Inabot lang ng 10 minutes ang ginawa niya dahil hindi naman sobrang komplikado ng design. Sa mga gilid din ng braids nakalagay ang may kulay na nilagay niya kaya sobrang amazed ako. Nag bayad lang ako ng doble sa siningil niya pagkatapos ay umalis na kami doon. Mahikli lamang ang buhok ni Hervi at ayaw niyang magpalagay ng ganito kaya hindi ko na pinilit pa. Nag punta agad kami sa tattoo stall at kinausap iyong artist. We decided na guitar pick ang ipatattoo. Sa loob ng guitar pick ay mayroong acoustic guitar, ito ang kay H. Color black ang background at sa kaliwang likod ng tenga ito ilalagay. Sa akin naman ay electric guitar ang nasa loob, kapareha ng design kay H. Magkaiba lang ang guitar namin. Sa aming dalawa kasi ay mas gusto ko ang electric, siya naman ay acoustic. Same artist ang

