"Devi! Sabay na tayo!" Kahit narinig ko pa ang sigaw ng magaling na posteng hitad na yun ay hindi ako lumingon. Lakad takbo ako papunta sa gate ng school namin. Nadaanan ko pa ang ilang estudyante na gusto yatang magpapicture sa akin subalit ng makita nila na galit ang anyo ng mukha ko ay napaatras na lang ang mga ito. Huminto ako sa tapat ng tindahan ng miryenda malapit sa labas ng school at saka pumasok sa loob. Dirediretsong pumasok ako sa bahay ng may ari ng tindahan. "Uy, ayos ka ah? Bahay mo 'to?" namamanghang tanong ni Fergus, ang kasamahan ko sa banda. Nalaman ko kasi last month na dito lang pala ito nakatira. Si Fergus ay GAS din subalit grade 12 na siya. Inis na sumalampak ako sa sofa at tinabihan siya. Paminta ang lalaki. Kailan ko lang din nalaman. "Problema mo girl?" Ini

