CHAPTER 1

2525 Words
"BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND" CHAPTER 1 *AFTER 5 YEARS* Yes nang mangyari 'yon paonti-onti akong nakaka-recover sa nangyari paghihirap ko noon. At ngayon masaya na ako kasama ang anak ko at kaibigan ko na lagi kong kasama at tumulong sa akin at nagpatatag sa akin araw-araw. "Mama, gising napo!" Sigaw ng anak kong 5 yeara old na si Argus Azi Madregal—Celebastero. Hindi ko kinakalat ang apelyido ng anak ko dahil sikat ito baka malaman ng mga Celebastero at kunin ang anak ko, kaya gamit na apelyido nito Madregal, kaibigan ko lang ang nakakaalam na Celebastero ang pangalan ng huling pangalan ng anak ko talaga. Kahit naman sinaktan nila ako hindi ko ikakait ang apelyido nila. Ngapala ang anak ko hawig na hawig ni Knight lalo na sa dimple palang niya kaya hindi mo maikakait na anak niya ito unang tingin palang, ang buhok nito katulad kay Knight ang mata nito na parang manika dahil sa haba ng pilik mata taas at baba nito. Ang mata nito na itim na itim pero kung tatapat sa ilaw o sa araw kulay brown ito na nakakahanga talaga. Nang gisingin ako ng anak ko agad akong naligo dahil aalis ako maghahanap ako ng trabaho, nahihiya na ako sa mga kaibigan ko ilang years na kaming binubuhay ng anak ko kaya oras na para ako naman mismo ang bumuhay mismo sa amin ng anak ko. Nakasuot naman ako ng business attire at pinaresan ko ito ng black shoes na 2 inch ang taas na bumagay sa akin. "Mama, you're so pretty." Argus said while he hug my legs. "Of course, saan ba namana ang baby ko? Syempre kay ma—Papa po sabi nila Tita!" Putol ng anak ko sa sasabihin ko na ikina tigil ko saglit. Nang matauhan pinantayan ko ito. "Who did say that to you? Kelan pa sinasabi sa 'yo 'yan? Tell me." Pinapakalma ko naman ang sarili ko sa bawat sambit, baka kasi matakot ang anak ko sa akin kapag tinaasan ko siya ng boses. "Tita Vivian po, she said that while I'm playing with her son po. They both said to me my father's look like me, kid version lang daw po ako." Konyo nitong turuan. "Humanda sa akin 'yang mga tita at tito mo, sinabi kona huwag magkwe-kwento tungkol sa lalaking 'yon." Usal ko at binuhat siya na kakatapos lang din magsuot ng nike shoes na black. I forgot to say he likes color black, lalo na sa mga damit kagaya ng tatay niya puro kulay ng damit itim kung my puti man puro polo at tuxedo lang else puro black na. "Where are we going po?" Tanong nito ng makasakay kami sa kotse na binigay sa akin noon ni dad na akala niya ay binenta ko pero nakatago lang ito sa garahe nila Vivian ng ilang taon at nilabas ko ito ng nanganak ako. "Kila tita mo, papabantay kita, maghahanap po muna si mama ng work para makabili tayo ng toy mo, gusto mo ba 'yon." Masayang turuan ko at pina-atras na ang kotse. "Yes mama, I want many a lots of toy, kagaya po ng kotse na di-remote!" Pumapalakpak naman ito. Napabusangot naman ako dahil hindi talaga niya mapigilan ang mag English kahit na tagalog na kami makipag-usap. Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yon! Napaka englishero niya nag e-english lalo na kapag nag-aaway kami noon. Namana tuloy ang anak ko kaya ngayon sumasakit ulo ko. Tapos ako sa pag-aaral pero jusko hindi ako kagalingan sa English. "Mama, I love you so much. Thank you for caring me simula pagkababy ko palang. And now you gave me what I want, so I give you a many a lots of kiss." Bigla naman ako nitong niyakap sa leeg at umupo sa kandungan ko kaya tinigil ko ang makina. Sinimulan naman na ako nitong halikan sa buong mukha ko kaya tuwang-tuwa ako na hindi ko malaman. "Mwahhh, mwahhh...." Matunog na halik nito sa magkabilang pisngi