MEDYO late na naman akong uuwi ngayon dahil sa dami ng trabaho ko. Ayaw kong iwan hanggang hindi ko natatapos ang mga dapat tapusin ngayong araw. Paglabas ko mula sa opisina ko ay nagulat ako ng makita ko si Brent na naghihintay pala sa akin. "Brent," bulalas ko. "What are you doing here?" "Pamela," nakangiting bati nito. Humalik ito sa pisngi ko at inabot ang mamahaling bouquet ng mga bulaklak na hawak nito sa akin. Si Brentson nga pala ay isa sa mga makukulit kong manliligaw. "Thank you," pasalamat ko dito at tinanggap ang mga bulaklak. "Hindi mo sinabi na pupuntahan mo ako dito ngayon." "I had a meeting nearby kaya naisipan kong daanan ka na rin," sagot nito na alam ko namang hindi totoo. Tulad nga ng nasabi ko na, isa si Brent sa makulit kong manliligaw. Minsan talaga ay bigla nal

