CHAPTER FIVE “Safe and Sound”

1439 Words
Sumisigaw ang isip ni Eila na tumakbo pero ayaw sumunod ng mga paa niya. Tila ba ipinako siya sa kinatatayuan niya dahil hindi na niya magawa pang gumalaw. “Mabuti iyan. Huwag ka ng magkamali pang tumakas. Mahahabol ka rin naman namin,” wika ng isa sa mga lalaki habang ngising-ngising nakatingin sa katawan niya. Hindi malaswa ang suot niya. Isang simpleng t-shirt at jogging pants ang suot niya pero madalas sabihin sa kaniya ng mga tao na likas siyang maganda at sexy. "Papagurin mo lang ang sarili. Ireserba mo na lang iyan,” saad naman ng isa pa. Muli ay nagtawanan sila. Nakakapangilabot ang mga halakhakan nila. Subalit hindi siya pwedeng magpadaig sa takot na nararamdaman. ‘Come on, please! I need to get out of here. I need to get away from them... Come on, Eila. Please, wake up!’ Dama ni Eila ang pag-init ng sulok ng mga mata niya na sinundan ng malakas na pag-agos ng mga luha niya. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng mga ito pero ang pamilyar na takot na nararamdaman niya ang nagpapahina sa loob niya. ‘Gaya noon, mag-isa lang ako. Apat sila. Anong magagawa ko laban sa kanila? Bakit ba lagi na lang akong nalalagay sa ganitong kalagayan? Bakit ba kailangang mangyari palagi ito?’ "Nakikiusap ako, maawa po kayo sakin." Naging garagal ang tinig niya. Umaasa siyang maaawa ang mga ito sa kaniya pero nagtawanan lang sila. "Tama ‘yan, umiyak ka. Mas magiging masaya ito." Umiling-iling si Eila. Alam niyang hindi sila makikinig sa pakiusap niya. She really needed to run. Inipon ni Eila lahat ng lakas ng loob sa dibdib. Pinilit niyang ipasok sa isip na kapag hindi siya kumilos, mapapahamak siya. Muli ay umatras si Eila. Tiningnan niya pa isa-isa ang mga lalaki at walang sabi-sabing tumakbo. Hindi siya lumingon kahit sandali. Ang tangi lang niyang nasa isip ay ang makalayo ako sa kanila, ang marating ang bahay niya. Humingi ng tulong at makatakas. “Habulin natin! Bilis!” sigaw ng mga lalaki. Mas binilisan ni Eila ang pagtakbo. Rinig niya ang paghabol ng mga lalaki. Parang mas tuwang-tuwa pa ang mga ito dahil habang tumatakbo ay humahalakhak sila sa tuwa. Tuwang-tuwa silang nakikitang takot na takot siya. "Hahaha! Walang silbi iyan! Mahahabol ka rin namin," sigaw ng isa sa mga lalaki. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Kahit pa halos maubusan na siya ng hangin at gusto ng bumigay ng mga tuhod at binti niya, hindi siya tumigil. Nang pakiramdam niya ay malayo na siya, bahagyang nabawasan ang takot na nararamdaman niya. Sinubukan niya silang lingunin upang masiguradong nakakalayo na siya… Na isang malaking pagkakamali! Hindi niya napansin ang mga batong nakahara sa daan dahilan para matalisod at madapa siya. "Ahhh!" Napahiyaw si Eila ng maramdaman ang sakit ng kaliwang binti. Hindi na sana niya iindahin iyon at tatayo na lang ng sunod niyang maramdaman ang masakit na paghila sa buhok niya. Isang malakas na hiyaw ang kumawala sa lalamunan niya. "Pinagod mo pa kami." Sinubukan niyang magwala at manlaban. “Pakawalan niyo ako! Maawa kayo!” “Manahimik ka,” bulyaw ng isa sa binatilyo na siyang may hawak sa buhok niya. “Ang ganda pala talaga niya. Parang anak-mayaman.” “Sinabi ko naman sa inyo. Tiba-tiba tayo ngayon.” Sa narinig ay mas lalong binalot ng matinding takot si Eila. “Tulong! Tulungan ninyo ako!” Nagsisigaw siya sa pagbabakasakaling makakahingi ng tulong sa sandaling may ibang makarinig sa kaniya. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na may darating na tulong sa kaniya. Minsan na siyang nalagay sa ganoong sitwasyon. Buong akala niya ay katapusan na niya pero may dumating na tulong. At umaasa siyang may darating rin ngayon. Hindi pa nakakabawi si Eila sa pagkabigla ay pinagtulung-tulungan na nila siyang buhatin. May humawak sa kamay at paa niya. “No! Let me go! Tulong!" Halos mapaos na si Eila sa kakasigaw habang parang isdang nagpapasag. Lalo pa siyang napasigaw nang pabagsak siyang binitawan sa may damuhan. Tumama pa ang likod niya sa maliliit na siit at matitinik na damo dahilan para lang lalo siyang mapaiyak. "Ang ingay na nito. Nakakasakit na ng tenga ang sigaw,” pagrereklamo ng isa. “Kapag ito hindi ito tu—” Pinutol niya ng malakas na sigaw ang mga sasabihin sana ng lalaki. “Tulong! Tulu—” Subalit kaagad ring naputol ang pagtatangka niyang pagsigaw ng