Ang totoo niyan ay marami na nga ang nag iinquire sa page namin mula ng mag post kami na magkakaroon ng audition para sa panibagong vocalist since graduate na si Fergus. Nakalalungkot man ay walang magagawa dahil ahead siya sa amin ng isang taon. Nakarating agad kami sa floor kung saan ang mga grade 12. Dahil mas dumami ang section ng grade 11 ay sa third floor na ang classrooms ng para sa amin. Nakakapagod tuloy sa pag akyat. Mabuti nalang at may sariling CR ang floor na ito at mas marami ang electric fan. "Holy cow! Mabuti at classmates pa din tayo! Huhuhu!" madramang bigkas ni Zandara ng makita ang pangalan namin na nakadikit sa pinto ng section 1. Sakto naman at dumating na din si Hervi habang nasa pinto pa kami. Nakasarado pa ang classroom dahil hinihintay pa ang flag ceremony.

