- PAMELA - KALALAPAG ko lang ng mga gamit ko sa kama ng makatanggap ako ng video call mula sa matalik kong kaibigan na si Chantal. Bored na naman yata si buntis kaya ako ang naisipan kulitin. Kahit pagod ako at kadarating ko lang galing opisina sinagot ko parin tawag nito. "Kamust, buntis?" agad kong bati ng lumitaw ang mukha niya sa screen ng cellphone ko. "Bruha, kanina pa kita tinatawagan. Bakit ngayon ka lang sumagot?" bungad na bati naman niya sa akin. "Ha? A e, sorry. Nagdadrive kasi ako kanina. Sobrang traffic, grabi. Nakakabaliw. Ito nga at kadarating ko lang eh." Madilim na akong nakarating sa bahay galing opisina dahil naipit nga ako sa traffic sa EDSA. Inilapag ko ang phone ko sa phone holder na nasa ibabaw ng side table ng kama ko. "Anyway, I heard na kapitbahay mo daw a