isang malakas na suntok ang tumama sa sikmura niya. Hindi pa nasiyahan ang hindi nakikilalang lalaki sa isang suntok, inundayan pa siya nito ng isang malakas na sampal sa magkabilang pisngi na sandaling nagpawala ng inhibisyon niya. Nalasahan niya ang sariling dugo sa labi. “Tama na iyan. Masamang magkalatay iyan.” “Nakakainis eh. Napakaingay,” inis na ani ng sumampal sa kaniya. “Hayaan mo na. Wala namang makakarinig sa kaniya rito.” Lahat ng iyo’y malabo na sa pandinig ni Eila. Pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid niya. Ang konting lakas na natitira sa kaniya ay tila naglaho na rin. Ang tanging naiwan ay ang mga sakit, lungkot, takot at kawalang pag-asa. ‘Bakit parang nangyari na ito?' Pero sa pagkakataong ito, wala ng tutulong at sasaklolo sa kaniya. Hindi gaya noon. Mag-isa na lang siya ngayon. Sinubukan niyang paglabanan ang panghihina ng katawan at unti-unting pagsasara ng talukap ng mga mata. Subalit ang katawan at isip niya na ang kusang umayaw. Ang tanging alam niya na lang ay may tila gabing sumakop sa kaniya. Nasundan iyon ng ingay ng mga nabasag na kung ano at mahihinang putok. Ramdam niyang umangat siya pero tuluyan na siyang iginumon ng panghihina. ***** Hindi na matandaan ni Logan kung kailan siya huling nakaramdam ng matinding galit na gusto niyang tumapos ng buhay. He couldn't even remember when was the last time he almost killed someone just because of somebody. What he remembered was, he rather be behind those filthy bars than to see her lying unconscious on the cold concrete. And da*n it! Seeing her like that. Logan needed to get a grip at himself before he totally lost it... ***** It hurts. It freakingly hurts. Halos lahat na ata ng bahagi ng katawan ni Eila ay masakit. Masakit ang likod, binti at braso niya. Dumagdag pa na parang nangangapal ang magkabilang pisngi niya. She tried to move and open her eyes. Everything was dark and empty. She closed her eyes again. ‘Nasaan na ba ako? Ito na ba ang impyerno? Wala na ba ako? O iniwan nila ako sa damuhan? Sa daan pagkatapos ng lahat?’ Umagos ang masaganang luha sa mga mata ni Eila. ‘Bakit nangyari ito?' Muli ay nagmulat siya ng mga mata. Sinubukan niya ring kumilos. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. Kailangang may gawin siya. Natigilan si Eila sa pagkilos nang unti-unting naaaninaw ang kisame. Pinahid niya ang mga luha sa mata. Kahit madilim ang paligid, naaaninaw pa rin niya ang paligid. May nakikita siyang mga cabinet at mesa hindi kalayuan sa kinahihigaan niya. Malambot rin ang kinahihigaan niya. Dala ng realisasyon, napabalikwas siya ng bangon sa kabila ng bigat na nararamdaman. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Patay ang ilaw at tanging ang munting liwanag na nanggagaling sa labas na pumapasok sa bintana ang nagbibigay liwanag sa silid. Hindi pamilyar sa kaniya ang silid na iyon. ‘Nasaan ako?’ Bumaba siya mula sa kama habang pinakikiramdaman ang sarili. Wala siyang ibang nararamdamang masakit maliban sa likod, braso at binti. Naglakad siya patungo sa may pinto nang mapatapat sa isang malaking salamin. Sa tulong ng mumunting liwanag mula sa labas, naaninaw niya ang sariling repleksyon. Halos manlaki ang mga mata niya nang mapansin ang suot na damit. Malaking t-shirt lang at wala ng iba pa. Pinakiramdaman niya ang dibdib. She still had her bra. Bahagya niya ring itinaas ang shirt. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakasuot pa rin siya ng underwear. Pero ang tanong, nasan siya? Ano bang nangyari? Nahigit niya ang paghinga sabay baba ng shirt ng makarinig ng mga yabag na papalapit. Tulirong umikot ang tingin niya sa paligid, nagbabakasakaling makakahanap ng maiipamproteksyon. Naglalakad siya pabalik sa kama upang magtago nang bumukas ang pinto. Pumasok ang liwanag na nagmumula sa labas. Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Nanginginig siyang napaurong sa kama kasabay nang pagbuhay ng ilaw. Kumalat ang liwanag sa buong silid at nakilala niya ang lalaking pumasok. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusang nagbagsakan ang mga luha sa mga mata ni Eila. Hindi siya sigurado. Hindi niya lubos na kilala ang lalaki. But a familiar feeling washed over her. Someone saved her again. Again, she’s out of danger. She’s safe and sound. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD