Chapter 23

1278 Words

Nang sumapit ang lunch time ay mabilis ang takbo namin ni H papunta sa bulletin board. Naipaskil na daw ang listahan kaya sobrang kabado ako. Hindi ko alam kung bakit grabe ang kaba na nararamdaman ko. Hingal aso ako ng makarating kami sa hallway. Madami ang mga estudyante na nakapalibot doon kaya nahirapan akong makasingit papunta sa harapan. Pikit ang mata ko ng makadating ako sa pinaka unahan. Dahan dahan ang ginawa kong pagdilat para tignan ang papel na nakadilit doon. Unang bumungad sa akin ang pangalan na napili para maging drummer. Drummer: Cyan Timothy Roux Si Cyan pala ang napili. Balita ko ay magaling nga daw talaga ang lalaki, hindi ko lang napanuod kaya hindi ko din alam. Sunod sa listahan ang Pianist at Saxophone. Pianist: Akihiro Sotto Hindi ko kilala ang napili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD