giselle ang unang tira. Iyon ang napag-usapan namin dahil bukod kay Jasmin ay hasler din si Coach sa serving ng bola. At gaya ng inaasahan ko, first set ay talo ang kalaban. "Akala ko ba drawing kami? Sino ba ang drawing?" ganti ngayon ni Jasmin. Tahimik ang kalaban. Ramdam ko ang pagseryoso nang sila na ang titira. Umibabaw agad si Jasmin. Sa ilalim kami ni Coach. Kanina sa laro ay nakita kong mahina ang nasa gitna nila. Ang magkabila naman ay puro palobo ang tira. "Give me the ball," bulong ko sa dalawa. "No problem," koro nilang sagot. Tumira ang kalaban. Palobo iyon at malinis na sinalo ni Jasmin para i-open sa akin ang bola para sa smash. Tinakbo ko iyon upang kumuha ng buwelo bago tumalon. Sobrang namiss ko ang paglalaro nito kaya tinira ko nang buong lakas. Patungo iyon sa gitna na sinubukang harangin ng kalaban, pero bumagsak pa rin sa kanila. Nag-appear kami ng team ko. Pero sa aking sarili, napansin ko na hindi nasaktan 'yung nakasalo ng tira ko. Nawala na ang abilidad ko. Pero hindi iyon nakasagabal sa pagkapanalo namin. Dalawang set lang ay talo na sila. "Ako nang sasama sa mga 'to para bayaran ang annual gym natin." "Sige, Coach Giselle," sabi ko, dumiretso sa Vendor machine para kumuha ng isa pang tubig. "Baks, nag-follow si Frank sa i********: mo. Sosyal, bukod sa family ikaw lang ang hindi related sa kanya ang following." Kunot noo kong nilingon si Jasmin. Pagkakuha ng tubig sa ilalim ay lumapit ako sa kanya. "Bakit mo alam? Nauna ka pa sa akin malaman." "Baks, 'di ba nga pinapa-stalk mo siya sa akin dati. Naka-follow kasi ako sa kanya." I frowned. "Wala akong sinasabi sa'yo, Jasmin Moreno." I checked my notification. Tama nga siya. Tapos tatlo lang kaming following niya; Jyra Keith Aldrich, Mrs. Carla Aldrich at ako. The call last night laid at the tip of my tongue to slip. But I resisted to tackle with Jasmin. Ayaw kong asarin niya ako. Ayaw ko ring bigyan ng malalim na paliwanag iyon dahil baka business lang talaga ang purpose ng tawag. Ayaw kong umasa. Delikado. "Guys, si Giselle!" bungad sa amin ng hinihingal na nakalaban namin kanina sa volleyball. Sabay kaming napatakbo ni Jasmin palabas. Ngulat sa truck na nakasubsob sa entrada ng gym. Isa sa kasamahan ng nakalaban namin sa volleyball namin, kasama si Coach Giselle ay naipit ang mga kanang paa sa nayuping pader. "Paano nangyari 'to? Tumawag na ba kayo ng ambulansya?" tanong ko sa kanila. "Oo. Parating na 'yon!" Pinagtulungan naming hilain ang pader sa bungad ni Jasmin, kaso masyadong masikip. May mga usisero ang tumulong. Si Coach at ang babae ay kapwa matatapang. Ngumingiwi sa sakit, pero hindi nagawang umiyak. "Patay na raw ang driver," sabi pa ni Coach. Inalala pa niya ang iba kaysa sa sariling kapakanan. Kalahating oras bago dumating ang ambulansya. Namumutla na ang dalawa kaya kami ni Jasmin ay naiiyak na. "Huwag nga kayong umiyak. Hindi ako mamamatay," huling usal niya bago itakbo sa Imperial Hospital. Sumunod kami ni Jasmin lulan ng taxi. Malakas ang kutob naming mapuputulan siya ng paa, pero hindi siya nagpabatid ng takot. Pagkarating ay nagtanong agad kami sa front desk. Nasa OR kaya nagpalipas kami ng oras sa waiting area. Kabado ako habang pinapanood ang pagkausap ni Jasmin sa pamilya ni Coach. Magaling siya na mananayaw, volleyball player, at professor. Kung mawawala ang isa sa mga paa niya, hindi niya na magagawang sumayaw. Iyon pa naman ang isa sa hobby niya. Matapos sa gym ay pupunta sila sa bayan para may-zumba. "Opo, Ninong." Pagkatapos ng tawag ay tulala kami parehas ni Jasmin. Ilang minuto kaming ganoon, masyadong nabigla sa pangyayari. Normal ang lahat hanggang sa isang iglap ay masisira. Tumayo si Jasmin nang makilala ang paparating na anak ni