Chapter 2
Nilapag ng Reyna ang sanggol sa kama at dahan-dahang lumuhod habang hawak ang isang kwentas sa kamay nito. Natitigilan namang nakatingin ang Hari sa nakikita niya. May binulong na ibang lenguwahe ang Reyna, mayamaya may lumitaw na tila lagusan.
"Anong binabalak mo, Khenna," nalilitong tanong niya habang nakatingin sa lagusan.
"I want to make sure her safety," sabi nito. Marahan itong naglakad palapit sa sanggol at malungkot na tumingin dito.
" Ibig mong sabihin, aalis tayo gamit ang lagusan na iyan?"
Umiling ang Reyna at tumingin sa kanya.
"Kailangan niyang mabuhay, kahit kapalit nito ang buhay ko. Hindi ko iiwan ang Allejera, kung mamatay man ako. Mamamatay akong lalaban para sa kaharian," seryosong sabi niya dito.
Napatitig ang Hari sa kanyang Reyna, bago binalingan ang sanggol.
"Mamamatay tayong lalaban aking Reyna," mariing sabi ng Hari at niyakap ang mag ina. Pareho nilang hinalikan sa pisngi ang sanggol.
Ngunit isang palaso ang nagpahiwalay sa kanila at sabay na napatingin sa mapangahas na gumawa noon sa kanila. Pareho silang nagulat sa hindi inaasahang tao. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanila.
"Nakapanganak ka na pala, Reyna Khenna. Maari ko ba siyang makita? " Naglakad palapit sa kanila.
Napaatras ang Reyna at iniharang naman ng Hari ang sarili niya upang hindi malapitan nito ang mag ina niya. Tumawa ito ng malakas.
"Nakakatuwa naman, sa tingin mo ba makakalaban kayo sa akin? Ganoong mahina ka na Reyna Khenna?"
Nakakaloko itong ngumiti sa kanila.
"Ilayo mo na ang sanggol, Khenna," seryosong sabi ng Hari.
Napatingin ang Reyna sa kanya. Nangungusap.
"Hindi kita iiwan dito," sabi nito. Tumalikod ang Reyna at humarap sa lagusang ginawa niya. Binalot niya ng kumot ang sanggol at hinalikan niya sa noo bago ito ipinasok sa lagusan, kasabay noon ang pagtulo ng kanyang luha.
'Hindi ako sigurado kung mabubuhay pa kami, anak ko. Sana lumaki kang malakas at matapang. Aasahan kong babalik ka dito upang mamuno sa ating kaharian. Mahal na mahal kita, anak ko.' sambit nito sa sarili. Unti-unting nagsara ang lagusan. Nang sumara na ito ay seryoso siyang tumingin sa mapangahas na taong nasa loob ng kwarto na iyon.
"Gregor, talagang plinano mong pumunta dito dahil mahina ako sa araw na ito,” mariing sabi ng Reyna dito.
Muli itong tumawa nang malakas.
"Oo naman, sino ako para lumusob dito kung malakas ka? Alam ko rin namang ilang oras na lang ang nalalabi saiyo, kaya magpaalam na kayo sa isa't isa. Pagkatapos ko kayong patayin, isusunod ko ang anak niyo!"
Isang mabilis na kilos ang ginawa nito, kaya hindi agad nakakilos ang Hari ang Reyna. Ginamitan sila nito nang majika at sumugod gamit ang espada. Isinangga naman ng Hari ang Espadang agad niyang nakuha upang protektahan ang kanyang Reyna. Napangisi si Gregor sa naging kilos nito at nagpalitan sila nang atake gamit ang espada. Habang naglalaban ang dalawa, unti-unti namang nanghihina si Khenna. Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig habang hawak ang kanyang dibdib. Napansin rin niya ang dugong umaagos sa hita niya. Napatingin sa kanya ang Hari at nagulat sa sitwasyon niya. Dahil sa ginawang kilos na iyon, hindi niya napansin ang atake ni Gregor mula sa likod kaya natamaan siya at natumba malapit sa Reyna. Nagulat naman si Khenna sa nangyari at napatingin kay Gregor na muling aatake.
Pinilit niyang tumayo at gumawa ng apoy sa magkabilang kamay niya at binato dito. Nakaiwas ito sa ginawa niya kaya muli siyang umatake dito gamit ang apoy. Ngunit isa iyon sa naging dahilan upang tuluyan siyang manghina. Napasuka siya nang dugo at napaluhod sa harap ng kanyang Hari. Dahan-dahan siyang gumapang palapit sa kanyang Reyna. Hinawakan nito ang kamay at niyakap.
"K-Khenna, " tawag niya dito. Isang ngiti lang ang sinagot nito sa kanya dahil nahihirapan na siyang magsalita.
"M-Mahal na mahal kita, Rafael,” tanging sambit nito at saka muli siyang napaubo at sumuka ng dugo.
"Ngayon, magpaalam na kayo sa isa't-isa, aking kapatid!" sigaw nito at itinarak nito ang espada sa likod ng Hari habang nakatingin sa Reyna. Isang luha ang dumaloy sa pisngi nito at marahang pumikit. Nais sumigaw ng Reyna, ngunit walang kahit salita ang lumabas sa kanya. Hindi na niya kaya, hinang-hina na siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumagsak siya sa tabi ng kanyang Hari.
'Aking anak, sana ay ligtas ka. Sana nasa kamay ka ng mga mabubuting tao. Hihintayin ko ang pagbalik mo sa lugar na ito. Mabuhay ka anak ko, Mabuhay ka at ibalik mo ang sigla ng Allejera,’ sambit nito sa kanyang isip at tuluyang namahinga.
Samantala, Isang mag asawa ang napadaan sa gubat ng Allejera. Mula sa gubat naririnig nila ang nangyayaring gulo sa bayan nito. Nais man nang dalawa na tumulong dahil kilala rin silang mandirigma ay hindi nila magawa. Kasalukuyan kasi silang papunta sa bayan dahil manganganak na rin ang asawa nito ngayon buwan. Nang malaman nila ang gulo ay hindi na sila tumuloy at lumayo na lamang. Habang nakasakay sila sa kanilang kabayo. Isang palahaw ng sanggol ang nagpahinto sa kanila. Hinanap nila ang palahaw na iyon at nilapitan. Nakita nila ang isang sanggol sa tabi ng isang malaking puno. Nakabalot sa kumot at may bahid ng dugo. Napagtanto nilang bagong panganak pa lamang ito dahil sa mga dugo na nasa kumot. Nalilitong kinuha ito ng lalaki at tumingin sa kanyang asawa.
"Paano kaya napunta dito ang sanggol na ito? Kawawa naman at bagong silang pa,” sabi ng lalaki at inilapit sa kanyang asawa.
"Napakagandang sanggol, sino naman ang nag iwan ng sanggol na ito dito,” sambit ng Asawa.
Nagkatinginan ang mag asawa at sabay na tumungin sa sanggol. Huminto na ang iyak nito at tila ba nakangiti ito sa kanila. Isang kakaibang damdamin ang naramdaman nila sa sanggol. Pareho silang napangiti.
Ngunit agad rin iyong nawala ng marinig ang malalakas na pagsabog at kalansing ng mga espada. May mga tunog ng mga kabayong tumatakbo sa di kalayuan at mga sigaw na nanggagaling sa bayan. Nakaramdam sila ng kaba. Nagkatingin muli ang mag asawa saka tumango. Nagpatuloy sila sa pag alis kasama ang sanggol upang makalayo sa magulong nangyayari sa kaharian ng Allejera.