ANG lakas talaga ng radar ng anak ko pagdating sa Daddy ninong niya. Kahit masarap na ang tulog nito sa balikat ni Gabriel ay bigla talagang nagising ng marinig ang boses ni Kenzo. "Daddy!" tuwang-tuwa na ulit nitong turan sa inaantok paring diwa. Agad naman itong nilapitan ni Kenzo at kinuha mula sa mga braso ni Gabriel noong mag-anyo itong magpapabuhat dito. "How are you, big boy? I heard you were hurt. Are you okay now?" nag-aalalang tanong ni Kenzo kay Finn. "Okay na po ako, Daddy..." sagot ni Finn at yumakap sa leeg ni Kenzo. "Na miss kita, Daddy," dagdag pa nito. "Na miss din kita," malambing naman na sagot dito ni Kenzo. Tumikhim ako para kunin ang attention ng dalawa. Mukha kasing nakalimutan na kami at may sarili na silang mundo. “By the way Ken this is Gabriel Sandova

