The moment the door went open and the light flashed inside the dark room, Eila’s heart began to jump out of her chest. She knew by that time that it’s her end.
But all of these thinking flew away the moment she saw her the man who opened the door.
But what bizarre was, habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha ay kakatwang unti-unting napapayapa ang dibdib niya.
"You're awake." Eila heard him said.
Habang sinasanay niya ang mga mata sa liwanag ay mas napagmasdan ang pamilyar na lalaki. Hindi nga siya maaaring magkamali, ito ang lalaking nakita niya sa AllyRose.
“It’s you,” bulong niya habang titig na titig sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala na ito ang magliligtas sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki habang matiim ang tingin sa kaniya.
“You’re Mr. Kyde, right?” naninigurado niyang tanong. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ang binata.
“Do you know me? Or even remember me now?” Umaliwalas ang mukha nito habang nagtatanong. Hindi rin nito inaalis ang pagkakakatitig sa kaniya.
Sa kabila ng mga luhang isa-isa niyang pinapalis gamit ang likod ng palad, ngumiti siya. “Yes. Nagkita na tayo sa school, sa AllyRose. That’s where I first saw you.”
Buong akala ni Eila ay tatango ito at ngingiti sa kaniya pero sa isang iglap ay nawala ang maaliwalas nitong mukha. He blinked then remained staring at her, watching every inch of her face. Para bang may hinahanap ito sa kaloob-looban niya at nang hindi nito makita ay tuluyang napalitan ng kaseryosohan ang mukha nito. “That’s not what I’m talking about,” Logan declared quietly.
May kabang gumapang sa dibdib ni Eila.
'Mali ba siya ng inakala? Hindi ba siya nito iniligtas?'
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Hindi mo ako naaalala?” Humakbang ng dalawang beses palapit sa kaniya ang lalaki. “Take a look.”
“Naaalala? Yes. If I’m not mistaken. H-hindi ba’t ikaw si Mr. Kyde? Nagkita tayo sa school dati. Doon sa office ni Mr. Guanco. Nabangg—”
“Stop it. Hindi iyan ang ibig kong sabihin.” Putol nito sa mga sasabihin niya. Itinaas pa nito ang kanang kamay na para siyang isang bata na sinasabihang tumigil. “Stop calling me Mr. Kyde. Just call me Logan.”
“L-logan?” Tinitigan niya ang gwapong mukha ng binata. Kung gaano ka-fierce ang features ng mukha nito, gano’n rin ka-manly ang pangalan nito.
“Wala ka ba talagang naaalala?” Muli ay tanong ni Logan.
Nagsisimula nang maguluhan si Eila kung anong ipinapaalala sa kaniya ng binata. Naiyuko niya ang ulo, pilit iniisip kung may nakaligtaan ba siya.
‘Hindi kaya…’
Tiningala niya ito. “Hinahabol ako ng mga lalaki kagabi. They tried to do something at me. You saved me, right?”
Hindi tumugon si Logan. Tinitigan lang siya nito na para bang binabasa siya. Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita ito sa mapanganib na tinig. “Don't remind us of those jerks last night."
Natigilan siya sa sinabi nito. Mukhang malaki ang galit nito sa mga lalaki kagabi. Pero naguguluhan siya.
Anong ipinaaalala nito sa kaniya?
Bakit galit na galit ito?
Wala sa loob na inilibot niya ang tingin sa silid. Sa unang tingin ay marangya ang silid. Kung hindi man siya nito iniligtas, imposible namang isa itong… Namimilog ang mga matang niyakap niya ang sarili. Dahan-dahan siyang napaurong patungo sa kama.
‘Pero, paano kung sangkot pala sa human trafficking pala ito? Paano kung iyon ang dahilan kaya sabi ni Tita Gen ay mapanganib ito?'
“At ano namang ibig sabihin niyan?” Lalong nagsalubong ang itim na itim na kilay ng binata. Nagtataka marahil sa reaksyon niya.
“Kung hindi mo ako iniligtas, bakit ako narito?”
Logan stared at her for a beat before he muttered, “D@mn! Ano bang iniisip mo? Na ako ang may gagawin sa’yo?”
Napalunok siya kasabay nang pagluwag ng yakap sa katawan. “I don’t mean anything.”
