Kaninang uwian pa sila nandoon dahil tumulong ang mga kaibigan ko sa pagluto para sa handa. Nag chat na din ako na papunta na ako kaya buhay na buhay na naman ang gc namin. Hindi ko nalang sinabi na may kasama ako. Nag chat nalang din ako kay H na pupunta nga ako kina Zandara. Wala naman itong nagawa kaya matutulog na daw ito. Pinaalalahanan lamang ako na wag magpagabi ng masyado. Dumaan kami sa Goldilocks para bumili ng cake. Iyong pinaka malaking dedication cake ang binili ko. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila Zandara pero ilang beses ko ng nakita sa personal ang nanay nito. Si Nanay Ine. Napaka bait at mapagmahal. Kahit baklita ang nag iisang anak ay hindi nito ikinakahiya. Proud na proud pa ito, maging ang tatay ni Zandara. Kahit matatanda na ang mga ito ay maligalig pa din kaga

