CHAPTER 1
Masarap sa feeling kapag may pamilya na mahal ka. Pero, hindi lahat nakakaranas nito. Dahil may mga pamilyang hindi naman talaga perfect. May tampuhan, selosan, at minsan, kahit wala kang ginagawa, ikaw pa rin ‘yung mali.
Si Shantal Garcia, eighteen, sanay na sa ganyang eksena.
Sure, mahal siya nina Meghan at Ferdinand Garcia, ang mga nag-ampon sa kanya. Pero ‘yung isa? Si Nathalie? Hindi.
Si Nathalie, biological daughter ng mommy niya at daddy niya. Si Shant? Adopted. Pero kahit anong pilit niyang huwag pansinin, may kurot pa rin sa dibdib kapag naiisip niya. Alam niyang ampon siya. But she tried to be okay with it. Kasi binigay naman sa kanya lahat. Hindi siya pinagkulangan. Pero minsan… may lungkot din. Out of all kids, bakit siya pa? At kung hindi siguro siya dumating sa buhay ng pamilyang ‘to… maybe Nathalie wouldn’t have left.
She hated her. As in legit. Tipong kahit simpleng paghinga niya, bawal.
Ngayon ay nasa abroad parin si Nathalie nagtatrabaho.
All Shant ever wanted was for Nathalie to like her. Pero wala. Hindi talaga siya tanggap. Kaya every time she feels like crying… tahimik lang. Hindi siya ang tipong iiyak sa harap ng iba. Pride niya ‘yun.
Buti na lang, may kuya Deighlan siya.
Kuya goals. Yung tipong hindi ka papabayaan.
Deighlan treats her like his real sister. Spoils her. Protects her. Kahit mag-away sila ni Nathalie noon, automatic kakampi niya ‘to. Kaya she doesn’t know what she’d do without his kuya. Kahit alam niyang minsan, ubos na rin ang pasensya ng kuya niya sa kanya.
Aminado naman siya. Maldita siya. Mabilis mag-init ulo at never pa siya napagalitan ng mommy at daddy niya. Si Deighlan lang talaga ‘yung palaging may pake.
Ito, tingan natin kung gaano talaga siya ka spoiled brat.
“Shant! Gising na!” gising ng kuya niya, sabay hampas ng unan sa pwet niya.
“Ano ba!” reklamo niya habang nagtatalukbong sa kumot.
“Malalate ka na naman, bilis!”
Hinila ng kuya niya ‘yung kumot niya sabay hatak sa braso.
“Okay na, okay na,” bulong niya habang humihikab.
After mag-ayos, bumaba na siya.
“Shant, how’s school?” tanong ng mommy niya habang nagsasandok ng kanin.
Nilapit niya ang mukha, hinalikan ito sa pisngi. “Okay naman po. Nakakapagod lang. Ang daming ganap.”
“Basta bawal muna ang boyfriend ha,” sabi ng daddy niya.
May pahabol pa si Deighlan, “Ako muna dapat ang ligawan ng manliligaw mo bago ikaw,” sabay kurot sa pisngi niya.
“Ang OA mo kuya!" reklamo niya.
Nagtawanan silang lahat.
“Bilisan mo na kumain, we’re leaving,” sabi ni Deighlan sabay tayo at kinuha ang bag. Kaya dali-daling sinubo ni Shant ang natirang ham sa plato niya sabay paalam kay mommy at daddy niya.
Pagdating sa school, sinalubong agad siya ng bestie niyang si Jane.
“Shant! Good morning!”
“Morning,” bati ni Shant with a half-smile.
Si Jane lang talaga ang totoong ka-vibes niya sa buong school. Kasi sa school, kilala siya… pero sa pagiging maldita. And honestly? She doesn’t care.
Sabay silang pumasok sa class. Then, during break, punta sila ng canteen.
Habang naglalakad sila, napakomento si Jane.
“Grabe, ang bait ng kuya mo ha.”
Shant smirked. “Duh. Of course.”
“Ang gwapo pa! Ilang taon na nga siya?”
Tumigil si Shant, nag-roll eyes. “Twenty-seven. Bata pa, pero busy sa work. Kaya no time for landi.”
“You mean… single pa siya?!” Parang nanalo sa raffle si Jane.
“Yes,” sabay akbay ni Shant. “At wala siyang balak magka-girlfriend. So huwag kang umasa.”
“Grabe. Ang swerte ng magiging girlfriend niya.”
And for some reason, biglang natahimik si Shant. Kasi what if nga one day… magka-girlfriend si Deighlan? Baka wala nang magtatanggol sa kanya. Baka wala nang susundo, mag-aalaga. Baka hindi na siya priority.
“Hoy!” kurot ni Jane sa pisngi niya. “Bigla kang natahimik.”
“Huh? Wala. Tara na.”
Pero deep inside, she knew… ayaw niya pa. Hindi pa siya ready na magka-girlfriend ang kuya niya.
Pagkatapos ng klase, naghintay siya sa gate. 5:00 PM. Wala pa ang kuya niya. 5:30. Wala pa rin. Tinawagan niya — no answer.
6:00 PM na. Si Manong Guard, sinasara na ang gate.
Kaya sumakay na lang siya ng taxi pauwi.
Pagdating sa bahay, nakita niya si Jake, ang makulit niyang pinsan at may kasamang babae.
Diretso siya sa loob, padabog.
“Mom, I’m home,” malamig ang boses niya. Pero ‘yung mata niya, kay Deighlan
.
“Shant, join us! Ba’t ngayon ka lang?” yaya ng mommy niya.
“Ayoko, nakakapagod maghintay sa wala!” sabay irap kay Deighlan.
“Sha—” sinubukan pa ni Deighlan na magsalita. Pero tinalikuran na niya.
Diretso akyat ng hagdan, sabay sara ng pinto. And as usual… umiyak siya.
Ganito siya. She cries when she’s mad. She sulks. She shuts people out.
Then, may kumatok.
Knock knock knock.
“Shant… open the door. Please. Sorry, nakalimutan kitang sunduin.”
It was Deighlan.
Deadma.
"Late ka na nga, saka ka lang hihingi ng sorry? Anong akala mo sa’kin, option B?" reklamo ni Shant.
Ang mommy niya na ang sumunod. Baka siya pagbuksan.
Pagbaba ni Deighlan, halatang nag-aalala ang pinsan niyang si Jake.
"Naku pinsan! Sana sinundo mo nalang muna bago tayo pumunta dito sa bahay niyo."
“So, she’s your sister? She’s pretty ha. Pero ‘di kayo magkamukha.” tanong ng babaeng kasama nila, si Beatriz ang childhood friend nila.
“She’s adopted. Since she was three,” sagot ni Deighlan.
Si Jake, sumingit pa. “Spoiled brat ‘yan, bro.”
Tinapunan niya ng masamang tingin. “Hayaan mo siya. Bata pa kasi.”
“Exactly,” sabi ni Jake. “Spoiled kasi ikaw nagpapaspoil. At ‘di na bata ‘yan — mag-nineteen na next month.”
Tahimik lang si Deighlan. May point eh.
Sabi naman ni Beatriz, “Let her grow, Deighlan. Hayaan mo siyang tumayo sa sarili.”
Alam naman ni Deighlan na sumusobra na siya sa pag-spoil kay Shant, pero ayaw niya lang na ma-feel ni outcast ito.
Dahil ayaw niya ring malayo ang loob ni Shant sa kanya kagaya ni Nathalie.