Logan sighed. “The last thing I'll do is to harm you,” naiiritang anito.
Si Eila naman ang natulala. Bakit parang kakaiba ang dating sa kaniya ng mga salita nito?
“Hell. Nevermind,” he groaned frustrately. “Just tell me, you want or need anything?" He asked quietly, cutting her off from ruminating why he seemed irritated.
Eila bit her inside cheek. Pansin niya ay napakadaling magbago ng mood ng lalaki. Huminga siya nang malalim at sinabi rito ang kailangan.
*****
“Pumunta ka na sa bathroom. I'll send someone here para dalahin ang mga kailangan mo.” Those were the last words that Logan left before he exited the room.
Ni hindi niya nagawang magpasalamat dahil nakaalis na kaagad ito.
Nanghihinang napaupo sa gilid ng kama si Eila. Napapatulala na lang siya sa kawalan. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lahat. Lumabas lang siya para bumili ng kailangan para sa cake ni Lyza at heto na.
“Oh, why it is happening to me?” bulong niya sabay subsob ng mukha sa dalawang palad.
Ilang sandali siyang nasa ganoong posisyon bago nag-decide tumayo at hinanap ang bathroom.
Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob ay napatigil na siya. Konti na lang at kalahati na ng sukat ng bedroom ang buong bathroom. Bukod sa napakalinis ay napakaganda ng desinyo. May malaking salamin sa tapat ng lavatory. May mga built-in cabinet rin kung saan naroroon ang mga stocks ng sabon, shampoo, conditioner, lotion, at kung ano-ano pa. Sa kanan ng lavatory ay may malaking salaming dingding. Tiyak na naroon ang liguan.
Sa tingin ni Eila ay hindi basta-basta ang lugar na pinagdalahan sa kaniya. Lumaki siya na may gintong kutsara sa bibig kaya alam niya kung ang isang bagay ay may malaking halaga o ano. At mula pa lang sa nalaman niya mula sa kaniyang Tita Gen, hindi na kataka-taka ang yaman ng binata.
Ang tanong lang, iniligtas ba siya nito o ano?
The answer was obvious, but he didn’t answer her before.
Nakakaduda man, malaki ang utang na loob niya rito dahil heto at, humihinga pa sya. Gaya noon, hindi pinabayaan ng Diyos na may mangyaring masama sa kaniya. He sent a savior for her.
With those thought, she smiled at her reflection.
Naghilamos siya. Hiniram na rin niya ang towel na nakatupi sa cabinet pati na rin ang bathrobe na naroon. Kanina ay nagsabi siya na pahiramin siya ng shorts para makauwi na.
Again, he didn’t say yes or no. He just left with those words.
Nang matapos ay lumabas na siya ng bathroom. Muntik na siyang mapatalon sa gulat na makita ang isang lalaki. Nakasandal ito sa may hamba ng bukas na pinto. Mukhang hinihintay siya nito dahil tumuwid ito ng tayo nang makalabas siya.
“Nandiyan na lahat ang mga damit na kailangan mo.”
Magtatanong pa sana siya kung nasaan nang mapalingon siya sa kama. Napakurap siya nang makita ang napakaraming paper bag roon.
“You can choose anything that you want. Boss told us to throw your clothes before. I bet, hindi mo na gugustuhing isuot pa ang mga damit na iyon pagkatapos ng nangyari.” The man said calmly. Hindi man lang ito lumilingon sa kaniya habang nagsasalita.
“Salamat,” saad niya sa kawalan ng sasabihin.
“Magpalit ka na. Babalikan na lamang kita para samahang bumaba at nang makakakain ka. It’s already four in the morning. Baka nagugutom ka na,” pahayag pa ng lalaki bago tuluyang isinara ang pinto.
Akmang hahabulin niya pa ito para magtanong pero nakasara na ang pinto. Minabuti na lang niyang magbihis para harapin ang sinasabi nitong boss. Ang boss na alam niyang walang iba kundi si Logan Kyde.
Maisip pa lang ang pangalan ng lalaki ay may kaba nang bumabalot sa kaniya.
Isang bagay na hindi niya maunawaan ay kung bakit ganito siya kinakabahan gayung nang makita niya ito kanina ay wala siyang ibang nadama kundi kapayapaan?
The man was giving her mixed strange feelings…
*****
ShimmersErisJane