Beware: Rated SPG! Not suitable for young readers! NAKATUTOK nag atensiyon ni Krissa sa harap ng monitor ng computer niya ng tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Jackson ang tumatawag. “Krissa, tapos na ba iyong pinapagawa ko?” tanong nito sa kanya mula sa kabilang linya. “Malapit na akong matapos,” sagot niya rito. May pinapadagdag kasi si Jackson sa kanya na detalye do’n sa townhouse na denisign niya. At kailangan daw nito iyon ngayong araw kaya tinatapos niya iyon ngayon. Nakalimutan kasi ni Jackson na sabihin sa kanya ng maaga kaya medyo late na. Sa katunayan, nakauwi na ang ibang ka-trabaho niya. She’s working overtime. “Pwede bang dalhin mo dito sa office ko at titingnan ko.” “Oh, sige.” Sagot niya bago siya nagpaalam rito. Bitbit niya a

