NAPAPIKIT ng mga mata si Krissa ng muli na namang umatake ang sakit ng ulo niya. Darn, migraine! Mura niya sa isip. Uminom na siya ng gamot kanina ng maramdamang umaatake na naman ang migraine niya. Nabawasan naman ang sakit ng ulo niya. Pero makalipas ang ilang oras ay sumakit na naman iyon. Isinandal ni Krissa ang likod sa upuan at minasahe ang sentido para mabawasan kahit paano ang sakit. Nasa ganoong posisyon si Krissa ng tumunog ang cellphone niya. Nakapikit ang mga mata na kinapa niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng cubicle niya. Sinagot niya iyon ng hindi lang tinitingnan kung sino ang caller niya. “Hello?” wika niya sa kabilang linya. “Are you okay, Krissa?” boses iyon ni Jackson, mababakas sa boses nito ang concern. Mukhang pinapanuod na naman siya nito s

