CHAPTER TWO “Collide”

1985 Words
~Mine to Keep~ Malapit nang matapos ni Eila ang ginagawa niya sa Faculty Room nang magsimulang magdatingan ang mga guro. “Good morning!” masigla niyang bati sa bawat gurong dumarating. “Good morning, Lei!” bati ni Miss Pamela. “Ang aga mo namang pumasok,” puna naman ni Mrs. Villena, isa ito sa professor niya. “May tinapos lang po ako.” “Salamat palagi, Eila,” wika naman ni Sir Bagunda. Prof niya ito dati sa Humanities at talagang walang boring na oras kapag ito ang teacher niya. “Wala pong anuman.” Bumalik siya sa ginagawa. Nang matapos niyang mailagay ang huling folder sa drawer ay isinara na niya iyon. Kinukuha na niya ang mga itatapong papel nang ilang guro pa ang nagsidatingan. “Nakalabas na ba ng hospital?” tanong ng isang guro sa kapwa niya guro. “Hindi pa nga daw. Malala daw talaga ang lagay,” sagot naman noong isa pa. "Mabuti’t inabot pa nila na buhay." “Hay, sinabi mo pa. May posibilidad bang makulong ang nambugbog?" Sandaling natigilan si Eila dahil sa narinig na usapan ng mga guro. Tila hindi rin nakatiis ang ibang guro at sumali na rin. “Nasa legal age na ang binatang nambugbog pero sa pagkakaalam ko’y nakapagpiyansa na kagabi pa.” Naagaw man ng usapan ang atensiyon ni Eila, minabuti niyang lumabas nang silid matapos makapagligpit. Baka mapansin pang nakikinig siya. Pagkalabas niya ng faculty ay dumiretso siya sa locker room at kumuha ng gamit. May isang oras pa para mag-review siya. After thirty minutes ay mas dumami ang mga estudyanteng nagsisidatingan at dahil nasa bench siya sa ilalim ng puno ay tanaw niya ang bawat estudyante na pumapasok. May grupo ng mga nagtatawanan, meron ding grupo na pare-parehas na may hawak na mga libro at notebook. Last day ng examination ngayon kaya naman marami ay cramming. Ilang kembot na lang at ga-graduate na siya. Napangiti siya dahil sa naisip. She’s already 21 years old at dapat last year pa siya ga-graduate sa kursong Bachelor of Science in Baking & Pastry Arts. Muntik pa siyang hindi makapasok last year dahil wala naman siyang mga credentials na dala. Good thing, Tita Gen’s clan was as powerful as her family. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit sa nakalipas na tatlong taon ay nananatili siyang nakatago mula sa mga ama. Umaasa lang siya na manatiling matatag ang kaniyang ina hanggang sa maisip niyang bumalik. "Hey, girls! Alam ninyo na ang chika?” Natigil sa pag-iisip si Eila nang marinig ang matinis na tinig ng isang babae. Nilingon niya ang nagsalita. Grupo ito ng mga babaing inokupa ang katabing bench. “Kumusta na si Tom?” "He’s still in the hospital. I just can’t imagine na mangyayari sa kaniya iyon.” Palihim na sinilip ni Eila ang nagsasalita. She didn’t know the girls, but by just looking at them, alam niya na ang klase nila. Branded clothes, shiny curly hairs, colorful nails, and make-ups. Ang ipinagtataka ni Eila ay kanina pa niyang naririnig ang tungkol sa Tom na ito. “Ang kapal talaga ng mukha nang bumugbog sa kanya. Grabe! Just take note taga-Allies pa ang binugbog niya. Where do you think that guy get the nerve?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Kung taga-Allies ‘yung nabugbog, so it means na sa AllyRose lang rin pumapasok ang Tom na simasabi nila. The Allyrose which is short term for Alliance of the Roses ay dating international university exclusive for girls only. From high schools to college ay puro mga babae lang ang nag-aaral rito. Few years after mag-operate ng AllyRose, binuksan naman iyon para sa mga kabataang lalaki. Hindi pinalitan ang pangalan ng university pero nanatiling hiwalay ang building ng mga boys at sila naman ang tinatawag na Allies. The university was founded by the Oliviera clan, and the reason kung bakit gender-based ang school, walang nakakaalam. At dahil international institution ito, puro bigatin ang pumapasok. Hindi na rin bago sa kaniya kung makakita man ng ibang lahi. But then, the point here ay ang issue about this Tom at sa taong bumugbog sa lalaki. Almost every one was talking about him. Makikinig pa sana siya sa usapan ng mga babae nang mag-ring na ang bell. Niligpit na niya ang gamit at nagmamadaling pumasok na sa room niya. ***** Alas-tres na nang matapos ang exam ni Eila. Limang subject ang ene-exam niya ngayong araw. Tatlo ay written exam at dalawa ay practicum. Pakiramdam niya ay naubos lahat ng lakas niya. Madalas sabihin ng daddy niya noon na dapat kumuha na lang siya ng kursong related sa business para matulungan sila sa pagma-manage ng company, but dahil nag-iisang babae siya, they let her chose what she wanted. Sa isang bagay lang siya hindi pinayagan kaya pinili niyang takasan iyon. Bago pa siya magsimulang magdrama ay lumabas na siya ng room. Hahanap siya ng something sweet para ma-uplift ang mood. Kalalabas pa lang niya ng room ay isang matinis na tinig ng babae ang sumalubong sa kaniya. "Wait, Lei!" Napalingon siya. "Oh, ikaw pala, Lyza. Hi!" nakangiti niyang bati. That’s Chryztalyza Montiano. Ang babaing maka-Gen Z dahil sa hilig ng ina sa Z. Isa ito sa mga naging kaibigan niya. Magkaiba sila ng course pero may common subject sila dati kaya nagkaroon sila ng time na magkalapit. "Hello, Lei. Uuwi ka na ba o magtatrabaho ka muna?" Yeah, alam nitong working student siya sa school, pero kahit minsan hindi ito nag-inarte sa kaniya. Wala ring problema rito kahit makita sila ng iba na magkasama. "Pinatigil na ako ni Mrs.Oliviera." "Talaga? Ang aga pa, ah. Wala pa ngang date ang graduation natin." Napapaisip ito dahil alam nitong lahat ng ginagastos niya ay pinagtatrabahuhan niya. “Magpapatuloy ka na lang sa pagbe-bake?” “Siguro kapag medyo lumuwag ang sched natin ngayon. Tumatanggap pa rin naman ako ng order.” “Kapag naka-graduate tayo, magtayo ka na ng bakeshop mo. Sigurado akong papatok kaagad iyon.” Ngumiti lang siya dahil sa sinabi nito. God knows how many times she tried. Humingi pa siya ng tulong kay Tita Gen pero madalas ay nalulugi lang siya kaya naman nag-decide siyang mag-focus sa pagtatrabaho sa school. "Mabuti pa ay kumain na lang muna tayo. May bagong labas na chocolate cake sa cafeteria. Masarap ‘yung bago nilang fillings at toppings sa cake. Gusto kong matikman ‘yun.” “Parang masarap nga. Tara na,” pagsang-ayon nito. Magkasama silang tumungo sa cafeteria. Alas-singko pa kadalasan ang sara ng cafeteria o kung minsan hanggang may mga estudyante pa. Dahil katatapos lang ng examination, may mangilan-ngilan pang estudyante ang nagme-meryenda. “Ako na ang o-order,” pag-aalok ni Lyza. “Babayaran na lang ki—” “Nope! It’s my treat at natapos na tayo sa exams natin. It should be a celebration!” “Pero, nilibre mo na ako kahapon.” Kinindatan siya nito at tumalikod na. “Salamat, Lyza. Punta lang akong rest room.” “Okays!” tugon naman ni Lyza na hindi lumilingon. Pumunta siya sa restroom pero nang makitang puno iyon ng mga babaing abala sa pagme-make up ay lumabas na siya. May rest room hindi kalayuan sa cafeteria at iyon ang tinungo niya. Tinunton niya ang hallway. May ilang opisina pa siyang nadaanan bago narating ang restroom. After she done with her deed, lumabas na siya. Eksakto namang tumunog ang cellphone niya sa bulsa kaya sandali siyang tumigil sa paglalakad. Nag-chat pala si Lyza. Bilisan mo. Uubusin ko na lahat ito kapag wala ka pa! XD hahaha Naiiling na napangiti na lang siya. Magpapatuloy na siya sa paglalakad nang makarinig ng malakas na pagkalabog ng mga gamit. Natigilan si Eila sa paglalakad. Nakarinig siya ng mga lalaking nagsasalita pero hindi niya maunawaan ang sinasabi nila. Humakbang siya ng ilang beses hanggang matanaw ang isang opisina na bukas ang pinto. Sarado pa iyon kanina noong dumaan siya. Lumunok siya at payukong naglakad nang mabilis. Wala