Naisipan ko nalang na maglakad papunta sa highway at doon maghintay ng dadaang taxi. Hindi ako marunong mag commute sa jeepney kaya naman natatakot akong subukan. Maya maya pa ay may humintong big bike sa harapan ko. Kulay matte black iyon.Ang sakay ay isang matangkad na lalaki na naka suot ng leather jacket at itim na itim na helmet. Kahit nakasarado ang helmet ay alam kong sa akin ito nakatingin gayong sa harapan ko ito mismo nakahinto. Kinunutan ko siya ng noo. Sino ba ito? Lumingon ako sa paligid, may mga estudyante na nakatayo din hindi malayo sa akin at nakatingin sa amin. Kapwa nag tatanong ang mga mukha. Hindi ito gumagalaw. Sadyang nakatingin lamang sa akin. Nakaramdam ako ng bahagyang kaba kaya naman umatras ako at saka nag lakad papunta sa kaliwa ko kung nasaan ang ibang estu