ko. "I love you mama ko. Promise mama, if something angry to you po tell me para hindi natin sila bati, ayaw natin sa kanila, ayaw!" Medyo masungit naman ito ngayon pero nakanguso ito. Pinisil ko naman ang tungki ng ilong niya. "Bakit ayaw mo sa mga taong galit sa akin, hmmm?" Malambing kong turuan. "Basta mama galit po ako sa taong my galit po sa'yo. Ayaw ko sa kanila bad sila. You're so kind mama kaya bakit sila magagalit 'diba?!" Sigaw niya habang nakasimangot. "Sabi ko nga ayaw natin sa kanila," pina-upo ko naman siya sa passenger seat at sinuotan ng seatbelt. "Let's go na, baka wala na akong mahanap na trabaho, sige ka wala ka ng toy." Pananakot ko pa. "Mama." Nakanguso nitong saad. "Joke lang po, halika na." Agad ko naman pinaatras ng tuluyan ang kotse ko at pinaandar na ng tuluyan papuntang bahay nila Vivian. May sarili na silang bahay matagal na nagbubuntis palang si Vivian pinapaayos na 'yon. Habang nasa byahe kami pansin kong iba na ang pakiramdam niya kahit kanina pa hindi ko lang pinapansin baka moody siya ganon. "Mama, can you please stop the car." Utos nito kaya nilingon ko siya. "Why?" Tanong ko at tinigil sa gilid ang kotse. "I feel I'm dizzy at nilalamig po ako kanina pa." Agad ko naman nilagay ang palad ko sa nuo nito pero hindi naman siya mainit, baka nasa loob ng katawan niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Okay kalang ba? Ano pang masakit sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong habang pilit pinapakalma ang sarili. "I'm okay po mama, so don't worry about me, masakit lang po ang lalamunan ko at nilalamig po ako." Niyakap naman ako nito kaya kinuha ko sa backseat 'yung benten na bag nito at kinuha ang itim na jacket at agad pinasuot ito dahil nanginginig na siya. "Hindi ka naman mainit pero nilalamig ka at masakit lalamunan mo. Baka nasa loob ng katawan mo, mamaya pag-uwi ni mama papa-check-up tayo." Nangingilid naman na ang luha ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko, sa ilang beses niya ng nagka-lagnat ngayon lang siya nag kasakit ng ganito. Nasa loob ng katawan ang lagnat niya. "Beh, pabantay naman sa anak ko nilalagnat kasi siya." Agad ko naman hinalikan sa nuo ang anak ko. "Anong nangyari bakit nilagnat?" Binigay ko naman si Argus kay Vivian kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Aalis kasi ako maghahanap ako ng trabaho, nakakahiya na kasi, ilang years niyo na kaming binubuhay ng anak ko." "Na'ko, hindi nakita pipigilan dahil desisyon mo naman lalo na ngayon nag-aaral ang anak mo." Hine-hele naman ni Vivian ang anak ko. "Mamaya kausapin mo siya kung papasok siya sa kindergarten, kung ayaw at hindi kaya huwag mo ng papasukin, isang beses lang naman siya a-absent." Todo tango naman ito. "Sige na umalis kana para maaga kang maka-uwi at mabantayan mo ang anak mo." Tinapik naman ako nito. "Kumalma ka andito ako babantayan ko ang inaanak ko, baka sa kakaganyan mo hindi ka makahanap ng trabaho." Pagpapakalma nito a akin. "Gusto ko man na alagaan siya kaso madami daw kasing hiring ngayong araw." "Sige na umalis kana gaga ka! Ako na bahala sa cute na baby argus na'to." Bigla ko naman naalala ang sinabi ng anak ko. "Hoy... hindi pa tayo tapos my pag-uusapan tayo!" Agad naman itong nag sink sa kaniya ang sinasabi ko kaya agad itong tumalikod. "Wala akong alam d'yan si Devi nagsabi non!" Sigaw niya at agarang umupo sa sofa. "Mamaya ka, pasalamat ka nagmamadali ako!" Sinarado ko naman ang pinto ng bahay nila at nagpara ng taxi. Hindi ko dadalhin ang kotse ko baka sabihin may kaya ako baka hindi ako tanggapin at hindi ko din alam kung saan ko rin ito ipaparada. "Kuya sa Ayala avenue nga po." Agad naman nitong pinaandar ang taxi kaya tumingin lang ako sa labas. Grabi ang daming magagandang building at tanawin. Nanlaki naman ang mata ko ng makadaan kami sa isang magandang plaza at my mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa palaruan. Parang maganda 'tong puntahan, matutuwa si Argus nito kapag napuntahan niya dito. Umayos naman ako ng upo ng maalala ko si Argus. Kailangan kong makahanap kaagad ng trabaho para makauwi na ako ng maaga. "Ma'am, andito napo tayo." Natigilan naman ako sa pag-iisip, nilibot ko naman ang paningin ko at tama andito na kami hindi ko namalayan. Tinignan ko naman ang harap nakita ko kung magkano ang babayaran ko 160 kaya kinuha ko naman sa bag ko ang wallet ko at nag bayad ng 200 pesos. "Keep the change po." Nakangiti kong turan. "Thank you po ma'am." Saad pa ni kuya driver bago ako makalabas ng taxi. Agad naman akong pumasok sa isang magandang building na my nakapaskil na hiring kaya napangiti ako. "Napaka swerte ko!" Masaya kong turan. Nang makapasok ako sa building agad akong nagtanong sa isang employee. "Miss, my nakapaskil kasi d'yan sa labas na hiring saang floor ba ang interview?" Tanong ko. "Nine floor ma'am kanan ka then my makikita kang nakapaskil na Interview room." Sagot naman nito sa tanong ko kaya todo tango ako. "Thank you miss." Tumango naman ito kaya naglakad na ako papunta sa elevator at pinindot ang botton 9. *TING* Tunog ng elevator at bumukas na ang pinto kaya agad akong lumabas at kumanan. Bawat lakad ko tinignan ko ang bawat pinto at tinitignan ko rin ang loob dahil glass wall lahat kaya kitang-kita sa loob ang mga employees na napaka busy. Natigilan naman ako ng nakatia ako ng 'Interview room'. "Ito na siguro 'yon." Nabuhayan naman ako kaya tumayo ako ng maayos at kumatok. "Come in! Bukas 'yan." Sigaw ng isang babae kaya dahan-dahan kong binuksan ang itim na pinto, sumilip naman muna ako nakita ko ang babae na medyo katandaan na. "Pasok, hija. Ano ang kailangan mo?" Nakangiti nitong turuan kaya pumasok ako ng tuluyan at sinarado ang pinto. Lumakad naman ako palapit sa kaniya. "My nakapaskil po kasi sa labas ng building na hiring," Tumayo naman ito at tinapik ako. "Nako hija nahuli kana, my nahanap na kaming employee." Medyo nanlumo naman ako pero ngumiti lang ako. "Gano'n po ba." Bakit kasi my nakapaskil pa meron na pala, pinaasa pa'ko. "Pero sa kabilang company na katabi nito na napaka ganda at unique na ngayon mo lang makikita na design, alam ko naghahanap sila ng secretary kaka-alis lang kasi ng secretary dahil sabi sa akin umuwi na ng probinsya, nga pala medyo masungit ang CEO pero sulit dahil malaki ang sahod. Mayaman ang may-ari, mga pang lima na nga nilang company 'yan," "At ang alam ko andyan ngayon ang CEO, kaya dalian mo na baka mahuli ka na naman!" Taranta nitong turuan kaya agad akong naglakad sa pinto. Pero napabalik ako ng ma-curious ako sa sinabi nito. "Anong bagong designs po na kinu-kwento niyo?" Takang tanong ko. "Ibig kong sabihin ang ganda ng nag-isip ng building na 'yon, iyon na nga ang pinaka magandang building dito at kilalang-kilala dahil sa ganda, ang pagkaka-alam ko nung i-ninterview nga siya sinabi nito na ang nag-isip non ay ex-wife daw niya at ang CEO ang nag-isip ng design ng building. Ang galing nga eh, kahit hiwalay na pinatayo parin daw 'yon, halatang mahal na mahal talaga nito ang asawa noon, kaya nga siguro naging masungit dahil sa nakaraan nilang mag-asawa." Pag kwento pa nito kaya nakinig talaga ako, medyo nalungkot naman ako sa kwento. "Ganon ba grabi ang galing naman, pinatayo parin." "Ayy... jusko hija daliaan mo na sayang ang malaking sahod!" "Ay... oo nga po pala, thank you po ma'am!" "Na'ko Demi nalang itawag mo sa akin hanggang sa muli, good luck!" Sigaw niya kaya agad kong sinarado ang pinto, dahil sa tuwa ko na malaman na malaki ang sahod todo lakad at takbo ang ginawa ko palabas ng company. Nang makalabas ako agad kong tinignan ang katabing company nito na napaka-taas mas mataas pa sa building na pinasukan ko. Natigilan naman ako ng tignan ko ng tuluyan ang buong building at pansin ko ang mga kulay at design medyo familiar sa akin lalo na ang mga bintana na napaka ganda, ito 'yung tinuro ko noon na gagamitin sa bintana ng buong company. "Totoo ba ang nakikita ko? Ang ganda!" Itong ito noon 'yung pinangarap naming design ni Knight nung nagbalak kami na mag-partnership sa itatayo naming company pero hindi na tuloy dahil sa nangyari kaya siguro binenta niya ang design na naiisip namin noon at ito na 'yon nasa harap ko mismo. Huminga naman ako ng malalim bago pumasok sa company. Bumati naman ang guard ng building kaya bumati ako pabalik at lumapit sa isang babae na nasa counter. "Miss, hiring paba ang secretary?" Agad naman sumilay ang tuwa sa babae na medyo matanda sa akin. "Yes ma'am hiring pa, ang swerte mo dahil sakto andito ang CEO, akyat ka sa fifty floor 'yung pinaka rooftop ng building, hanapin mo ang 'CEO Room' katok ka ng apat o tatlong katok, bawal daw kasi 'yung dalawang katok, pinagbabawal dito sa amin." Payo pa nito kaya ngumiti ako. "Thank you miss." Naglakad naman na ako sa medyo kalayuan na elevator. Nang makapasok agad kong pinindot ang nakasulat na 'rooftop' Habang hinahantay na bumukas ang elevator medyo nag-alala ako dahil kapag kumakatok kasi ako dalawang beses lang hindi lumalagpas ng tatlo o apat. *TING* Agad naman akong lumabas at nilibot ang paningin. Dahil familiar nga sa akin ang building at alam ko parin ang naisip kong plano noon na napaka hawig sa building na ito, sa kaliwa ako naglakad dahil 'yon ang plano ko no'n, dahil sa kanan naman meeting area. Ilang hakbang lamang ay andito na ako sa dalawahang pinto kaya huminga ako ng malalim at kumatok ng dalawang beses na ikina laki ng mata ko. Shit! Mali ako, ang tanga ko! Agad naman akong pumasok ng office kahit walang sinasabi dahil nataranta ako, bigla kasing my kumalabog na lamesa, ayokong mapahiya sa labas. "Hello po, sorry mali po 'yung katok ko, nasanay lang po kasi ako na dalawang katok lang." Nakayuko kong turan. "Why are you here? What do you want? Me?" Malamig na boses nito na medyo familiar. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito sa dulo. Kapal naman niya. Nag-angat naman ako ng tingin nakita kong nakaupo ito sa swivel chair na itim pero hindi ko makita dahil nakatalikod. Binasa ko naman ang nakasulat na pangalan ng CEO. Nanlaki ang mata ko habang binabasa ang pangalan. 'Knight Azriel Celebastero' "W-wala po sir, mali lang ng building." Utal ko ng tatalikod na'ko humarap siya na ikina tigil ko. Nako patay na, nakita niya na ako. "Sabi na ikaw 'yan eh... kilala ko ang lakas ng katok mo, na hindi nagbago." Nakangisi naman na ito kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Did you miss me, mahal ko?" Tumayo naman itong nakapamulsa. Nang tignan ko ang buong katawan niya para I confirm kung siya talaga natigilan naman ako sa braso nito. Siya nga talaga, sa tattoo palang nito sa buong braso alam ko na. Ang laki ng pinagbago niya ang katawan niya mas lalong lumaki at tumangkad pa ito ang mukha naman nito mas naging matured at naging pogi na kamukhang kamukha ni Argus. TO BE CONTINUE _________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD