SHANTAL POV After a while, naging tahimik din kami ni kuya habang kumakain. Tahimik lang siya, pero ramdam ko na parang may binubulong siya sa sarili niya. Biglang nag-vibrate ang phone ko. Teka, sino to? I grab my phone at tiningnan ang message. Text message: "Hi... Miss moody!" Anong miss moody ang sinasabi nito? "hoy! Sinong miss moody! Wrong sent ka lang yata!" "No..." lokong to! Sino kaya ito? Then tumingin sakin si kuya. "Shant, bakit busy ka sa phone mo? Kumain kana." saway niya. "Ah, wala. Bakit pala ang tagal mong lumabas kanina? Sobrang init pa naman sa labas." "Sorry! Nagkasalubong kami kasi ni Jaden and he borrowed my phone. Nakitawag lang siya." Si Jaden? Siya siguro ang lokong to. Text message: I replied him.. "Wag mo na nga akong kulitin, kilala nakita! Stop