siyang balak makitang nakikiusyuso. Malapit na siya sa opisina kaya naman mas binilisan niya ang lakad. Kuyom ang palad at pikit-matang nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang mapatigil siya. “What the!” angil ng baritonong tinig. “Ouch!” mahinang aniya sabay hawak sa ulong nasaktan matapos bumangga sa kung anong matigas na bagay. “Ano ba kasi—” Lumipad lahat sa hangin ang sasabihin sana ni Eila nang mapatunghay at makita kung saan siya bumangga. It wasn’t a thing, but it’s huge, firm, and gorgeous. There was a man standing in front of her. He’s so tall kaya naman halos tumingala na siya para mapagmasdan ang mukha nito. Magkasalubong ang itim na itim na kilay nito at matiim na nakatitig sa kaniya ang mga mata nito. Habang sinasalubong niya ang mga titig nito ay para bang bibigay ang mga tuhod niya. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang estrangherong lalaki pero ang kabog ng dibdib niya ay may tila gustong sabihin. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya na para bang lalabas mula sa rib cage niya ang puso. Mula sa gwapo nitong mukha ay bumaba ang tingin niya sa suot nito. Nakasuot ito ng itim na suit. Bahagyang gulo ang necktie nito na tila kasalukuyang inaayos dahil naroon ang malalaki nitong kamay. “Mr. Kyde, please listen to me fi—” Lumabas sa opisina si Mr. Guanco para lang matigilan sa naabutang eksena. “What’s happening here, Miss Solace?” baling sa kaniya ni Mr. Guanco. Lumunok siya bago tumugon sa tanong ng matandang lalaki. Disciplinarian ito ng Allies at literal na nakakatakot. “H-hindi ko po sinasadyang mabangga siya.” “Ohhh… Humingi ka kaagad ng sorry. Pasensiya ka na, Mr. Kyde. Estudyante lang siya rito.” “Sorry po,” magalang niyang despensa. Hindi kumibo ang lalaki kaya hindi niya malaman kung anong gagawin o sasabihin. “Hmmm…” Nilingon niya si Mr. Guanco. “Pasensiya na, Mr. Kyde. Aalis na siya.” Sinenyasan siya ni Mr. Guanco na umalis na. Humingi ulit siya ng pasensiya bago nag-aalinlangang nilagpasan ito. Hindi pa siya nakakailang hakbang ay muling nagsalita ang baritonong tinig. “What’s your name?” Natigilan siya sa paghakbang. Ilang segundong wala siyang naging kibo o imik man lang. “She’s Miss Eila—” “I’m not talking to you; I’m talking to her,” putol ng lalaki sa mga sasabihin pa sana ni Mr. Guanco. “S-sorry, Mr. Kyde.” May pagtatakang nabuo sa dibdib niya. Hindi pa niya nararanasang maparusahan ni Mr. Guanco pero kabalitaan sa buong campus na nakakatakot ito. Kung bakit ito naroon ay hindi niya alam. At kung bakit tila takot na takot ito sa lalaking kanina pang tinatawag nitong Mr. Kyde, mas lalong hindi niya alam. Humugot siya ng maraming lakas ng loob. Taas-noong hinarap niya ang hindi nakikilalang lalaki. Ngumiti siya bago nagsalita. “I’m Eila Fame Solace, Sir,” magalang niyang pagpapakilala bago nagyuko ng ulo. Nang tumunghay siya ay mas lalong tumiim ang pagkakatitig nito sa kaniya. “Solace?” Sinadya niyang hindi gamitin ang Montenegro. Though it’s a powerful name, walang maniniwala na ang gaya niya ay isang Montenegro. Pabor sa kaniya ang lahat pero dahil nag-iingat, pinili niyang gamitin ang apelyido ng ina. “Yes, Sir. I’m sorry for what happened.” Mas pinagalang niya ang pagsasalita pero puno ng diin. Lumaki siya sa mundo ng alta-sosyedad at hindi bago na makatagpo ng ganitong klase ng lalaki. It just happened that he’s beautifully disturbing. “It’s okay. You may go,” the man dismissed her suddenly. “Thank you.” Tumalikod na siya at naglakad na pabalik sa cafeteria subalit tila dama pa niya ang matiim na titig ng lalaki. Pakiramdam niya, sa isang tingin pa lang nito ay nalalaman na kaagad nito ang lahat niyang lihim at buo niyang pagkatao. Kung sino man siya, sana ito na ang huli nilang pagkikita. Nakakatakot ang epekto ng mga titig nito sa kaniya. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD