Vulnerable Side

2348 Words
NARIRINIG ko noon sa usapan na masuwerteng ampon si Frank. Edad labing dalawa siya nang pangalanang Aldrich. Iyon lang ang alam ng lahat. Walang nagtangkang magtanong sa kanya, sino ang may lakas ang loob na magtatanong? Kung sa kaibigan manggagaling, imposible namang ikalat ni Charl o Sander. Their loyalty with each other were supreme and strong. Imagine you tried to hit your head on a hard rock if you tried to dodge the three. But I couldn't imagine him as my brother either base on my episode. I dramatically scratched my eyes before I glanced at Lapeetah. I caught her smiling suspiciously. "You're like an idiot there." Natatawa niyang sinabi, "Tell me, Juls. Who's that guy? I heard you talked with him Tagalog. Do you know each other?" Irap at iling ang ginawa ko sa kanya. Siya naman ay lalong bumungisngis, tila hindi naniniwala. "You know, Juls. I know that Red likes you. And I know that you don't feel the same way. But the way you look at that hot guy, it's—" Umakto itong hihimatayin sa kilig. "I will support you in any relationship you choose." I hope he likes me too. Malalim na buntong hininga ang pinawalan ko. Itinuon ang atensyon sa aking cellphone upang tingnan ang notification sa i********:. Namilog ang aking mata sa trending video na sampung minuto palang na post. "You got to be kidding me," I blurted out. Habang nagmamaneho ay nilingon ako ni Lapeetah. "What? Let me see." Pagkagilid niya ng sasakyan ay inagaw niya ang cellphone. Trending si Frank sa pagligtas sa babaeng naka-yellow jersey jacket na may yellow bull cap. "This is f**k up. I've been included in the caption," she complained after playing the video. And now she's fishing out her phone. Napatakip ako sa aking mukha. "You received a call?" "Nah! They insert my name but I'm not included in the video. Not even a strand of my hair." Kinuha ko ang aking cellphone at ni-review ang video. Hati-hati iyon, halatang tinutukang maigi. Tapos mention din ang username ko sa i********: at kay Lapeetah, iniwang misteryoso ang nagligtas sa akin. Binalikan ko ang aking profile. Buti nalang hindi ako nag-OOTD. I can deny the video. My face wasn't shown too. Even Frank, his angle was only the leather jacket and his force of pulling me. "Do you think it will affect your work?" "Don't worry. This is nothing. I just check my phone if Red or any of our friends see this," she explained confidently. Speaking of Red, minutes later when I got home I got a call from him. "Is the video true? Are you alright?" "I am fine, Red. Thanks for your concern." Hindi agad siya nagsalita. Bagkus ay malalim na paghinga lang ang aking narinig. "I'll see you tomorrow, Juls. You should rest. Good night!" "Good night, Red." Hindi agad ako pinatulog ng mga iniisip ko. Tinawagan din ako ni Caesar, tinatanong kung totoo ang video. I was very ashamed to say yes, but I cannot deny it either. For sure he already asked his nephew. Lapeetah even called me when she got home. "Surely, you'll gotta received a whole chunk of followers again." "You're right. From two hundred thousand followers, it turned half a million." Sumandal ako sa bannister at tinanaw ang maliit na Eiffel Tower. "Really? That's low. We'll be going to make that one million and more." Hindi ko napigilang tumawa dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang dahil talaga sa kanya kung bakit dumami ang followers ko. Mayroon lang naman siyang twenty million followers. The night ran quick and my last day in Paris was a blast with my new found friends there. After touring around the tourist spots. They taught me how to play hockey. For how many times I swam on the icy floor, hitting one point on my awkward position is still unbeatable. "We'll visit you in the Philippines. That's for sure," Red's last word before I pulled my luggage. One final waved with them then I don't look back. I'm going to miss them. My seven days of experience in Paris was really memorable. Long hours of travel, then I'll be back in my hometown. Itinulog ko ang buong biyahe. At nang mag-landing ang eroplanong sinasakyan ko sa Terminal five. Gumuhit sa puso ko ang kapanatagan at kasiyahan. "Bakla! Bakla!" Umirap ako sa kawalan nang makita ko si Jasmin. Bukod sa nakakahiya ang boses niya. Nahiya rin ako sa sinisigaw niya. "Ano ka ba! Ang boses mo!" Lalo lang siyang natawa at niyakap ako. "Hindi ka naman nila kilala. Okay lang 'yan." Inagaw niya ang hila-hila kong luggage at sumunod sa akin. "Mamaya raw natin bisitahin si Gatus. Nasa trabaho pa siya. Hindi puwede mag-leave dahil may project sila. Hindi ko na rin sinama ang junakis ko." "Okay na rin 'yon. Gusto ko kasing bisitahin ang puntod ni Charl." Sumakay kami ng Taxi at dumaan saglit sa flower shop bago dumiretso sa memorial park sa Beaufort. Hindi ko napigilang maluha nang makita ang picture ni Charl. It had been years. Are you happy now there? I hope you do. I miss your laugh, Charl. I miss your jokes. Your prank. The way you brought every situation into a light one. I miss that. I miss you. Hinaplos ko ang picture frame niya. Pilit na ngumiti nang maalala ang sinabi niyang huwag na akong iiyak. Ayaw niyang umiyak ako. "Maraming nangyari noong umalis ka, Baks," bulong ni Jasmin. Napalingon ako sa kanya. Naguguluhan kung bakit hindi niya sinabi sa akin iyon noong naroon ako sa Australia. "Nakakulong si Professor Gomez. Lahat ng survivor sa Landslide noon ay binigyan ng isang milyon. Kaya hinahanap ka nila. Lahat naman ng namatayan ay sagot ng eskuwelahan ang expenses para burial. At nagbigay ng sampung milyon." Mapait kong ipinikit ang aking mata. "Hindi ko kailangan ng pera nila." "Baks, nalaman ko rin pala na wala si Frank dito sa Pilipinas. Seven months na yata." "Alam ko. Nakita ko siya sa Paris." Nag-sign of the cross ako bago tumayo. Tuluyan kong hinarap si Jasmin. "Siya na nag presidente ng kumpanya nila. At sa maniwala ka man o hindi. Pumayag siyang mag-invest ako sa company nila." "We? 'Di nga? Wow!" Malungkot akong ngumiti. "Oo. Hihintayin ko ang tawag ng secretary ng ate niya. Kinakabahan kaya ako." "Gosh, Baks. Meet the sister in law na." Napalo ko siya sa baywang. "Baliw ka! Tara na nga!" Hapon na ng makarating kami sa Main Owl City. Doon namin hinintay si Gatus sa extension side ng Swizz Building. "Paano pala kayo nagkita, Baks?" "Tanda mo 'yung invitation kay Caesar sa Paris. Saktong contract signing na rin sa Lazarde. Akala ko nga matanda na 'yung president. Nagkagulatan pa kami." Parang sinilihan ang tumbong ni Jasmin sa kilig. Gusto ko rin sanang isipin ang positive side ng kuwento ko, kaso sa tuwing naiisip ko ang mga nakikita ko ay nasasaktan lang ako. Hindi ko kayang tawagin na kuya si Frank. Hindi ko kaya. Ayaw ko! "Julienne Reese Imperial?" Sabay kaming lumingon ni Jasmin sa eskandalosang palapit. Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay. "Ano 'yon Gary Tuazon Sopre?" "Ay grabe siya. Buo talaga?" "Sino ba ang nagsimula?" Lumapit siya sa akin at nakipagpalitan ng beso. "Ikaw naman girl. Namiss lang kita. Nagsasawa na kasi ako kay Jasmin. Teka... kumain na ba kayo?" "Hindi pa, Gatus. Ilibre mo nga kami," sabad ni Jasmin. "Ay sorry. Sino ba ang kakauwi lang? Oy, Juls, ha. Ano 'tong nakita kong trending noong isang araw. Kaibigan mo 'yung Brazilian model na si Lapeetah?" Nag-alangan ako sa sinabi ni Gatus. Sa dami ng sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko. "Gary Tuazon Sopre, oo. Ano masaya ka na?" "Sosyal ang lola mo. Kaya pala ang account mo tingnan mo. Famous ka na. One million followers agad!" "Hindi kaya. Last check ko, kalahati palang." Ipinakita sa akin ni Jasmin ang profile ko. Nahigit ko ang aking hininga sa aking nakita. Totoo nga! Dali-dali kong sinilip ang notification ko. Kulang nalang sumabog iyon. Over naman. Parang hindi makatotohanan, pero totoo nga. Nagkakagulo kaming tatlo sa pag-isaisa sa notification ko nang may tumawag ulit sa pangalan ko. "Oh, hi Bridgette!" Tumayo ako at nakipagbeso sa kanya. "Lalo kang gumanda. Kamusta na?" "I'm good. Ikaw, kamusta?" Sumulyap siya kay Jasmin at Gatus saglit bago nanatili ang atensyon sa akin. "Okay lang naman. Masaya sa bagong lovelife. Invite ko kayo sa party ko sa makalawa. Calixto. Just say the password, bombshell. They will know you as my guest." "Sure, Bridgette." "Good. I have to go. May dress rehearsal kami sa taas." "Go ahead. No problem. See you," sabi ko, bago nilingon ang nangangalabit na si Jasmin. "New love life raw." Kulang nalang tumirik ang mata ko sa sinabi ni Jasmin. Narinig ko. Gusto ko sanang malaman kung kailan pa kaso umalis agad. "Siguro ang bagong boyfriend niyan si Shawn Friis. Bukang bibig niya kasi," komento ni Gatus na siyang nag-iwan ng palaisipan sa akin. Dapat nagdiriwang akong single na si Frank, kaso hindi ko magawa. Kinabukasan ay inabala ko ang aking sarili sa pag-check ng progress sa Rios De Bay. Nailagay na ang kuryente. Handa na rin ito upang iparenta, kaso hinihintay ko pa ang katibayan na legal na puwedeng maglagay ng business doon. Naging abala rin ako sa mga dokumento ko. Bank accounts. Tutuluyan sa Owl City. "Kaysa mag-rent ka ng bahay. Bakit hindi ka nalang sa amin muna maglagi?" "Hindi ka na dalaga, Jasmin. May pamilya ka na. Prioritize them, I can take care of myself." Galit niya akong tinitigan. "Hindi ba't pamilya rin kita. Ano ka ba! Behave ang baby ko. Hindi ka niya bubulabugin sa umaga. Promise!" Natawa ako bigla roon. Saan niya napulot 'yung bubulabugin? "Jasmin, bibisitahin naman kita kapag free ako. For now, I want to live independently. Just like how I live my life in Australia. Don't worry." Pagod siyang tumitig sa akin. Walang nagawa sa pamimilit kong kuhanin 'yung condo unit na nakita naming mura. Sinamahan niya ako roon at tinulungang ayusin ang mga gamit ko. "Bakla, baka kaya mura dito dahil minumulto." "Jasmin, tantanan mo ako. Ayan ka na naman." "Okay!" Hindi rin siya nagtagal dahil sinundo siya ng asawa niyang si Glen. Sumunod na araw ay namili ako ng mga gagamitin ko. Maging basic appliances. Sa hapon ay tinawagan ko si Gatus at Jasmin para tanungin kung ready na sila sa party ni Bridgette. "Baks, may baby ako. Hindi puwedeng uminom. Pass muna." "Okay lang, Jas. Ano ka ba!" Sawi ako kay Jasmin. Noong tumawag naman ako kay Gatus. "Narito na ako, kasama si Paula at Buwachan. Ikaw nalang kulang. Dalian!" Habang nag-aayos ay kausap ko pa rin siya. Binabalita kung sinu-sinong artista ang naroon. "Nakita ko ang grupo ni Jyra. 'Yung kapatid ng crush mo." Lumagpas ang lagay kong liquid eyeliner. Bigla akong nanginig at kinabahan. "Tingin mo tutuloy pa ako? Huwag nalang kaya." "Julienne Reese Imperial, pasasabugin ko 'yang condo unit mo kapag hindi ka nagpunta rito. Gatus, sabihin mo kay Juls na aasawahin ko si Frank kapag 'di siya nagpunta." Napailing nalang ako sa sinabi ni Paula. Talagang gusto nilang napapahiya ako. Ano nalang ang sasabihin ko sa ate niya? Should I be formal? Give her a peck? Kakaisip ay lalo akong natagalan sa pag-aayos. Tapos ang dapat na susuotin ko sa gabing ito ay pinalitan ko ng may pagka-conservative. Ayaw kong mag-iwan ng pangit na impression sa ate niya. Kabado na ako sa biyahe patungong Calixto. Lalo ring sumidhi noong marating ko na. Ang lakas ng music, rinig sa labas kahit nakasara ang pinto. "Bombshell," bulong ko sa bouncer. Kitang-kita ko ang malagkit na titig niya sa cleavage ko bago ako pinapasok. Dumiretso ako sa loob at hinanap sila Gatus. Hindi ako nahirapan dahil pinili nila ang itaas, malapit sa bannister. May iba pa silang kasama sa pabilog na couch na hindi ko kilala. "Juls!" kaway ni Paula nang mamataan niya akong palapit. Pinakilala ni Gatus ang mga kasama sa akin bago ako pinaupo. Binulong niya sa akin kung nasaan ang grupo ng ate ni Frank. Tanaw mula sa puwesto namin, kung nasaan sila. They seemed enjoying too, though they were quite formal and uptight. I felt more nervous when our eyes met but she looked away. "Ang ganda ng ate niya. Parang anghel." "Sinabi mo pa. Model siya ng Candella." Napalingon ako kay Gatus. "Kailan pa?" "Only this year, girl. Mas maganda 'yan sa malapitan. Parang ikaw." Ngumiwi ako kay Gatus. Napatayo noong makita si Bridgette na may hinihilang lalaki paakyat sa hagdan. The guy seemed hesitant and annoyed, but Bridgette was not giving attention to it. They proceeded on the banister and stayed there for a moment. "'Yan ba 'yung boyfriend ni Bridgette?" tanong ko kay Gatus nang hindi ito nililingon. "Hindi ako sure. Pero 'yan si Shawn Friis." Guwapo! Parang si Red. Tumayo ako nang makaramdam ng uhaw. Sinalubong ko ang waiter na may dalang light drink. Kumuha ako ng isa at inisang lagok. Papabalik na sana ako sa mesa namin nang biglang magkatulakan. Everything went fast that I just found Shawn Friis on the floor while holding his busted lips. Bridgette is on the side. Matindi ang iyak nito habang tinatawag ang pangalan ni Frank. Kinabahan ako agad. Bumagsak si Shawn sa mesa namin, sinundan iyon nang tilian. Sumulpot ang kapatid ni Frank upang pigilan siya sa ikatlong suntok dapat. Kasunod noon ang pagsulpot ng mga kaibigan nito at lalaking mga naka-itim na suit. Hinila ako ni Gatus pababa dahil aniya utos ng bodyguard ng Aldrich. Sumama ako. Pero pagkababa ay sinulyapan ko ulit sila. May pag-uusap na nangyari bago bumalik sa normal ang lahat. Nanatili ang titig ko kay Frank na ngayon ay titig na titig sa umiiyak na si Bridgette. Parang kinukurot ang puso ko sa emosyong nakita ko sa mata niya. Is he still in love with her? Tumayo si Bridgette na sinundan ni Frank. Nagdaan sila sa gilid ko. I am expecting him to notice me, but like what I said. He passed through me as if I am nothing. My chest became heavy when I decided to go home. Sumusunod ako kila Gatus nang mamataan namin ang pagmamakaawa ni Frank kay Bridgette. "Why are you doing this to me? Bridgette, come on. Let's talk, please!" Nasapo ko ang aking puso noong hawakan niya sa braso si Bridgette. Halos mapaluhod sa pagmamakaawa sa atensyon ng babae. "I still love you, Babe! Please!" Marahas na tinanggal ni Bridgette ang kamay ni Frank. Nagmamadaling sumakay sa sasakyan ni Graciella. "Girl?" tawag pansin ni Gatus sa akin. Binibiyak ang puso ko habang minamasdan si Frank na mag-isa, nakaluhod at tulala sa kawalan. Hindi ko namalayang kusang kumilos ang aking paa palapit sa kanya. Pero natigilan ako nang mapansin ang luha sa kanyang pisngi. The man I like cried for the woman whom he loved. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD