"Yes, I'm jealous. You two are still in a relationship, remember." Nawala ang ngiti ko at sumeryoso ang mukha ko. Umayos ako ng upo. Nang tignan ko siya ay sa kalsada lang ang tingin niya. Seryoso na din siya pero kunot pa din ang noo. "I already ended our relationship mula ng kausapin ko siya. For formality nalang ang mayroon sa amin. Pero pupunta siya ngayon sa bahay dahil si Dada na mismo ang kakausap sa kaniya. Humingi na kasi ako ng tulong kay Dada dahil gusto ko ng matapos na ang lahat. Para matahimik na tayo." I said. Kapwa kami natahimik. Tila nananantiya kung ano ang isasagot. Bumaling ako sa kaniya. I was just watching him while he's seriously driving. I like how he will glance at me secretly pero iiwas din agad kapag nakikitang nahuhuli ko siya. Kalaunan ay hindi ko na napigi

