Umakyat kami sa stage at tinanggap ang trophy at certificates na binigay sa amin. Nagulat pa ako ng igitna ako ni sir Judd at saakin ipinahawak ang trophy namin. Hawak naman niya ang puting sobre na naglalaman ng cash prize. After the picture taking ay nag stay pa din kami hanggang sa matapos ang buong program. Dumidilim na ng umalis ang bus na aming sinasakyan. "Sabi sa inyo eh, kayang kaya nyo! The best talaga kayo!" Makabagbag damdaming ani ni Sir. Natatawa nalang kami dahil kanina pa siya tila proud na proud sa pag bati sa amin. Kung anu ano na ang sinasabi nito. Ipinamalita na din niya kanina sa buong school ang nangyaring pagkapanalo namin habang hindi pa natatapos ang program. Ganoon siya kasaya. "Sa Monday, walang ma-le-late sa flag ceremony ah? Aawardan kayo doon. Kaya please

