SHANTAL POV Bago ako pumunta sa trabaho, dumaan muna ako sa jewelry shop para silipin ulit yung kwentas na matagal ko nang gustong bilhin. “Miss,” tawag ko sa saleslady habang palinga-linga sa glass displays. “Good day, ma’am!” bati niya nang may ngiti. “Saan na po yung kwentas na nakadisplay dito dati? Yung heart-shaped, silver, tapos puwedeng lagyan ng picture sa loob?” Nagbakasakali pa rin ako kahit alam kong pwedeng sold out na yun. Matagal na naghanap ang saleslady, tapos tumawag pa ng isa pang staff. Mukhang hindi nila kabisado 'yung item. “Wait lang po, ma’am. Iche-check ko lang po sa list.” Kinabahan ako. Baka nga wala na talaga. Sana hindi pa nabili. Makalipas ang ilang minuto, bumalik na siya. “Sorry po, ma’am. Pero sold out na po 'yung kwentas. Wala na rin pong daratin

