KAHIT gaano ako ka busy, sinisigurado ko na ang araw ko ng Linggo ay para sa anak ko. Wala akong trabaho at lalong wala akong lakad na hindi kasama o para sa anak ko. Kung noon ay easy go lucky lang ako. Gala dito gala doon. Walang sinusunod na house rules. Ngayon ay iba na. Pinangako ko sa sarili ko na palagi akong nasa tabi ng anak ko sa lahat ng importanteng araw ng buhay nito at nakasuporta. Ibibigay ko sa anak ko ang panahon at oras ko para hindi niya maramdaman na may kulang sa buhay niya. "Mommy, catch the ball," sigaw ni Finn ngunit huli na dahil bumagsak na ang bola sa mukha ko. Nandito nga pala kami sa park ng exclusive subdivision kung saan kami nakatira. "Aray ko," tili ko habang hawak ang pisngi kong nasaktan. "Anak naman... Kailan pa naging mukhang ring ng bola mo ang muk

