"Lei, padamay naman nito."
"Ito rin, Lei."
"Isama mo na rin ito."
May pilit na ngiting tumango na lang si Lei sabay sabing. "Sige, iwan ninyo na lang dyan."
"Salamat, Lei."
Nagsimula nang magsialisan ang mga kaklase ni Lei habang siya ay naiwan sa loob ng silid-aklatan. Bumaba siya sa hagdan na kinatatayuan. Nagsasalansan kasi siya ng mga aklat sa shelves na ginamit ng mga estudyante. Sunod niyang nilapitan ang mga aklat na iniwan ng kaniyang mga kaklase at ‘yun naman ang pinatas niya.
"Lei, andito ka pa rin pala. Umuwi ka na. Hapon na at tsaka ‘di ba dapat kanina ka pa nakaalis.?”
Napatingin si Lei sa babaeng dumating.
"Mrs. Oliviera kayo po pala. Tatapusin ko na lang po ito. Patapos na rin naman po ako."
“Kanina ka pa diyan ha. Magpahinga ka na muna. After all, its not your job to do."
"Pero, Mrs.Oliviera—"
"No more buts, Lei. And please, will you stop calling me Mrs.Oliviera. It's Tita Gen tutal tayo lang naman dito. Mabuti pa ay umuwi ka na at nang makapag-aral ka. Remember you have your final examination tomorrow."
Walang nagawa si Lei kundi sumunod sa tiyahin. Kung hindi pa siya susunod rito ay tiyak na magagalit na ito sa kaniya. Malaki ang utang na loob niya rito kaya naman kailangang maging masunurin siya.
"Okay po, Tita Gen,” pagsang-ayon niya habang pinagmamasdan itong lumabas.
Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na rin si Lei ng library at dumiretso sa locker room para kunin ang mga gamit niya at maghanda nang umuwi. Kokonti na lang ang mga estudyante sa corridor at halos marami ay nakauwi na.
Siya? Sanay na siyang nahuhuling umuwi. Sa loob ng dalawang taong pagpasok niya sa university, napakadalang na umuuwi siya nang maaga.
She’s Eila Fame Solace Montenegro, pero mas kilala siya sa university na Lei, ang dakilang utusan ng mga professors at mga estudyante. Nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo sa AllyRose University sa tulong ni Genelyn Oliviera, ang babaing kausap niya kanina.
Anak ito ng may-ari ng university na ito kaya naman hindi mahirap para rito na tulungan siyang makapasok. At bilang pasasalamat rito tumutulong siya sa school kapag walang klase. Tumutulong siya sa pag-aayos ng mga libro sa library, sa mga kailangan sa office at kadalasan ay sa faculty room para mag-assists sa mga guro. Noong una ay naninibago pa siya pero kalaunan ay nakasanayan na niya ang mga gawaing iyon.
Nang makuha ni Lei ang mga gamit ay naglakad na siya pauwi. Hindi naman gaanong malayo ang university sa bahay na tinitigilan niya pero kadalasan ay inaabot pa rin siya ng kinse minutos na paglalakad o mahigit pa kung may kailangan siyang puntahan o bilihin.
Tumigil siya sa tapat ng isang pulang gate at pumasok sa loob. May hindi kalakihang bahay sa loob. Hindi ganoon kagara ang bahay niya pero okay na rin para sa nag-iisang katulad niya.
Yes, she’s all alone.
Mag-isa siya simula nang magdesisyon siyang mag-iba ng landas sa buhay.
Kasabay nang pagpasok niya sa bahay ay tila lumalagunos na tubig na nagbalik sa kaniya ang alaala. Ang alaala kung bakit pinili niyang manatiling mag-isa.
Three years ago…
Nagliliwanag ang malaking mansion ng mga Montenegro. Ang malawak na hardin ay kumikislap dahil sa napakaraming ilaw. Ultimo ang mga halaman at puno ay napapalamutian ng mga ilaw. Maririnig sa paligid ang mabining musika, ang malakas na tawanan at kwentuhan ng mga bisita.
It's Eila’s eighteenth birthday kaya naman lahat ng kaibigan at kakilala ng kaniyang pamilya ay imbitado.
“Tunay na napakaganda ng anak mo, Easton,” papuri ng isang bisita.
“Saan pa ba magmamana? Hindi ba’t sa amin din?” Humalakhak si Easton Montenegro, ang ama ni Eila.
Sinulyapan naman ni Eila ang ina na tahimik lang ngumiti.
“Tama. Naaalala ko pa noong kabataan namin nina Freya, isa siya sa pinakamaganda sa buong campus,” pagkukwento naman ng isa pa. Hindi lubos kilala ni Eila ang mga bisita pero pinili niyang makihalubilo.
Isa sa kilalang pamilya ang mga Montenegro, ang angkang pinagmulan niya. Kilala sila hindi lang dahil sa yaman, mga negosyo pati na rin sa iba’t ibang larangan.
Sa murang edad ay nakamulatan na ni Eila ang napakalaking mundo ng pamilya nila. Bunso siya at nag-iisang babae sa kanilang apat na magkakapatid. Isang pangyayari na madalas maganap sa isang Montenegro. At dahil madalang ang mga babaing ipinapanganak sa angkan, gaya ng ibang mga kwento sa nobela, naghahanap ang ama ng isang lalaking karapat-dapat para sa kaniyang prinsesa.
And that what brought Eila to this disaster…
Malalaki ang hakbang na pumasok si Eila ng mansion. The simple conversation her father and his friends took to a worst detour.
Rinig niya ang pagtawag ng ama pero minabuti niyang tumungo sa receiving room upang makaiwas atensiyon. Hindi pa nag-iinit ang mga paa niya sa loob ng silid ay kasunod na niya ang ama.
“You can’t do this, Eila! Bilang ama mo ay ako pa rin ang may karapatang magdesisyon sa kung anong makakabuti sa’yo.”
“Seriously, Papa?” sarkastiko niyang tanong. Hawak ang laylayan ng magarang gown na suot ay hinarap niya ang ama. Hindi pa natatapos ang party niya. Hindi pa nga niya naii-celebrate ng lubos ang pagiging isang legal na dalaga tapos binibigyan na siya kaagad ng ama ng malaking responsibilidad. “At iniisip ninyo pong makakabuti sa akin na magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman kilala o gusto?”
“Renzel is a good man. Hindi kayo nagkakalayo ng edad. You’re 18 and he’s 20 pero marami na siyang naiitulong sa kompanya nila. Matapos niya lang ang pag-aaral niya sa susunod na taon, ite-train na siya para mag-manage ng kanilang kompanya. Hindi siya mahirap kilalanin.”
“Para sa inyo po, pero para sa akin? Naisip ninyo po ba kung ano talagang gusto ko? O kung anong mararamdaman ko? That I’m still too young for this?”
“Look, Eila. Alam mong walang ibang mahalaga sa’min ng mama mo kundi ang future mo. Isa kang dalagang Montenegro. Nagmula ka sa isang mayaman at makapangyarihang angkan kaya dapat lang na hindi kung sino lang ang papakasa—”
“Papa, I’m only 18. Wala pa sa isip ko ang kasal. I still want to explore the world. Gusto kong tuparin ang pangarap ko.”
“Pwede mo namang gawin iyon kapag kasal na kayo. Kung gusto mong magtayo ng sarili mong bakeshop, resto or anything, Renzel will be there with you. Kung gusto mong mag-aral muli, he’ll help you. If you wanted to travel the world, he’ll be there for you.”
Marahas na umiling-iling si Eila. Kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi siya mauunawaan nito. “No, Papa. Hindi mo naiintindihan.”
“Eila, ginagawa ko lang ito para sa’yo.”
“No, Papa. You’re doing it for yourself. Dahil kung para sa akin po talaga ito, sana inalam ninyo muna ang mararamdaman ko. Sana hindi ninyo ako igagaya sa ginawa ninyo kay Mama.”
“What did you say?” Napigtas na ang pumipigil sa inis ng kaniyang ama.
“Mama is a great mom, but she lost herself dahil wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang gusto mo. She lost her dream just to protect this entire family from losing its wit dahil napaka-diktador mo—”
Hindi na natapos ni Eila ang sasabihin pa dahil isang malakas na sampal ang ibinigay ng ama sa kaniya. Namimilog ang mga matang tiningnan niya ito. Nagsisimulang mamuo ang mga luha niya pero pinigil niya iyon. Hindi siya makapaniwalang sinampal siya nito.
“You’re grounded, Eila. Hindi ka lalabas ng mansion na ito hanggang hindi ko sinasabi! At wala kang magagawa kundi sundin ang utos. Magpapakasal ka kay Renzel sa ayaw mo man o sa gusto.”
“You can’t just do that…”
“I can, Eila. I can, because I’m Easton Montenegro, and I’m your father.”
Gusto pa niyang magsalita pero pinigil na niya ang sarili. Sa halip, mabilis siyang tumakbo patungo sa silid niya baon ang pangakong aalis siya sa mansion na iyon kahit anong mangyari. Hindi siya papayag na makasal sa kung sinong lalaki. At hindi siya papayag na kontrolin ng ama ang buhay niya.
And that what brought her to Genelyn Oliviera.
*****
Kinabukasan…
Wala pang alas-sais ng umaga ay nasa school na si Eila. Dumiretso siya kaagad sa faculty room para magligpit ng mga files at school papers na hindi niya napuntahan kahapon.
"Sabi na nga ba’t narito ka lang na bata ka."
"Ayyy, inang!” Muntik nang mauntog si Eila sa nakabukas na drawer dahil sa biglang pagsulpot ni Mrs. Oliviera. Nakasalampak kasi siya sa sahig at pinagsusunod-sunod ang mga files na ibinilin ng isang guro kahapon sa kaniya. “Good morning po,” pilit niyang bati.
"Bakit ang aga mo? Alas-otso pa klase mo, di ba? Kung hindi pa sinabi sa akin ni manong na dumating ka na, hindi ko pa malalaman na andito ka na. Tsaka, tama na ang katatawag mo sa akin ng Mrs. Oliviera. It’s Tita Gen."
Napakamot siya sa batok dahil sa litaniya nito. Kapag sila-sila lang ay Tita Gen naman sadya ang tawag niya rito pero kapag nasa university ay hindi niya magawang tawagin ito sa ganoong tawag.
"At bakit nga pala ikaw ang gumagawa ng mga yan? At kelan mo pa naging trabaho ang trabahong dapat ang mga guro ang gumagawa?"
“Nakiusap po sa’ken si—"
"Eila, pumayag akong mag-aral ka rito hindi dahil sa sinabi mong magtatrabaho ka rito. Pumayag ako dahil alam kong kailangan mo’t kaya kong sagutin ang pag-aaral mo. Hindi makakabawas sa sahod ng mga guro rito kung hindi ka magbabayad ng tuition mo.”
"Tita Gen, ito po—"
“Isa pa, ano na lang mukhang ihaharap ko kay Freya kapag nagkita kami’t nalaman niyang ang nag-iisang anak niya babae, ang isa sa tagapagmana ng mga Montenegro ay inaalila ko rito sa AllyRose?”
Napakagat-labi siya nang banggitin nito ang pangalan ng kaniyang ina. Matalik na magkaibigan ang kaniyang ina at si Tita Gen kaya ganito na lang ito mag-alala sa kaniya.
"Tutulungan at susuportahan kita sa mga plano’t gusto mong mangyari. Pero minsan, hindi madali para sa’kin na makita kang nahihirapan. Hindi ito ang buhay mo, Eila… Hindi ka dapat narito."
Umiling-iling siya. "Mali po kayo, Tita. Simula nang sumama ako sa inyo’t magdesisyong tumira rito. Ito na ang buhay na pinili ko’t masaya ako rito. Sa tatlong taong pananatili ko rito’y nasasanay na po ako sa mga gawain.” Ngumiti siya. “Mahirap, pero masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan ko lahat ng meron ako ngayon. So please, let me stay..."
Ayaw niya ng bumalik pa sa mansion. Alam niyang parang ang selfish, pero masama bang kahit papano ay hilingin niyang sumaya’t lumaya…
Lumaya mula sa kanila…
Tiningnan niya si Tita Gen. “Masaya po ako rito. I miss Mom, pero kahit papaano, masaya ako rito.”
“You can stay here whenever you want. I’ll give you different job. Alam ko namang kahit na tinutulungan na kita panay sideline ka pa rin. Pero hindi na rito sa school. Masyadong mabibigat ang trabaho rito.”
Ngumiti si Eila bago tumayo para yakapin ito.
“Salamat, Tita. Salamat sa lahat. Sorry po kung nadadamay ka sa gulo ko."
"Wala ‘yun, Lei. Hindi mo lang alam, pero hanga ako sa naging desisyon mo. You're a clever and brave lady. No wonder you're a Montenegro. Kung sana lang nakikita ka ni Freya ngayon, tiyak na masaya siya para sa’yo."
Bumitaw siya rito. "Salamat po sa lahat."
“Sige na. Talagang batang ito. Nag-agahan ka na ba? Pumasok ka na mayamaya."
"Opo. Tapusin ko lang po ito."
"Sige. Daan ka pala sa office ko bago ka umuwi ha."
"Okay po."
Tuluyan nang lumabas ng faculty room ang kaniyang Tita Gen. Sinundan niya ito ng tingin ng may kakaibang ngiti sa labi. Sa tatlong taon niyang pananatili kasama nito nananatiling nakatago siya mula sa sariling ama.
*****
ShimmersErisJane