Hindi na ako nag abala pang maglagay ng make up sa mukha, inayos ko na lang ang sarili sa harap ng salamin. Suot pa din ang Harry Potter na pangtulog, lumabas ako dala ang maliit na sling bag. Laman noon ang cellphone at wallet. Naka sukbit ang camera sa aking leeg. Kumatok ako sa kabilang kuwarto, kung nasaan ang lalaking dapat ay laman ng isipan ko. Siya lang dapat at nagpapagulo ng mundo ko. Siya lang dapat ang nagbibigay ng electricity na dadaloy sa katawan ko. Subalit nalungkot lamang ako ng pagbuksan ako ni Mang Isko at makita ang lalaking dapat ay kasama kong mag celebrate ngayon ng aming monthsary na naka higa sa kama at tulog na tulog. "Devi, pinapasabi ni Hervi na hindi muna siya makakasama sayo ngayon. Mauna ka na daw kumain, magpapahatid na lang daw siya mamaya sa empleyado

