CHAPTER 2

1931 Words
"BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND" CHAPTER 2 "Did you hear me? Ang sabi ko na-miss mo ba ako mahal ko?" Humahakbang naman na ito palapit sa akin kaya kinakabahan na ako. "H-huwag kang lalapit." "Ilang years ng iniwan mo'ko, finally nakita narin kita ulit, natatandaan mo paba ang sinabi ko noon sa'yo?" "Oo lahat 'yon nasa isip ko parin lalo na ang paghihirap ko, kaya ngayon aalis na'ko mali lang ako ng pinuntahan." Palusot ko. "Mali ka ng pinuntahan? Pero umabot ka sa rooftop ng building ko? Nice joke. HAHAHA..." Tumawa naman ito ng malakas na halatang sarcastic. "Wala akong oras para sa'yo." Walang gana kong turan at tumalikod. Hahawakan ko naman na ang doorknob ng sumigaw ito. "Come back here babaeng para sa lahat!" Sigaw niya kaya agad akong humarap at sinampal siya na ikina ngisi nito. "Ulol ka! Hindi ako gano'ng babae." Sigaw ko. "Stop!" Sabay tulak sa akin at dinuro ako. "You have a no right to hurt me again, hindi na kita asawa para saktan ako!" Nanggagalaiti nitong sigaw. "Pero kahit ilang years na hindi ko makakalimutan ang sinabi ko sa'yo, na kapag nakita kita ulit magbabayad ka sa lahat ng sakit na binigay mo sa 'kin at ito na ang araw na 'yon, kaya hindi na kita pakakawalan." Madiin nitong turan habang umiigting ang panga nito. Hinawakan naman nito ang braso ko kaya tinulak ko din siya. "Don't touch me, you have a no right too to hurt me! Hindi. Na. Kita. Asa. Wa!" Madiin kong salita sa huli kaya nanlaki ang mata nito. "Aalis napo ako Sir. Celebastero." Nagpagpag naman muna ako ng damit. "Go ahead find a job, tingin mo my tatanggap pa sa'yo lalo na nakita ulit kita? Tingin ko wala na. HAHAHA..." Lumakad naman ito pabalik sa swivel chair niya at inikot-ikot iyon. Padabog naman akong naglakad palapit sa kaniya at tumuwad at hinatak ang necktie niya kaya nasakal ito. "f**k! Get off your hand on my necktie!" Agad naman my pumasok na bodyguard at my kasama pang babae na medyo katandaan na kaya medyo kinabahan ako. "Anong ginagawa mo kay boss?!" Sigaw ng babae. Tumuwad naman ako lalo para maabot ko ng tuluyan ang dulong necktie niya. "Ahh... a-ano inaayos ko po ang necktie niya mali kasi kaya nasasakal siya, pinapaaayos niya lang sa akin." Dahilan ko habang nakangiti, ng tignan ko si Knight pinaningkitan ko siya ng mata sabay tinodo ko sa dulo ang necktie kaya nasakal pa lalo si Knight kaya napaubo na ito habang namumula ang leeg. Deserve! "Aalis napo ako ma'am. Mali lang ako ng office na napuntahan." Tumayo naman ako ng tuwid at inayos ang bag ko. "Don't let her go, my atraso pa sa akin ang babaeng 'yan!" Tatakbo naman na sana ako ng nahawakan ng bodyguard ang pulsuhan ko. "Pakawalan niyo ko! Wala akong ginagawa sa boss n'yong panget!" Piglas kong saad. Naglakad naman ito palapit kay Knight kaya sigaw ako ng sigaw. "Bitawan niyo ko, mga hayop kayo! Ahhh!" "Ito na boss." Hinawakan naman kaagad ako ni Knight. "Good, now get out of my office!" Utos nito kaya naglakad na ang tatlong lalaki na naka-itim na polo at ang babaeng medyo katandaan. "Bitawan mo'ko, wala akong ginagawang masama sa'yo," "Wala nga, pero noon meron." "Ano bang kailangan mo sa akin huh? Para matapos na." Naiiyak kong turan. "Ikaw, ikaw ang kailangan ko, magbabayad kapa sa lahat ng ginawa mo sa akin." Sinampal naman ako nito ng napaka tunog, hindi pa'ko nakaka pag salita hinawakan nito ang panga ko kagaya noon 'yung huling away namin. "Mag move-on kana ang tagal na non! Mayaman ka 'diba bakit hindi ka bumili ng babae?" Natatawa kong turuan habang nahihirapan mag salita. "B-bitawan mo'ko, masakit!" Namimilipit kong boses dahil diniinan nito ang pagkakahawak sa panga ko. "Pero kahit napaka tagal na non nandito parin ang sakit na binigay mo!" Binitawan naman nito ang panga ko at sinampal ako ulit kaya napaupo ako, medyo nahilo ako don ah. "One hundred every fifteen and thirty ang sahod mo dito maging secretary lang kita." Malamig na turan nito. "Anong silbi ng malaking sahod mo kung grabi ang pahihirapan mo sa akin?! Sa'yo na 'yan, pwee." "Napaka-arte mo!" Naglakas loob naman akong tumayo at sinampal siya. "Bawi ko para sa dalawang sampal at pananakit mo sa akin." "Kulang pa 'yan sa lahat-lahat ng ginawa mo sa akin!" Namamaos kong sigaw. "Knight matagal na 'yon at matanda na tayo huwag kang mag stay sa nakaraan natin be matured, kaya please hayaan mona ako, nagmamadali na akong umuwi!" Pakiusap ko. "Hindi. Hindi ako papayag na gano'n ko nalang kakalimutan 'yon." "Matagal na tayong hiwalay at lahat ng paghihirap na gusto mo naasam kona, kahit wala ka pa'ng ginagawa, kaya huwag ka ng dumagdag pa." Umiling-iling naman ito. "Kalimutan mona naiintindihan mo? Ang intindihin mo ang sarili mo ang future mo hindi 'yung nangingialam ka! Tahimik na ako, hindi naman na kita ginugulo kaya hayaan mona ako!" "Okay na'ko—" "Pero ako hindi, naiintindihan mo ba? Hinding-hindi ako magiging okay hanggat hindi ka nagdurusa. At hindi ko rin makakalimutan ang ginawa mo! Niloko mo ako at ang paraan ko para parehas tayong magdusa, pahirapan ka!" Nanggagalaiti nitong sigaw. Napapikit naman ako ng basagin nito mismo sa harapan ko ang medyo kalakihang vase. "Ahhh!" Tili ko ng magbasag ulit ito hindi naman ako makagalaw dahil nakapikit ako kapag dinilat ko ang mata ko baka mapasukan ang mata ko ng bubog at ito pa ang sanhi ng pagkabulag ko. Ilang sandali lang wala na akong naririnig na pagbabasag at wala naring tao sa office kaya nakahinga ako ng malalim. Tatayo naman a sana ako ng my naramdaman ako na medyo mahapdi ang banda sa braso ko ng tignan ko my dugo kaya agad kong pinunasan ito at tumayo. Nasaan na siya? Bakit ko nga ba siya hinahanap eh mabuti pa nga 'yon para maka-alis na'ko. Tumayo naman ako at agad kinuha ang bag ko na my lamang mga resume. Nilibot ko naman ulit ang office na iiyak ako dahil pati plano ko sa office ganon din ang kulay ng mga dingding my design. "Ako na ang masayang ex-wife dahil kahit hiwalay na kami tinuloy parin niya ang plano namin noon na itatayong building pero siya na nga lang mag-isa." Bulong ko at naglakad na palabas ng office. Nang makalabas ako ng building naghanap ako sa mga katapat na building pero lahat sila tinatanggihan ako ewan ko ba kung bakit. "Ma'am, w-wala na kasi my nahanap napo kani-kanina lang pasensya na." Paumanhin ng nag i-interview. "Okay lang po ma'am, sige po aalis na ako." Nakipag shake hands naman muna kami bago ako tuluyan umalis. Habang naglalakad ako papunta sa ibang building nakasimangot ako."Bakit lahat nalang tinatanggihan ako? Dahil siguro kay Knight 'to!" Usal ko. Napatingin ako sa katabi ko na lalaki na lagi kong nakakasabay o minsan nakikita ko sa mga pinupuntahan kong building na a-apply-an. Sakto naman na napatingin sa akin ito kaya pansin ko kinakabahan ito at nagmadali tumawid, sinundan ko naman siya. Nang akmang kakanan ito sa isang skinita hinawakan ko ito sa damit. "Bakit mo'ko sinusundan? Tauhan ka siguro ni Knight kaya sinusundan mo'ko at dahil sa'yo hindi ako tinatanggap kahit hiring naman!" Sigaw ko kaya pansin ko kabado ito. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo, sumasakto lang na kung saan ka doon din ako. My binibigay kasi akong papeles sa mga building. Aalis na'ko miss." Mabilis naman itong naglakad kaya napakamot ako sa ulo. "Jusko, hindi ako makahanap ng trabaho, paano na 'yan? Ang anak ko nilalagnat pa." Nangingilid naman ang luha kong pumasok sa isang hiring na building. Papasok naman na ako ng elevator ng makita ko na naman ang lalaki na naka-jacket napatingin din ito sa akin pero tuluyan na s'yang nakapasok ng elevator. Saglit akong natigilan pero agad din akong pumasok sa elevator ng bumukas na ito. "Anong floor ma'am?" "Sa eight floor po." Pinindot naman na ni ate sa elevator ang botton 8 kaya nagsarado na ang elevator. "Thank you po." Pasalamat ko bago ako lumabas ng elevator at naglakad. Papasok palang ako sa interview ng kakalabas lang ng lalaki na nagmamadali kaya tinignan ko nalang ito hanggang sa nawala sa paningin ko. Lumiko siya sa isang palikuan. Huminga naman ako ng malalim at kumatok ng dalawang beses. "Pasok." Saad ng lalaki. "What do you need miss?" Nakangiti naman ito kaya tuluyan na akong pumasok. "My naka sulat po kasi sa baba ng need niyo ng mga tauhan, mag a-apply po sana ako." "Na'ko pinatigil na muna ng CEO ng building ang pagpapapasok ng mga tauhan, pasensya na. Balik ka nalang siguro sa linggo." Hindi naman na ako nagduda dahil lagi naman ganto ang mga dahilan nila. "O-okay po, salamat." Pinipigilan ko naman na hindi mautal dahil naiiyak na'ko. "Pasensya na talaga ma'am." Habol pa nito kaya ngumiti ako at lumabas na ng office. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Naglalakad naman ako papuntang building ni Knight habang nakayuko dahil umiiyak ako. Pagod na'ko, pagod napagod na, namo-moblema pa'ko sa kundisyon ng anak ko. Nang nasa tapat na ako ng office ni Knight pabalagbag ko itong binuksan kaya pansin ko napatingin si Knight sa akin habang nakangisi pero nawala 'yon ng makita n'yang umiiyak ako. "Hayop ka! Wala kang awa." Hagulgol ko. "Gusto ko lang naman makahanap ng trabaho para makauwi na'ko, kailangan ako ng—" hindi ko naman na tuloy dahil naalala ko kung sino ang nasa harapan ko. "Nang kaibigan ko." "Accept my offer Ms. Xyrille makakauwi kana kaagad. Huwag mo na nga kasing ipilit na maghanap ng ibang trabaho, hindi na nga kasi kita pakakawalan, maghihirap kapa sa akin." Walanggana nitong turuan. Anong gagawin ko? Kailangan ko talaga ng trabaho, hindi ko mabibili ang mga gusto ng anak ko. King tatanggapin ko kasi grabi ang pahihirapan ko, pero kakayanin ko naman siguro. Kakayanin ko para sa anak ko. Bigla naman nag ring ang phone ko ng tignan ko si Vivian ito. "Fine, tatanggapin kona ang offer mopara makauwi na'ko." "Good, bukas ng seven dapat andito kana. You my leave now. Pwede ka ng makauwi sa asawa mo." "Wala akong asawa, nag madre na kasi ako dahil sa'yo!" Masungit kong turan sabay upo sa harapan nito. Kinuha ko naman ang kape nito na galing oang Starbucks. "Painom nauuhaw na'ko." "Hey, don't you dare—" hindi niya na tuloy dahil ininuman ko na. "Oops... sorry na inuman ko na, by the way thanks." Pang-aasar ko habang naka ngisi. "Leave!" Tinuro naman niya ang pinto. "Hindi mo ba ako i-interviewhin?" Ilalabas ko naman ang mga resume ko ng padabog itong umupo. "Hindi na kailangan, hawak ko dati ang mga resume at birth certificate mo, tyaka kilala na kita matagal na, lalo na ang katawan mo kaya bakit pa kita i-interviewhin?" Nagtaas naman ito ng isang kilay sabay ayos ng necktie. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. "Manyakis!" "Parang hindi ka naman nasanay sa mga sinasabi ng mga lalaki mo." Tumawa naman ito at kinalampag ang lamesa. "Ulol ka talaga, ikaw lang ang lalaking manyakis! Uulitin ko hindi nga ako babaeng para sa lahat! Ang kulit mo!" Sigaw ko. "Fine, sabi mo eh." Inikot naman niya ang upuan at hinilot ang sintido. "Now get out of my office, baka my naghahantay na sa'yo. At ayoko na ng maingay sumasakit lalo ang ulo ko. Kanina pa 'tong umaga ewan ko ba, nag-iba bigla ang pakiramdam ko." Medyo bumilis naman ang t***k ng dibdib ko dahil piling ko nararamdaman niya ang nararamdaman ng anak kong si Argus. Anak niya nga talaga si Argus. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD