Napa upo ako ng mawala na siya sa paningin ko. Naglapitan naman sa akin ang mga barkada ko. Naiwan pala sila sa room kasama ko. Akala ko ay nauna na silang lumabas. "Grabe na talaga ang jowa mo nayan ah. Kapal kapal! Mukhang kailangan lihain para mabawasan ah." inis na ani Zandara. "Kabwisit yan. Hiwalayan mo na kaya yan" sabat ni Aira. "Ang toxic! Tayo pa ang bad influence? Ay nako pigilan niyo ako at baka mapilipitan ko ng leeg yan." badtrip na sagot din ni Roccel. "Intindihin nalang natin guys. Baka may sapak talaga iyon sa pag-iisip kaya ganon." si Abby. Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili. Hinatid ako ng mga barkada ko papunta sa music room kung saan nandoon na pala ang mga kasama ko. Ako nalang ang kulang. "Kitakits bukas! Chat chat nalang sa gc mamaya ah! Gumaw

