bc

Khethania: The Reborn Phoenix

book_age18+
243
FOLLOW
1K
READ
fated
powerful
brave
princess
queen
twisted
royal
sword-and-sorcery
magical world
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Khethania was the lost Princess of Allejera Kingdom. She is also the Reborn of Legendary Phoenix.

Pinatay ang kanyang magulang na siyang Hari at Reyna ng Allejera. NAwala ang sigla ng Allejera, lalo na nang mawala siya. Lumipas ang mga taon, nalaman niya ang tungkol sa lugar na iyon at nais niya itong puntahan.

Ano nga ba ang naghihintay sa kanya sa lugar ng Allejera. Masasagot nga ba ang mga tanong niya? Magiging ligtas pa nga ba siya? Ganoong hinahanap siya ng kalaban upang patayin...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Masaya. Iyon ang mailalarawan sa kaharian ng Allejera nang gabing iyon. Nagkakantahan, Nagsasayawan at Nagtatawanan. Hindi mo agad mapapansing may malungkot dahil masaya ang bawat taong madadaanan sa bawat sulok ng Bayan. Mula sa bayan, matatanaw sa di kalayuan ang Palasyo ng Allejera at naroon ang hari at Reyna ng kaharian. Makikita ang tuwa sa mga mata nang Reyna habang nakatingin sa tanawin sa labas ng palasyo. Si Reyna Khenna. Nakikita niya ang mga tao sa bayan na masayang nagkakasiyahan. Masaya kasi ang mga ito dahil malapit nang isilang, ang bagong membro nang maharlikang pamilya. Malapit nang magsilang ang reyna ng kanilang kaharian. Habang nakatanaw sa labas ang reyna, biglang may yumakap mula sa kanyang likuran. Bahagya siyang napangiti ng makilala ito. "Masyado nang malamig ang gabi," sabi nito. "Kailangan mo nang magpahinga aking Reyna." Ngumiti siya sa sinabi nang kanyang Hari. Si Haring Rafael. Hinaplos nito ang nakaumbok sa kanyang tiyan. "Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Nananabik ako, aking Reyna,” muling sabi nito. Napangiti siya, ngunit agad rin itong nawala at napalitan nang kaba. "Hindi na rin ako makapaghintay aking hari," bahagyang sabi niya at tumingin dito. "Ngunit natatakot rin ako dahil baka pumunta sila dito sa araw kung kailan magiging mahina ako. Gusto ko kayong protektahan." Hinaplos nang Hari ang pisngi niya at ngumiti. "Huwag kang mag alala, sapagkat darating ang mga taga-Gordon upang protektahan tayo sa oras na mag silang ka," sabi nito. Ngumiti siya. Hindi niya maitatangging maswerte siya dito. Sa kanilang mundo mas makapangyarihan ang mga babae. Dahil sa taglay nitong malakas na kapangyarihan, lalo na ang Reyna. Si Reyna Khenna ay nagtataglay nang malakas na kapangyarihan nang apoy. Nakokontrol din niya ang mga bagay na nais niya. Higit sa lahat, nasa sinapupunan niya ang nakatakdang maging mas makapangyarihan sa kanya. The baby that destined to be the Reborn of Legendary Phoenix. The baby that will lead their kingdom. "Sa araw na iyon kailangan mo ring ihanda ang sarili mo, " malungkot niyang sabi. Napansin niyang bahagya itong natigilan at napatitig sa kanya. Mayamaya napansin niya ang namumuong luha sa mga nito. "Khenna," sambit nito sa pangalan ng Reyna. Hinawakan nito ang kamay at hinalikan. "Handa na ako sa araw nang pagsilang ko. Sana maging handa ka rin sa ano mang mangyayari," sabi niya sa kanyang hari. "Mahal na mahal kita, Khenna, h-hindi ko pa kayang mawala ka. W-Wala na ba talagang ibang paraan?” Alam nilang dalawa na sa araw nang pagsilang ng Reyna ay mawawala rin ito. Siya ang nakatakdang magsilang sa Princessa, ngunit nakatadhana rin mamatay sa araw na iyon. " 'Wag mo na akong alalahanin, ikakasaya ko kapag inalagaan mong mabuti ang anak natin Rafael," nakangiti niyang sabi dito. Walang salitang niyakap siya