Alas diyes pa lang ay nag aya na kaming umalis. Tatlong kotse ang sakay namin. Kay Taavi kami nakasakay ni kuya Jeff, si Ann at Cyan sa isa, at ang magbff na sina Joshua at Jomar ay kay Jeo. Sa pinaka malapit na 7/11 kami nag punta. Wala ng gaanong tao sa paligid kaya pabor sa amin. Lahat kami ay pumasok sa loob, mabuti at may dalawa lang na naka tambay doon na mag jowa yata at wala namang pakialam sa amin. Isang bola-bola at hot chocolate ang kinuha ko. Nilalamig kasi ako dahil sa suot ko. Nahahanginan din ang tiyan ko kaya dapat lang na mainitan. Binuksan lang namin ang likod na parte ng mga kotse para doon maupo. "We should do this more often hanggang hindi pa nakaka graduate. Masaya pala ang ganito" si Jeo. Nag sangayunan naman ang tropahan. "Hindi ka ba talaga mag cecelebrate ng

