Inaamoy ko ang relasyon nila pero mukhang magkaibigan lang talaga. May nakaka-MU kasi si Ann sa ibang section at suportado naman ito ni Cy. Mukhang wala nga lang dito eh. Siguro nga ay hindi nila gusto ang isat-isa para sa mas malalim na relasyon. "Woooh! Go! Jomar my love!" Nanlalaki ang matang nilingon ko si Zandara. Ito ang kauna unahang pagkakataon na ipinangalandakan niya ang kaniyang feelings publicly. Todo nga nga ang bibig namin habang nakatingin sa kaniya. Kinindatan niya lang kami at saka nagtatalon pa habang hawak ang banner na ginawa niya kanina sa room. Nang lingunin ko ang gawi ng mga basketball players ay napaka laki ng ngisi ni Jomar habang pinapanuod si Zandara. Napangiti nalang ako habang papalit palit ang tingin ko sa kanila. At least my friends are happy now. Mula

