Patuloy na lumalabas ang itim na kapangyarihan mula kay Lucy. Nararamdaman nila kung gaano iyon kalakas. Halos liparin sila palayo dahil sa lakas na aura mula rito. "Lucy! Stop it! Don't use that kind of magic. It will kill you! Please stop!" Sabay silang napatingin sa biglang sumigaw at nakita nila ang hari ng Holland. Tumatakbo ito patungo kay Lucy, ngunit agad itong napigilan nina Camilla sa balak nitong paglapit. "Lucy!" muling sigaw nito at napaluha habang nakatingin sa anak. Seryosong nakatingin si Khethania kay Lucy. Nais niyang tulungan itong makalaya sa kapangyarihan ng dark wizard na si Khezza. Ngunit hindi niya alam kung paano. Patuloy pa rin na pinapalabas ni Lucy ang kapangyarihang iyon at naapektuhan na ang centro ng Holland. Bumalot ang kadiliman sa buong kaharian dahi

