Kinagabihan ay nag puntahan ulit ang sambayanang Gas 12A. Punong puno ang kwarto at maingay din. Pumapailanlang din ang paboritong kanta ni Zandara at ng tatay nito. Sa halip na kalungkutan ay napuno ito ng kasiyahan. Bagay na ikatutuwa ng kaibigan ko for sure. Binigyan din ako ng notes ni Taavi para may copy daw ako ng lesson kanina. Nag thank you naman ako dito. "Are you gonna stay here again?" si Taavi. Tumango ako. "Mag lalamay ako. Uuwi nalang ako mamayang umaga para magpahinga. After lunch ako babalik." Iyon kasi ang napag pasyahan kong routine. "Okay. Just call me if anything happens or if you need anything." yumakap muna ito bago umalis. Nang mapag isa ay sinubukan kong tawagan si Hervi. Nakakapag taka na wala itong paramdam. Ni hindi man lang nag chat sa akin mula pa nung s