Coach. Umiiyak itong yumakap sa kanya. Si Ninong naman na asawa ni Coach, bagaman walang sinabi bakas ang tinatagong luha sa mata. "Matapang siya. Hindi siya nagreklamo o umiyak. Tatagan natin ang loob natin para sa kanya," pagpapalakas ko nang loob sa kanila. Lumabas ang doctor at kinausap si Ninong. Tahimik kami sa gilid, pinipigil ang sarili na huwag umiyak nang ideklara na puputulin ang paa. Grabe ang iyak ng anak ni Coach, kaya hindi ko na rin napigilan ang maiyak. "Pakisaup, sana bigyan niyo po kami nang pagkakataon na makausap ang asawa ko. Gusto naming palakasin ang loob niya." "Sige, ho. Matapang ang inyong asawa," wika ng Doctor. Malungkot na ngumiti sa bawat isa sa amin, ngunit nagtagal ang titig sa akin. Nagbigay galang ako at sumunod na sa loob. Pinagalitan ni Coach ang anak niyang bakit daw ito umiiyak. "Mama, tandaan niyo kahit wala ka ng paa. Mahal pa rin kita." "Ang drama ng anak ko." Kahit positibo ang pinapakita niya, alam naming lahat na mahirap para sa kanya ang sitwasyon. Paano mo tatanggapin ang ganitong pagsubok?  Aalisin sa'yo ang bagay na alam mong nagpapasaya at bumubuo sa araw mo? Hindi kami nagtagal dahil kailangan ng simulan ang operasyon. Sinamahan ni Jasmin si Trisha para makauwi muna. Si Ninong ay nanatili kaya sinamahan ko muna. Nasa labas kami kanina pa, tahimik at matiyagang naghihintay. "Sinabihan ko na siya noon na huwag niya ng pagurin ang sarili kaka-zumba. Tumatanda na siya." Napalingon ako kay Ninong. Bakas dito ang sakit at kalungkutan niya para sa asawa. "Pero sabi niya... buhay niya na ang pagsasayaw. Iyon ang kaligayahan niya. Kapag hindi siya nakasayaw, hindi kumpleto ang araw niya. Kaya—" He cut his words when tears pooled on his cheek. "Hindi po natin hawak ang buhay natin. Salamat po sa panginoon at iyon lang ang nangyari. Matapang na tao si Coach. Naniniwala akong may dahilan kung bakit nangyari iyon. Makakasayaw pa rin po siya. Alam kong magagawan niya ng paraan. Si Coach pa po ba? Kapag gusto may paraan." Malungkot siyang ngumiti at tumango. "Tama ka, Hija." Gabi nang matapos ang operasyon. Marami ang bumisitang kaanak kay Coach kaya nagpasya kami ni Jasmin na bumalik kinabukasan. Napaaga ako kaya nauna na sa loob. Sa Lobby habang naglalakad mag-isa ay nakasalubong ko 'yung Doctor kahapon. He is old. Late sixties if I'm not mistaken. Pero mababakas ang kagandahang lalaki noong kanyang kabataan. Matangkad. Asul ang mata. Blonde. "Good morning, Doc," bati ko sa kanya. Buong galang na tumango at ngumiti. "Magandang umaga rin, Hija. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" "Julienne Reese Imperial po, Doc." For a moment the calmness of his face panicked as his eyes memorized every corner of my face. He blinked many times, his other hand moved forward and instinct told me that he wanted to hold my hand. "Puwede ko bang malaman kung nasaan ang mga magulang mo?" Magulang ko? Bakit? Sino ba siya? I noticed his name on the template pinned on his upper left chest white robe. Alberto Imperial, MD. "Hija?" Umiling ako. "Ulila po ako. Hindi ko po matandaan ang pangalan nila. Pasensiya na po." "Ganoon ba? Fiesta sa amin sa susunod na Linggo. Gusto sana kitang imbetahan, Julienne." "Fiesta po? Sige ho. Tiga saan po ba sila?" "Casa De Bay." Tumango ako. "Salamat po sa successful operation kay Coach. Bilang pasasalamat, isasama ko po sila sa fiesta sa inyo." He took something on his wallet, then he handed over to me his calling card. "Aasahan ko ang pagbisita niyo." Muling paggalang at ngiti ay dumiretso na ako sa kuwarto kung saan naroroon si Coach. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol kay Doctor Alberto na sinang-ayunan naman nila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD