"Nasaan pala ang mga kasama mo dito? Bakit wala yatang ibang tao?" puno ng kuryosidad ang tono nito. Pumapapak parin ako ng ulam. "May emergency si Manang sa probinsya nila kaya umuwi siya kanina. Nag pahatid kay Kuya Dante kaya wala sila. Si Ate Jo naman ay naka day off today. Kaya mag isa lang ako dito." paliwanag ko. Hindi ko nakikita ang ginagawa niya pero mukhang nahanap na niya ang cucumber juice powder dahil naririnig ko na ang paghalo ng kutsara sa baso. "Oh. So we're alone here?" mahina ang kaniyang boses. Parang hindi makapaniwala. Napa irap ako. "Oo. Kaya wag na wag kang gagawa ng katarantaduhan dahil puno ng cctv ang bahay. Isang maling galaw mo lang, bobombahin ni Dada yang bahay nyo sige ka. Bantay sarado ang cctv namin. Laging naka tutok si Dada." tinignan ko siya. Naka

