CHAPTER SIXTEEN “Sweet Poison Part 2”

1535 Words
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Logan. Hindi pa niya lubusang nakikita ang kisame ay alam na kaagad niyang nasa ospital siya. Wala atang tao ang hindi makakapansin nang malaking pagkakaiba ng amoy ng pangkaraniwang silid mula sa matapang na amoy ng ospital. Ang pinaghalong amoy ng alcohol, mga gamot at kakaibang ihip ng hangin na dulot ng mga taong may iba't ibang dinaramdam—pisikal man o emosyonal. The scent and the feeling itself of being inside the hospital felt that he was being choked right now. Sa pagmulat niya ay napatunayan niya ang hinala nang makita ang paligid. Puting kisame. Puting silid. Puting kurtina. Puting kama at kumot. Lahat ay puti. Gusto man niyang isipin na nasa langit siya, imposibleng mangyari iyon. Heaven wouldn’t take him. Kumilos siya at noon niya napansin na namimigat pa ang buong katawan. Dama niya ang tila pangangapal ng ibang bahagi ng mukha at leeg. Lihim siyang napamura nang maalala ang nangyari sa kaniya. Sa kabila nang nararamdaman ay pinilit niyang kumilos. “Sir…” Nilapitan siya ni Slick. Seryoso na ang mukha nito pero hindi niya malilimutan ang nag-aalalang mukha nito noong nasa loob sila ng bathroom. “Get ready the car. We’ll g—” “You still need to wait for two hours before you can go out.” Pinutol ng kapapasok lang na si Caleb lahat ng sasabihin pa sana ni Logan. Wala itong kangiti-ngiti habang taas-noong naglalakad patungo sa kaniya. Ang dalawang kamay nito’y nasa loob ng magkabilang bulsa ng suot nitong white lab coat. “I’m good.” Hindi pinansin ni Logan ang sinabi ng kaibigang doctor at pinili pa ring bumangon. Dahil abala sa pagbangon ay hindi niya napansing nakalapit na ito. Sa mabilis na kilos ay nahawakan siya nito sa balikat at buong pwersang itinulak pahiga. “Heck!” malakas na wika ni Logan. Hinawakan ni Logan ang braso ni Caleb na nakahawak sa balikat niya at akmang pipilipitin iyon para lang matigilan nang magsalita si Caleb, “One more move and you’ll spend the next four hours here in the hospital. And that will happen whether you like it or not.” Natigilan si Logan nang may maramdaman siya sa leeg na malamig at matulis na bagay. Matalim na tiningnan niya si Caleb. “Hindi ka talaga patas lumaban. That’s cheating.” Caleb smirked. “Mas mabuti nang maging hindi patas kung sa susunod na tawagan ako ni Slick ay sa morgue na kita dadalahin. You didn’t understand the extent of what happen to you?” “You’re just exaggerating.” Hindi pa rin nila binibitawan ang isa’t isa. Nakatulak pa rin ang isang kamay ni Caleb sa kaliwang balikat ni Logan habang ang isang kamay ay may hawak na syringe na nakatutok sa leeg ni Logan. Ang isang kamay naman ni Logan ay nakapigil sa braso ni Caleb at nakahandang pilipitin iyon habang ang isa ay humawak sa palapulsuhan ni Caleb na may hawak na syringe. Matalim at hindi patatalo ang tinginan nilang dalawa. “Kung nakikita mo lang ang sarili mo kanina, baka ikaw na ang magpresinta sa akin na mananatili ka ng ilang oras dito para magpahinga.” “That won’t happen.” “That’s why I get ready. I know how hard-headed you are, Logan.” Humigpit ang hawak ng parehas na lalaki sa isa’t isa. Wala talagang balak magpatalo. “You know I always got the upper hand,” Logan speculated. His lips formed a lopsided grin. “Enlighten me then,” Caleb challenged. Lumipat ang mata ni Logan kay Slick. “Come on, Slick, do what you need to do.” “At sa palagay mo ay tutulungan ka niya?” Lalong naging mapanghamon ang tinig ni Caleb. “At bakit naman hindi?” Pinaningkitan niya ng mata si Slick pero sa halip na kumibo ang huli ay tiningnan lang siya nito. Tila wala lang rito ang masama niyang tingin. Hindi rin nito pinansin kung nasa alanganing posisyon niya. Nanatili itong nakatayo ng tuwid isang metro sa kanilang dalawa ni Caleb. “What? Help me here,” Logan blurted out at Slick. Instead of obeying him, Slick stepped backward. “I can’t, Sir. My duty is to ensure your safety.” Namilog ang mga mata niya. Hindi niya akalaing ilalaglag siya ng sariling bodyguard. “This is fun,” natatawang ani Caleb sabay bitiw sa kaniya. Lumuwag naman ang pagkakahawak niya rito kaya maagap itong nakaalis. “Never thought that I’ll get Slick’s side.” Pinaikot nito ang kamay na may hawak na syringe. “Hindi ko naman pala kailangan nito.” Matapos takluban ay syringe ay inilagay nito iyon sa bulsa ng coat. “Funny,” sarkastikong wika ni Logan. Hindi maipinta ang mukha nitong umupo na lang sa hospital bed. Alam niyang hindi tototohanin ni Caleb ang banta pero alam niya ring sa kondisyon niya ngayong nanghihina pa, kapag nagkasundong magtulong sina Slick at Caleb ay mahihirapan siyang tapatan ang mga ito. Slick was already a handy, and Caleb—he's a different story. ‘Dang!’ his mind shouted. Caleb used to be a combat medic. He’s not just a good doctor, but also an excellent fighter. Nagdesisyon lang itong umalis sa pagme-medic nang magkasakit na ang ina nito at piniling maging isang civilian doctor maalagaan ang sariling ina. “Seryoso, Logan. Kailangan mong magpahinga.” “Pero okay na ako,” pangangatwiran niya sa kaibigan. “Your body is still in shock. Gumana ang gamot sa’yo pero kailangan mo pa ring magpahinga para tuluyan kang makabawi.” Hindi siya nagsalita subalit sa loob ng dibdib niya ay nagpapasalamat siyang nabuhay pa rin siya. Mukhang totoo ang kasabihang ang masamang damo ay matagal mamatay. “Ano bang nangyari at inatake ka?” Humila ng upuan si Caleb at naupo roon. Senyales ito na hindi siya tatantanan ng kaibigan. “Did you eat something na may pecan?” Hindi pa rin siya sumagot. Ang isip niya ay nasa cake na ginawa ni Eila para sa kaniya. Kung ang isang slice noon ay muntik na niyang ikamatay, paano pa niya mauubos ang cake? Inihanda pa naman ito para sa kaniya ng dalaga. ‘D*rn it! Why all of the food, sa pecan pa ako nagka-allergy?’ “O nababaliw ka na at sinadya mong kumain ng pagkaing may pecan?” Binalingan niya ang kaibigan. “It’s nothing.” “Nothing? You almost died, Logan,” Caleb pointed out. “O may nagtatangka na naman sa buhay mo? Pecan isn’t an everyday spice. Ang pamilya mo lang at kami ang nakakaalam na allergy ka sa pecan.” He exhaled. “Caleb, it’s nothing. I just bought a cake from a shop and I di—” “That’s impossible! Kung cake at cake lang rin, malalaman mo kung may pecan iyon o wala. Hindi ka ganiyan kaistupido.” Hindi talaga papatalo si Caleb. Kilala siya nito bago pa man niya tuluyang makilala ang sarili niya. He's more than a friend. He's an ally and a partner in crime. Naikuyom ni Logan ang kamao. Hindi niya maaaring sabihin sa kaibigan na natagpuan na niya ang babaing matagal nang hinahanap at ito ang nagpakain sa kaniya ng cake na may pecan. Baka sa halip na matuwa ito ay isumpa pa nito si Eila. Walang kasalanan si Eila. Hindi nito alam na allergy siya sa pecan at hindi rin naman niya ipinaalam rito. Bakit nga ba kasi hindi niya ipinaalam rito? “I know you’re hiding something, Logan. Kung anuman iyon, makakabuti kung magpapahinga ka muna. Hindi kami papayag na basta ka na lang umuwi.” Tumayo si Caleb. “Eat something. I’ll be back after an hour to give you a shot. Pagkatapos niyon ay pwede ka nang umuwi.” Sinulyapan niya ang kaibigan. “Thank you, Caleb.” He heard him sigh. “Good to see you kicking and alive.” They gave each other a smile. And that’s enough to know that they understood each other. But on Logan's mind, he knew Caleb would find a way to know how he got pecan. Logan would love to share it to Caleb that the delicious cake was from Eila—if it wasn't a sweet poison in his system. ***** “Did you see the cake?” tanong ni Logan kay Slick nang maiwan silang dalawa sa loob ng silid. Alam niyang habang walang malay siya ay kumilos na ito para malaman kung bakit bigla siyang inatake. “Yes, Sir. And I’m thinking whether to put it inside the fridge or just throw it.” Logan tittered. “I thought of the same thing. Funny thing is I still ate it.” He glanced at Slick. “You know what? I didn’t regret eating the cake. It’s delicious.” “I know, Sir.” “What do you mean?” Umarko ang isang kilay ni Logan. “I know Miss Eila won’t poison you but I when check the cake, I think it’s really poisonous for us. Delicious and sweet, but dangerous.” Logan stared at Slick for a beat before he roared with laughter. “At least you’re not allergy to coffee.” Logan said between laughter. ‘Heck, but that was fun!’ ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD