KONTI nalang at malapit nang masagad ang pasensya ko. Kanina pa kasi ako kinakatulong ni Tutong at ayaw akong tantanan. And take note... He wants me to scrub the whole huge swimming pool in his yard! "Koskusin mong maigi. Gamitan mo naman ng lakas." Tiningnan ko siya ng masama. "Eh kung tinutulungan mo ako kaysa utos ka ng utos diyan." "Why should I? I'm your master. Besides, that's your penalty for destroying my clothes yesterday. How could you possibly make my white shirts colorful and my colored shirts, white? You're incredible! You're a very good magician." "Bakit? Ginawa ko lang naman ang utos mo ah. Nilabhan ko ang mga damit mo, tulad ng sinabi mo." "Utos ko? Sinabi ko ba sayo na ibahin mo ang kulay ng mga damit ko? Sa tingin mo mapapakinabangan pa ang mga 'yon?" "Bakit? Sinabi

