It's been weeks. Weeks of torture. I hate it. 3 weeks after that incident, lumayo ako. Nakabalik kami ng matiwasay sa mga bahay namin. Naging madalang ang paguusap namin ni Hervi dahil nag bakasyon sila sa probinsya nila. Ako naman ay naiwan mag isa sa bahay. Si Dada kasi ay kinailangang pumunta sa states dahil sa business niya doon. Tatlong linggo na akong nagkukulong sa kuwarto o music room ko. Napaka dami ko ng natutunan na bagong chords at maging ang mga pinaka mahihirap na tugtugin ay nagawa ko na. Nagpaka halimaw ako sa musika. Ito lang ang kasama ko dito. Sa mga panahon na iyon ay ni hindi ako lumabas ng bahay o maging sa rooftop. Natatakot akong makita ang taong may berdeng mata. Hindi ko alam kung paano siya titignan o kakaharapin. Hindi ko kaya. Oo at alam kong hindi naman s

