Nilingon ko ang kinauupuan ni Zandara ng sumigaw ito ng malakas. Naka tutok ang mga mata sa hawak na cellphone. Agad itong tumayo at nagtatakbo papunta sa gawi ko. Wala pa kaming next teacher kaya malaya pa siyang nakakagala. "Look! Viral ang video natin. May 1M views na agad. At ang comments? My gosh! Puro positive. Lahat nagagandahan sa presentation natin! Nakakatuwa naman" nakahawak sa dibdib si Zandara habang nagsasalita. Kababakasan ng saya ang mukha nito at pananalita. Nakitingin na din ako sa phone na hawak niya. Lumapit na din sa amin sina Roccel at Abby. Tinignan ko ang mga comments na sinasabi nito. Aries Niemas: Galing nung bida Samsam Kurampam: Pogi nung r*p*st, baka pweding next ako? 🫣🤚 Kolette Amorado: Ganda ng story! Di mo aakalaing grade 11 students ang mga ito! Kudo

