DEIGHLAND POV Pagdilat ng mata ko, kita ko agad ‘yung wall clock sa kwarto. Five o’clock na ng hapon. Agad akong tumayo, dumiretso sa shower, at nag-ayos. I had somewhere to be. Sunduin si Shant. Pagkalipas ng ilang minuto, nakita ko siya. Naglalakad siya papunta sa may bus stop. Nagbaba ako ng bintana, bahagyang bumusina, then called her name. Nagulat siya. Parang hindi inaasahan na ako ‘yung susundo. Hindi pa kami okay. I was rude to her the last time. Alam ko. And yeah, I regret it. Pero kahit gano’n, hindi ko maikakaila—may kung anong saya sa dibdib ko nang makita siyang muli. Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami. Pero hindi ko na napigilan na tanongin siya. Oo, nagalit talaga ako sa inasal niya. Pero mas mabuti kung prangka na sasabihin ko iyon sa kanya para naman maintindi