nito, kasabay nang luhang dumaloy sa pareho nilang mga mata. Sa ika-apat na buwan nang Desyembre. Nagkagulo bigla ang palasyo nang sabihing ng Reyna na sumasakit na ang tiyan niya. Kaya agad tumawag ng doktor ang hari upang tulungan sa panganganak ang Reyna. Sa isang kwarto, nakahiga ang Reyna at iniinda ang sakit sa tiyan. Nang dumating ang doktor, tiningnan nito ang kalagayan niya at sinabi nito na malayo pa ang bata kaya konteng hintay na lang. Sa kabila nang nangyayari, isang tumatakbong kawal ang biglang dumating sa labas nang kwarto kung saan naroon ang Reyna. Sinalubong ito ng Hari at tinanong. "Anong ginagawa mo dito, Heneral Balyo?" nagtatakang tanong ng Hari nang makitang tila seryoso ito. "Mahal na Hari, may problema po tayo. Natatanaw namin sa di kalayuan ang maraming kumpol na mga kawal. Nakilala ko ang bandila nila, galing sila sa kaharian ng Holland,” mahabang sabi nito at natigilan ang Hari sa narinig. Napalingon ang Hari sa kanyang Reyna, na alam niyang narinig nito ang sinabi nang kanilang Heneral. Nakikita niya ang pag aalala sa mukha nito. Muling tumingin ang hari sa kanyang tauhan. "Tawagin mo ang lahat nang kawal at mga tauhan. Siguraduhin mo rin ang kaligtasan ng mga tao sa bayan. Alam mo na kung saan mo sila dadalhin. Siguraduhin mo rin na walang kahit sinong taga-Holland ang makakapasok sa palasyo.'' Utos niya dito. Tumango ito saka umalis. Napabuntong-hininga siya at lumapit sa kanyang Reyna na iniinda pa rin ang sakit sa tiyan. Pilit na ngumiti ang Reyna pero agad rin itong nawala nang mas sumakit pa ang tiyan niya. Naging abala naman ang doktor sa kakatingin sa kanya, hanggang sa sinabi nitong malapit ng lumabas ang bata at kailangan niyang umire ng mas mahaba upang lumabas ang sanggol. Sinunod nito ang sinabi ng Doktor. Hanggang sa lumabas ang sanggol at umalingaw-ngaw ang iyak nito sa kwarto kung nasaan sila. Napatingin dito ang hari at marahang naglakad. Hindi makapaniwala na sa wakas lumabas na rin ang anak nila. Isa na siyang ama at ito ang bumuo sa kanilang pamilya. Nilinis ng Doktor ang sanggol saka binigay sa Reyna upang mahawakan. Nakangiti ang Reyna habang nakatingin sa inosenteng mukha nang kanilang anghel. Lumapit ang Hari sa kanya at sabay nilang hinawakan ang sanggol, habang may ngiti sa mga labi. "Ang ganda niya mahal kong Reyna," sambit ng Hari habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi. "Nakuha niya ang mga mata mo." Masaya ang Hari at Reyna sa pagsilang ng sanggol. May nagpaputok ng fireworks sa labas. Tanda na nagsilang na ang Reyna. Nakita ito ng mga taong nagkakagulo sa bayan. Huminto ang lahat sa nakita at bakas ang tuwa sa kanilang mga mata, dahil alam nila na isinilang na ang nakatadhanang Princessa na mamumuno sa kaharian ng Allejera. Hindi ito lingid sa kaalam ng taga- Holland na nasa labas ng Allejera. Mas matinding galit ang naramdaman nang Hari ng Holland sa nalaman. Kaya inutusan niya ang lahat ng kawal na pasukin na ang malaking gate ng Allejera. Kumilos agad ang mga ito, habang ang Hari ay dumeretso sa Palasyo. Isang nakakabinging pagsabog ang nagpawala ng mga ngiti sa labi ng Hari at Reyna. Sabay silang napatingin sa labas at laking gulat sa nakita. Nakita nila ang mga naglalakihang kanyon ng mga Holland at mga umuulang palaso na papunta sa bayan. Labis ang kaba nang dalawa sa nakita. Mahigpit na napayakap ang Reyna sa sanggol na hawak niya. "I will do everything just to protect you, my baby," sambit niya. Natigilan naman ang Hari sa narinig niya at nagulat sa sunod nitong ginawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook