Hapon na nang makauwi si Eila ng bahay. Isinabay na rin siya ng kaniyang Tita Gen at hinatid hanggang sa kaniyang bahay. Nagbihis lang siya bago nagluto ng panghapunan. Dahil mag-isa, maaga siyang kumakain. Matapos magluto at kumain ay naglinis naman siya ng bahay. Abala siya ng nakalipas na ilang araw kaya halos hindi siya nakakalinis ng bahay.
Ito na ang routine niya sa nakalipas na ilang taon na naninirahang mag-isa. Naaalala pa niya noon na hindi pa siya gasinong maalam maglinis. Mabuti na lang at may alam na siya pagluluto dahil madalas na siya sa kusina noong nasa mansion pa. Hindi nga lang ganoon kasarap dahil simula pa noon ay baking na ang forte niya.
Nang matapos maglinis ay dumiretso siya sa paborito niyang spot—ang munting teresa sa harap ng kaniyang bahay. Bitbit ang mainit na kape at ilang pirasong cookies na tira pa sa binake niya noong nakaraan ay tumungo siya roon. Kahit nakakain na siya, gusto pa rin niya magkape. Coffee is life ika nga.
Tahimik siyang naupo sa inilagay niyang table set sa teresa.
May mga halamang nasa paso rin siyang inilagay sa mga gilid para magkakulay ang paligid. Unti-unti rin siyang natutong magtanim kaya naman ang munting bakuran niya ay may mga halamang namumulaklak. Sinubukan niya ring magtanim ng mga gulay sa gilid ng bakuran. Heto nga at sa loob lang ng ilang araw ay may mapapanguha na siyang mga talong, okra, kamatis, at kalabasa. Natutunan niya naman iyon kay Mang Jun, isa sa janitor ng school. Ito rin ang nagbibigay sa kaniya ng mga pananim at punla. Kung minsan pa’y ipinagbubuhay na siya nito sa paso para ilalagay na lang niya sa bakuran niya.
Ito ang madalas na dahilan kaya sinasabi ng ibang estudyante ng AllyRose na anak siya ng janitor. Gayunman, wala siyang pakialam. Sa halip, napatunayan niya na kung minsan, mas mabubuti pa ‘yung mga simpleng tao kesa sa mayayayamang tao. Hindi naman niya nilalahat pero hindi niya mapigilang magkumpara.
Habang nagkakape ay nagdala siya ng libro at doon nagbasa. Para sa kaniya ay tila langit na iyon. Tahimik at payapa. Hindi niya kailangang mag-mall o mag-travel kung saan-saan para lang maging masaya. Though it's joyful to do, she found profound happiness in doing simple things.
May ilang minuto rin siyang nakaupo roon nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon ay may natanggap siyang mensahe mula kay Lyza.
‘Eila, do me a favor, please. Can you please bake me a chocolate cake? A two-tier. ‘Yung ginawa mo para sa akin dati. Kailangan ko lang tomorrow. Pleaseeee… Kailangan ko lang talaga. ??’
May naiyak pang emoji ang dulo ng message nito kaya alam ni Eila na kailangang-kailangan iyon ni Lyza.
Nireplyan niya ang message nito. “Sure… Pero bakit biglaan?”
‘Mahirap ipaliwanag. I know may kasalanan na kaagad ako sa’yo… ??’
Medyo naguluhan si Eila pero dahil malapit na ang loob niya kay Lyza, hindi na siya nagpakatanong. “I don’t get it pero pagbe-bake kita. Bukas na lang tayo mag-usap kapag kinuha mo ang cake. Lalabas lang ako para bumili ng ilang ingredients.”
‘Ohhhh. Thank you so much, Eila. Napakaswerte ko talaga sa’yo.??’
“No worries,” she replied back.
Hindi na sumagot si Lyza. Inubos na ni Eila ang kape at cookies bago naghanda para lumabas. Alas-sais pa lang naman. Bukas pa ang ibang grocery store.
Naglakad si Eila palabasan bago doon sumakay ng tricycle papuntang bayan. May mga jeep namang dumaraan pero dahil nagmamadali siya, naisipan na lang niyang mag-tricycle. Wala siyang balak mas lalong magpagabi sa daan.
May inabot pa siyang bilihan sa bayan. Mabilis siyang nakapamili pero mahaba naman ang pila sa cashier. Siguro dahil Friday na kaya dagsa ang mga tao. May magluluto pa ng hapunan. 'Yung iba parang may kasiyahan sa bahay base na sa nakita niyang mga basket ng alak at junk foods.
Mga aalas-otso na ng gabi nang makalabas siya ng grocery store. Hindi naman karamihan ang binili niya pero sobra siyang nagtagal sa pagbabayad.
Dali-dali siyang pumunta sa abangan ng jeep pauwi pero napakadalang naman ng mga dumadaan. Marami ay puno nang sakay at humahagibis pa sa bilis. Ilang minuto pa ang mabilis na dumaan pero wala pa ring jeep. Tumingin siya sa paradahan ng mga tricycle pero halos maubos ang pila dahil sa dami nang sumasakay.
Naghintay-hintay pa si Eila.
Pero, after two minutes...
Five minutes...
Nine minutes...
Hanggang…
'Oh Geez... 8:30 na... Kailangan ko ng makauwi kaagad.'
Iisang paraan na lang ang natitira para makauwi kaagad siya. May shortcut malapit sa Allyrose papunta sa bahay niya. Medyo madilim pero iyon na lang ang best way para makauwi kaagad siya.
Sighing, Eila started to walk away from the jeepney stop.
*****
After ten minutes of walk...
Tama ang hinala ni Eila. Madilim ang daang iyon. Kung may ilaw man hindi gaanong maliwanag. Bukod sa aandap-andap pa ang ilaw ay sobrang layo-layo ang mga lamp post. Tila ba bigla na lang iyong mamamatay at makukulong ka na lang sa dilim ng gabi.
Bigla ang pagragasa ng kilabot sa buo niyang katawan nang ma-realize kung gaano kadilim sa paligid. Pakiramdam niya'y nanindig lahat ng balahibo sa katawan niya at may kung anong sumasakal sa kaniya.
Ayaw niya talaga sa dilim. Para siyang sinasakal. Para bang bigla na lang may lilitaw sa harap niya para kunin at saktan siya. O baka kapag nadapa siya hindi na siya makatayo pa.
Yakap ang sarili, binilisan ni Eila lang ang paglalakad pabalik. Kailangang makauwi siya agad. Kapag nakauwi na siya, makakasigurado siyang safe siya at masisimulan na niya ang cake ni Lyza.
Hindi niya pwedeng ma- disappoint sa mga oras na iyon si Lyza. Malaki ang paghanga nito sa cake na ginagawa niya. Nangako pa ito na
Mas dinoble ni Eila ang bilis sa paglalakad. Ilang minuto pa at natanaw niya na ang mataas na puting bakod ng AllyRose. Naaamoy niya rin ang humahalimuyak na mga bulaklak.
Napapikit si Eila. Iba talaga ang hatid ng amoy ng mga bulaklak. Nakaka-relax. Sandaling napawi ng amoy ng bulaklak ang takot na nararamdaman niya.
Naalala pa ni Eila noong unang beses siyang pumasok sa paaralang ito. Akala niya flower farm o isang flower park ang lugar. Iba't ibang klase ng bulaklak at halaman ang nakatanim. May mga rosas na hindi niya akalaing pwedeng mabuhay sa ganoong lugar. May mga hybrid teas, floribundas, grandifloras, at mga minature rose climbers.
Kahit sa disenyo ng mga benches at table, kuha mula sa nature. At kahit pa ang kulay ng building, idea mula sa nature o kaya ay sa kulay ng mga rosas na nakatanim dito. Tunay na maganda dito. Lalo na kong panahon ng pamumukadkad.
She couldn't help but sigh with relief. Nang buksan niya ang mga mata ay mawala na ang takot na nararamdaman niya.
Nasa tapat na rin siya ng paaralan kaya naman mas lalong nangingibabaw ang amoy ng mga bulaklak. Tinanaw niya ang lalakarin pa. Konti pa makakauwi na siya. Ten to fifteen minutes ay nasa bahay na siya.
Akmang hahakbang muli siya ng...
"Miss, saan ang punta mo?" wika ng isang tinig dahilan para matigilan siya sa paglalakad.
'Oh my...’ A familiar feeling crept in inside her.
“Madilim diyan. Hindi ka ba natatakot?”
Nakumpirma ni Eila na siya talaga ang kinakausap ng mga ito. Naninigas ang leeg na lumingon siya.
Hindi iisang lalaki lang ang nakasunod sa kaniya kundi apat pa! Ang dalawa ay may katandaan na at ang dalawa pa ay tila kaedaran lang niya. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.
"Baka gusto mong samahan ka namin,” nanunuksong tanong ng mas bata.
"Mas masaya kung madami,” saad naman ng isa pa.
‘Oh God. Help me.’ Lihim na dasal ni Eila.
Napalunok siya nang mapagmasdan ang apat na lalaking ngayon ay nasa harapan niya. Tila mga asong gutom ang mga ito na handa siyang lapain.
"Sino kayo? Anong kailangan ninyo?" pilit pinatatatag ang boses na tanong niya.
Nagngisihan lang ang mga ito.
Ang namumula-mulang mga mata ng mga lalaki ay palatandaang wala sa tamang katinuan ang mga ito. Anumang sabihin niya ay mawawalang halaga lang. Lalo siyang inalihan ng matinding takot nang maisip ang maaaring mangyari.
Naninigas ang katawan na nagpalinga-linga siya. Nagbabakasakali na makakatagpo ng tulong. Ngunit sila lang ang tao sa daan iyon. Siya at ang apat na mga lalaking ito.
‘Oh God! Help me... What should I do?’
"Tayo lang dito,” anas ng isa sa mga lalaki.
"At kami lang ang kasama mo."
"Kaya magsasaya tayo..."
"Lalo na kami. Hahaha!"
Nanindig ang balahibo ni Eila sa sobrang takot. Para silang mga demonyong lumitaw mula sa ilalim ng lupa, at ngayo'y nasa harapan niya, nagtatawanan.
Nanginginig ang buong katawang umatras siya.
Kailangan niyang makalayo sa kanila. Tatakbo lang siya at hihingi ng tulong. Kapag nalagpasan niya ang daang ito, sasapitin na niya ang mga bahayan. Hindi na gaanong malayo roon ang bahay niya. May mga kapitbahay siyang pwedeng tumulong sa kaniya.
At magagawa niya lang lahat ng iyon kung magiging matapang siya. Kung hindi siya magpapadaig sa takot na nararamdaman.
‘But, geez... I already seen this. Bakit parang nangyari na ito sa akin?' bulong ng isip niya. ‘And I can’t move!’
*****
ShimmersErisJane