Inilabas ko na ang laptop ko at saka nag umpisa ng mag tipa. Ang assignment namin ay gumawa ng isang kuwento. Isang alamat. Mahikling kuwento lamang ito pero dapat ay maging maganda ang kuwento. Ayokong maging boring. Ang gusto ko sana ay maging comedy ang kalabasan. Kanina pa lamang ay may naisip na agad akong kuwento. Ang gusto ko ay ang Alamat ng Pulbos! May plot na ako kaya inumpisahan ko na agad. Nag focus muna ako sa pakilanlan ng characters. Wala pa man ay natatawa na agad ako habang naiimagine ang mangyayari. Inabot ako ng isang oras sa pag gawa. Sinigurado ko pa kasi na tama ang format at grammar. Pwedi naman ang tagalog, kaya iyon ang ginawa ko. Mas maieexpress ko kasi kapag tagalog. Nang masatisfied ako ay pinrint ko na agad ito. Mainam ng mas maaga makagawa kaysa late. Pina

